CHAPTER 13.1

1.2K 31 13
                                    

CHAPTER 13

Albee’s     POV

“Amber?”

“Oo. Ako nga.”sabi ni Amber. Mahigpit ang pagkakasabunot niya sa akin.

“Aray!Bitawan mo ako.”sabi ko. Agad lumapit ang boys para awatin si Amber. Lumapit din si Daniel kay Amber para tanggalin ang pagkakahawak sa buhok ko. Nagawa naman nilang tanggalin ang pagkakasabunot sakin niAmber. Pumuwesto sa harap ko si Harry at Liam. Si Zayn naman ay nakaharang din sakin. Si Louis at Niall sa likuran ko. Hawak-hawak ni Daniel si Amber sa bewang.

“Malandi ka! “sigaw ni Amber habang nagpupumilit kumawala sa pagkakahawak ni Daniel.

“Tama na Amber.”awat ni Daniel.

“Bakit Daniel? Nagawa ka na bang landiin ng tuluyan ng babaeng yan?”sabi pa ni Amber. Di ko na napigilan ang sarili ko. Ang lahat ng galit na nararamdaman ko sa kanya.

“Ano’ng sabi mo Amber? Nilalandi ko si Daniel?”

“OO. Dahil napakalandi mo.”sigaw pa niya. Di ko napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanya at isang napakalakas na sampal ang binigay ko sa kanya. Nagulat ang lahat at pati na din si Amber na tila natulala sa pagkakasampal ko. Pero ng marealize niya yun ay lalo itong nagwala. Pumuwesto ulit sina Harry,Liam at Zayn sa harapan ko para protektahan ako. Si Daniel naman ay nahihirapan na sa paghawak kay Amber.

 “BITCH KA!HOW DARE YOU SLAP ME?!” Sigaw ni Amber. Marami ng tao ang lumapit at tila nakikiusyoso sa nangyayari. Nagulat kami ng may lumapit na lalaki at hinawakan din si Amber.

“Graham?”sabi ko.

“I’m sorry Albee. Napilitan ako’ng sabihin sa kanya kung nasaan si Daniel.” Sabi niya habang hawak din si Amber.

“Do you know them?” tanong ni Zayn kay Graham.

“Zayn,” sabi ko. “Daniel is the common friend me and Graham have. I couldn’t say he’s name before. And you know why.”sabi ko.

“Oh.”sabi niya.

“LET GO OF ME!”sigaw ulit ni Amber.

“Tama na Amber.Nakakahiya.” sabi ni Graham.

“Ano Graham? Ako ang nakakahiya?Mas nakakahiya yang babae na yan. MANG-AAGAW!”

“Ano?Ako pa ang mang-aagaw?Baka nakakalimutan mo Amber; ikaw ang lumandi at umagaw kay Daniel sakin. Wag mong baliktarin ang nangyari.”galit kong sabi.

I Wish (One Direction's Zayn Malik Fanfic) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon