Albee on the side :)
Albee’s POV
Fifteen months. Fifteen months na ang nakakalipas simula ng bumalik ako dito sa Pilipinas. Madaming nangyari sa loob ng labing limang buwan na lumipas. Ilang araw pa lang ang lumilipas ng makabalik kami ng dad ko ,ay may lumabas na isang video. Video ni Amber kung saan may sinisigawan siyang isang babae. At guess what. Ako yung babaeng yun. Ang ay eksena sa video ay yung araw na sinugod ako ni Amber sa park. At dahil nga doon sa video na iyon ay nalaman na nang mga tao kung ano ang tunay na ugali ni Amber.Kung ano ang ginawa niya sa akin. At ang huling balita namin ay pumunta siya sa ibang bansa at nagpalit ng pangalan. At nung huling pag-uusap namin ng boys ay inamin nilang sila ang nag-upload ng video. Si Niall ang kumuha. Well it’s explain kung bat yung anggulo ng video ay sa likod ko.Si Daniel naman. Well nag-aral ulit siya. Sa same school kung saan ako nag-aaral.Hindi kami magkaklase dahil magkaibang course ang kinuha namin. Film making ang kinuha niya at tungkol sa Fashion naman ang kinuha ko. So, ayun. Madalas kaming magkita. He wanted to court me again. But I told him na we’re better off as friends. Pumayag na lang siya. Saka may boyfriend na ako. Ginagawa niya yung mga bagay na ginawa niya nung nililigawan niya ako. Pero para sakin wala na yun.At ang bestfriend kong si Marit ay Education naman ang kinuha. Madalas pa rin kaming magkita-kita pag free time namin. At tungkol naman sa boys. Well, sikat na sikat lang naman sila. Sila na ang One Direction. Natutuwa ako sa nangyari sa kanila. Sobrang successful na nila. At dahil nga may mga pics kami together kaya nalaman ng mga buong campus na kaclose ko sila. At ayoko sanang aminin o sabihin ang tunay naming relasyon ni Zayn pero siya na mismo ang nag-announce na may girlfriend na siya At ako yun. So ayun ang dami ko ng followers at haters. After kong maranasan yung mga ginawa sakin ni Amber parang wala na yung mga haters na yun. After all ang pinaka importante naman eh, mahal ako ni Zayn. Nagawa niyang sabihin sa buong mundo kung ano ako sa kanya. Wala siyang pakialam if makaapekto yun sa career niya. Pero syempre ayoko namang mangyari yun.
“So best,handa ka na ba?” tanong ni Marit sa akin.
“Handa? Saan?” curious kong tanong.
“Sa debut mo.” Oo nga pala no.
“Next month pa yun. “
“So handa ka na nga ba?” tanong ulit niya.
“I think so.” Sagot ko. Kasalukuyan kaming nasa canteen. Kumakain ng snack habang hinihintay si Daniel.
“E yung boyfriend mo?”
“ O,bat naman napasok sa usapan si Zayn?”
“Debut mo yun eh. Dapat andun siya di ba? First dance mo?”
“Best, sobrang busy ng mga yun no. Sa tingin mo ba maisisingit pa nila yung debut ko sa sched nila? And besides, I don’t expect them to. Masaya na ako’ng nakakausap ko sila sa Skype. I’m sure,they will greet me naman.’
“Sayang naman. So si Daniel ba kasama sa eighteen roses?”
“Oo naman. Magkaibigan naman kami.”
“Speaking of the devil. O Daniel ang tagal mo naman.” Sabi ni Marit sa kararating lang na si Daniel. Naupo ito sa tabi ko.
“Pasensiya na kayo. Medyo madami kasing project na kailangang tapusin eh.” Sabi niya.
“O,kain ka muna .” sabi ko sabay abot ng sandwich na binili ko.
‘Salamat.” Sabi niya at ngiti.

BINABASA MO ANG
I Wish (One Direction's Zayn Malik Fanfic) (Complete)
RomansaA/N Introduction: Nagbakasyon si Albee sa U.K. to forget what happened sa kanya in the Philippines. Tumira sya sa pinsan niyang si Harry.Doon nakilala niya ang mga kaibigan niya Harry na sina Zayn,Liam,Louis at Niall.Halos naka recove...