Mambabasa part 6

4 0 0
                                    

MAMBABASA
GENRE: FANTASY
STORY CATEGORY: FICTION
NI: LIRA LUNA

Part 6- Muling pagtatagpo at ang paglikas.

Kasalukuyan nang inililikas ang mga mamamayan ng Kural sa mga lugar na napag-usapan kung saan ligtas ang mga mabubuting tao.

Walang ka alam-alam si Mona na kumukilos na ako sa loob ng kanyang inangking kaharian. Kasalukuyan akong nakatayo sa terasa kung saan natatanaw ko ang boung Kural.

"Mahal kong Kural, ang iyong bayan ay lilipulin ni Bathala dahil sa kanyang katiwalian. Tingnan mo ang iyong mga nasasakupan, tila ba nakalimutan na nito ang kanilang mga sarili. Nasilaw sila sa mga makamundong kahalayan."

Wika ko sa aking isip, umihip ang napakalamig na hangin na sinasabayan pa ng mapusyaw na sinag ng buwan. Kasing lungkot ng Kalawakan ang bayan ng kural, ang dating masayahing bayan ay nagmistula nang bahay aliwan.

Nalungkot ako sa larawan ng aking nakagisnang kaharian. Halos dito ko na ibinuhos ang aking boung buhay kaya masyado akong nahabag sa sinapit ng aking bayan dahil sa kasakiman ng isang diyosang walang pagmamahal.

Napahawak ako sa aking puso, dahil tila ba nakaramdam ako ng mga emosyong hindi ko nararamdaman dati. Sa halip na ito ay pansinin ako ay nanalangin na lamang na huwag nawa akong matulad kay Mona na may galit at poot sa aking puso.

"Ano ang ginagawa ng isang hamak na mananahi sa pinakamagandang parti ng aking kaharian!"

Sigaw ng isang boses na kahit hindi ko lingunin ay kilalang-kilala ko. Sumilay ang mga ngiti sa aking labi, naramdaman kong siya 'y lumapit at ako 'y kanyang biglang hinablot paharap sa kanya.

"At sino kang mapangahas na hindi marunong gumalang sa iyong reyna!"

Sigaw niya sa akin ngunit nanatili lamang akong nakatayo at nakangiti sa kanya. Nakita kong hindi halos maipinta ang kanyang mukha sa ginawa kong pagngiti.

Napatingin ako sa kanyang mga tagasunod na nanatiling nakayuko. Walang imik ang mga ito, ang isa sa kanila ay matamang nakatingin sa akin kaya naman nanlaki ang kanyang mata nang ipakita ko sa kanya ang aking tunay na anyo.

"Kamahalan, huwag po ninyo sayangin ang inyong lakas sa isang hamak na mananahi, kayo po ay magtungo na sa inyong silid at ako na lamang po ang bahalang kumausap sa babaeng ito."

Wika sa kanya ng babaeng pinakitaan ko ng aking tunay na anyo. Napatingin muna sa kanya si Mona at siya naman ay nanatili lamang na nakayuko. Napatikhim si Mona saka muling ibinaling ang tingin sa akin na may kasama pang paghagod mula ulo hanggang talampakan at pabalik.

"Tama ka, ipadala mo 'yan sa Dorinkort at ipadisiplina mo 'yan sa mga tagapangasiwa ng pagdidisiplina!"

Wika niyang sabay alis kasunod ng iba niyang tagasunod. Nanatiling nakatayo ang babaeng nagpaiwan na tila ba pinakiramdaman niya ang huwad na reyna.

"Ikaw! sino ka para lapastanganin ng gano'n ang iyong reyna!  Hindi mo ba alam ang parusang iyong kahaharapin!"

Wikang sigaw niya sa akin, habang lihim na pinapakiramdaman ang nasa likod. Alam kong nararamdaman niyang nasa likod pa si Mona kaya nagkunwari akong yumuko.

"Paumanhin po, hindi ko ibig lapastanganin ang ating reyna."

Maiksi kong saad, Sinabi naman niya sa akin na sumama ako sa Dorinkort kung saan nililitis ang mga may kasalanan at lumabag sa batas ng kaharian.

Dito lilitisin ang mga taong nakakulong sa malaking pader sa hilaga kung saan nakilala ko si Mulave. Ang Dorinkort ay patas na gumawa ng parusa at malinis na paglilitis.

Habang nilalakbay namin ang daan papasok sa Dorinkort ay napahinto ang babae. Napahinto rin ako nang makitang huminto siya.

"Nais mo bang ikaw na maghatid sa kanya sa Dorinkort Amima?"

MAMBABASA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon