Mambabasa part 10

1 0 0
                                    


MAMBABASA
GENRE: Fantasy
STORY CATEGORY : FICTION
WRITTEN BY: Lira Luna🌙

Part 10-Ang Huling laban

"Hindi mo ako kailangang makita sa ngayon aking mambabasa... ngunit sa puso mo ay nakikita mo ako, at kilala mo kung sino ako.''

Kahit natatakpan ng hari ang aking mata pakiramdam ko ay nanlalaki ito sa gulat. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib, na tila ba isang daang libong tambol ang rumaragasa sa sinabi ng aking hari.

"Tara, katulad ng dati, sabay nating talunin ang kalaban."

Pagkawika niya no'n ay agad niyang sinuot ang maskara na gawa pa umano ni Abu kalaw. Kaya naman nagulat ako sa ginawa niya.

"Para hindi mo makita ang aking mukha, nang hindi na mawala ang iyong kapangyarihan aking mambabasa."

Magsasalita pa sana ako nang makita ko si Ashton at Ashmara na muling kuminang, tumayo ako at tumingala.

"Buksan ninyo ang durungawan ng mga bituin."

Nagkatinginan silang lahat, ngunit dali-dali namang binuksan ang durungawan ng mga bituin. Namangha ako nang sumilay mula sa kalawakan ang mga naggagandahang bituin.

Pinagtuptop ko ang aking kamay saka pumikit at nanalangin, at dahan-dahan kong binuka ang aking mata at muling tumingala sa kalangitan. Kumilos ang mga bituin na ako lamang ang nakakakita, kumikilos sila sa pwesto kung saan mababasa ko sila.

Isa-isa kong binasa ang kanilang mga mensahe, at nanlaki ang aking mata sa mensaheng pinadala ng mga bituin.

"Ano ang iyong nababasa Malaya?"

Tanong sa'kin ng hari, napatulala ako sa iisiping kailangan may magbuwis ng buhay. Hinawakan pa ako ng hari sa aking mga kamay. sinundan ko ng tingin ang kamay ng hari.

Napatingin ako muli sa kanya at sa mga taong nakapaligid sa 'kin, hindi ko akalain na gano'n  ka bigat ang nakaabang na mga pagsubok sa kural.

Ngunit para sa kaligtasan ng lahat ay gagawin ko, buhay ko man ang maging kapalit ng lahat nang ito. Napatayo ako at handa na ako sa magiging kahinatnan ng aking tadhana. Ito na ang huling laban, at wala nang ibang makakatalo kay Mona kundi ako.

Humarap ako sa mga tao na umaasa ng kapayapaan. Mababakas sa mga mukha nila ang pagnanais ng katahimikan. Nanatili silang nakayuko at umiiyak, tila ba nawalan sila ng lakas ng loob na matatalo namin si Mona.

"Mamayan ng kural!"

Sigaw ko na kanilang ikinagulat, nagkatinginan pa sila sa isa't-isa saka muling tumingin sa akin.

"Bakit kayo nawawalan ng pag-asa? Tumayo kayo't magtiwala kay Bathala! Hindi niya pinapabayaan ang kanyang mga anak na nagtitiwala sa kanya!"

"Ngunit, aming mambabasa? paano kami lalaban? wala naman kaming kapangyarihan katulad ni Mona? A-at paano ka lalaban mahal na mambabasa? wala kang kapangyarihan?"

Napatingin ako sa nagsalita. Makikita mo sa mga mata nito ang takot at pag-aalinlangan. Ang kanyang mga mata'y maraming katanungan.

"Bakit? ikaw ba'y nagdadalawang isip o nagdududa sa kapangyarihan ng Diyos?"

Hindi siya nakaimik at mas piniling siya 'y yumuko na lamang. Isa-isa kong tinitigan ang mga mamayan at katulad nang nauna 'y napayuko lamang sila. Naglakad ako para tingnan sila isa-isa at lahat sila'y nanatiling nakayuko.

"Kural! Ang katumbas mo'y pader! ikaw ang nagsisilbing bakuran para protektahan ang iyong nasasakupan! kaya Kural ang pangalan ng ating kaharian dahil tayong mga maharlika ang poprotekta sa mga lumad at mga normal na tao. Hindi ninyo kailangang makipaglaban kay Mona! dahil ako na inyong mambabasa ang gagawa niyan para sa inyo!"

MAMBABASA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon