At dahil isa din ako sa Team Bahay, alam ko ang pakiramdam nyo guys. I dedicate this Special Chapter sa lahat ng Team Bahay. Note: Kasama po si Zayn sa kwento. Since fanfic po ito hehe. Para po masaya ang lahat. At related pa rin po ito sa I Wish.Your POV
Hay. Bukas na ang concert ng 1D pero ako nganga. Bat ba kasi di ako pinanganak ng mayaman? O di kaya sana nagtatrabaho na ako para may pambili na ako ng concert ticket. I've been a fan since ireleased nila ang What Makes You Beautiful. At sa totoo lang I've been a fan, pero di ganun kabonggang fan. I mean, pag sinabi kasing fan bongga yung mga collection. Gustuhin ko man na bumili ng mga fragrances, original dvd, pati mga orig na collectibles di ko kaya. May mga nakolekta din naman ako. Puro mumurahin nga lang. Tulad ng mga pirated na cd at dvd. Nagpapaprint din ako ng mga pictures nila. Hanggang dun lang kasi ang kaya ko. May naipon akong pera pero kahit ata pang Gen Ad di aabot. Hay ang hirap maging fangirl. Especially ang maging poor na fan girl. Bukas Sabado, ang unang gabi sa concert ng boys. Isa ako sa pupunta sa airport. Buti na lang Sabado bukas. Kasama ko yung mga tropa kong Directioners din. Nagpaalam na ako sa parents ko at buti pumayag naman sila. Alam naman nilang ito lang ang kasiyahan ko. Nag text ako sa kanila kung anong mangyayari bukas. Napag desisyunang sa may 711 sa kanto kami magkikita kita ng alas dos ng madaling araw. Wala pa kasi kaming balita kung anong oras ang flight ng boys. At least kahit sa airport lang makita namin sila. Inayos ko na ang mga gamit ko para naman pag nagising ako ay ready to go na.Naabutan ko na ang mga kaibigan ko na nasa 711 na. Isa na lang ang hinihintay namin. Hinatid ako ng papa ko.
"Grabe. Sana naman kahit sa airport lang makita natin sila." Sabi ni Aileen, ang kaibigan ko.
"Oo nga friend. My Niall. May dala nga akong egg sandwich para ibigay sa kanya." Sabi naman ng friend kong si Luisa.
"Egg sandwich talaga?" Natatawang sabi ni Monic.
"Oh bakit naman? Ginawa ko kaya ito ng buong puso." Sabi pa ni Luisa.
"Ang tagal naman ni Sue. Sya na lang hinihintay." Reklamo ni Monic.
"Speaking of. Ayan na." Sabi ko ng makita ko Si Sue na bumaba sa tricycle kasama ang dad nya.
"O girls tara na at may kasunod na kaming taxi." Sabi ng dad ni Sur. Ihahatid nya kami hanggang airport at pagkatapos susunduin kami kung saan man kami makarating. I mean kung mapupunta kami sa concert. Sa labas ng concert venue.
Nang makarating kami ng airport ay napakadami ng tao. Grabe talaga ang 1D. Nakipag siksikan na kami. Alas tres palang ng madaling araw. I decided na patayin ko muna ang cp ko kahit na dalawa pa yung battery kong dala. Umalis na din ang dad ni Sue. Papasok pa kasi sa opisina.Bandang alas singko ay nakaramdam na kami ng antok. Pero dinaan na lang namin sa pagkain. Grabe. Ni hindi kami makaupo sa dami ng tao. Ang tanong what time kaya darating ang boys?
Yung pakiramdam na pagod na pagod ka na. Antok na antok. Gutom na gutom. Pero hindi mo alam kung what time darating ang boys. At kung may chance pa kaya kaming makikita sila. Ang init init pa.
"Friend, ala una. Nagugutom na ako. Wala pa ba ang boys?" Tanong ni Monic.
"Eto nga oh. Tinitignan ko sa Twitter yung mga update." Sagot naman ni Sue.
"Bilisan mo kaya." Sabi pa ni Monic.
"Oh gosh guys. On the way na daw sila!" Hysterical na sabi ni Sue. Nang marinig yun ng ibang fans nagsigawan din sila sa excitement.
"Grabe friend, excited much na ako."sabi ko. "Kasama kaya si Albee?" Super fan ako nina Zayn at Albee. Perfect couple sila.
"Oo. Hahabol daw siya." Sagot ni Luisa. "Ano ka ba? Kala ko ba fan ka? Bat di mo alam?"
"Pasensiya naman. Kanina pa patay cp ko." Sabi ko.
"Wow . E di buksan mo." Sabi pa nya. Isa-isa nang nag retouch ang mga fans. Binuksan ko na ang cp ko. Ay bongga! Super dami na palang notifs galing sa mga fellow directioners ko. Wow. Puro 1D ang trends. Makasali nga."Oh my God. Oh my God! Ayan na ang airplane nila!" Sigawan ng mga fans. Sa wakas papalapag na ang eroplano ng mga boys. Di na magkamayaw ang mga fans.
"Nasaan na sila?" Si Monic.
"Nakita nyo na ba friend?" Sabi ni Sue. Nagkagulo ang mga fans per waley kaming nakita. And when we check our Twitter and FB nalaman na lang namin na wala na sila sa airport. Nanlumo kaming lahat. Yung ibang fans nagsi alisan na para pumunta sa concert venue.
"O ano nang plano natin?" tanong ko.
"Tutal malapit na sa mall yung venue kumain muna tayo at magpalit ng damit. Magretouch na din tayo." suggest ni Sue. Lahat kami ay nag agree.
BINABASA MO ANG
I Wish (One Direction's Zayn Malik Fanfic) (Complete)
RomanceA/N Introduction: Nagbakasyon si Albee sa U.K. to forget what happened sa kanya in the Philippines. Tumira sya sa pinsan niyang si Harry.Doon nakilala niya ang mga kaibigan niya Harry na sina Zayn,Liam,Louis at Niall.Halos naka recove...