Mambabasa part 8

4 0 0
                                    

MAMBABASA
GENRE: FANTASY
STORY CATEGORY: FICTION
WRITTEN BY: LIRA LUNA

Part 8- Ang Laban- ikalawang bahagi

Kasalukuyan kaming nagpang buno ni Mona, habang pinagtutulungan namin siya ni Lira at Danan. bumagsak siya sa lupa nang sipain siya ng elemento ng apoy.

Tila bakal pa siyang bumagsak sa lupa dahil halos mawasak niya ito. Dahan-dahan naman kaming bumaba na tatlo sa tulong ni Habagat.

Nanghihina na kami pariho, maliban sa mga elemento. Siya naman nakahandusay sa lupa habang tila wala nang lakas pang tumayo.

"Sumuko ka na Mona! magbalik loob ka na sa Diyos!"

Wika ko sa kanya, narinig ko naman siyang tumawa ng malakas. Tila nga walang balak itong magsisi, nagtataka ako't kung bakit wala ang kanyang ama na sinasabi niyang hari no'ng una niyang makarating sa Kural.

Naisip ko ding baka siya'y nagsinungaling dahil hindi naman siya nabuhay bilang tao, bagkus isa siyang diyosang tumakas sa kung saan man siya tunay na nagmula.

Tumayo siya, saka natatawa. Nakita ko nang bumaba na si Habagat at si Esmeralda. Ayon sa kanila kasalukuyang naglalaban ang ibang elemento laban sa tao, ang hari ay nagapi na at aming napa-alaman na ito ay katawan lamang ng saging.

Nilinlang ni Mona ang mga mahihina ang pananampalatayang maharlika ng kural, Nilinlang niya ang mga ito gamit ang mga itim na elemento.

"Hahaha, wala pang nakakatalo sa akin Malaya, kahit na ikaw... paano ako matatalo ng isang tao na hindi man lang niya alam kung ano ang totoong lihim sa pagkatao niya, maliban sa alam mong ikaw si Luna."

Wika niya sa akin, nagkatinginan kami ng mga elemento, saka muli kong binalik ang tingin ko sa kanya. kasalukuyan pa rin siyang nanghihina, tumayo siya nang dahan-dahan habang nakahawak sa malaking kahoy na kanyang kinabagsakan.

"Hindi ba sinabi sa iyo ni Bathala? kung sino kang tunay maliban sa ikaw si Luna na nabuhay bilang si Malaya? Dapat tinatanong mo ang Diyos mo...hahahaha"

"Malaya, si Mona ay Diyosa ng mapaglinlang, huwag ka palilinlang sa kanya."

Ani Danan sa'kin, napatingin lang ako bahagya sa likod ko kung nasaan si Danan saka muling binalik ang tingin kay Mona.

"Ano man ang pagkatao ko sa likod ni Luna o ni Malaya ay wala akong pakialam, at wala akong karapatang magtanong sa Bathala, ano man ang hindi ko alam bahala na ang tadhanang maglantad nito."

Wika ko sa kanya, napansin ko namang tila nainis si Mona saka mabilis na lumipad para sumugod sa'kin. Sa subrang bilis niya halos hindi kami makaiwas ng mga kasama kong Elemento.

Palibad akong inatras ni Habagat, at marahang binaba sa lupa, napalingon ako sa paligid at walang tigil ang paglalaban ng mga panig ko at panig ni Mona.

Napatigin ako sa langit at nalalapit na ang pagbaba ng haring araw, hudyat na magtatakip silim na. Katulad ng digmaang nagaganap laban sa kasamaan at kabutihan ay unti-unti na ring nag-aagawan ang liwanag at kadiliman.

Napatingin ako sa paligid at naisip ko na bakit kailangan maglaban-laban? kung pwede naman pagmamahalan na lang. Alam kong wala akong laban kay Mona dahil wala akong kapangyarihan bilang si Malaya.

Isa lamang akong mambabasa na tinanggalan ng katangian na makabasa ng hinaharap. Pero alam ko may rason ang lahat, at hindi ko kinukwestiyon ang plano ni Bathala.

Bago pa man ako sugurin muli ni Mona ay naputol ang aking pagmumuni-muni at agad na sinangga ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ni Lira.

Nagulat nama siya't napatingin sa apoy na hugis espada saka muling tumingin sa akin. Napangisi siya, nakakatakot na ngisi, mga ngiting hindi mo hahangaan.

MAMBABASA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon