Paglalayag

143 5 0
                                    

(Bumalik kami sa treehouse pagkalipas nang kalahating oras at naabutan namin si Matt sa ibaba)

"Matt anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Keith sa lalakeng nakasandal sa puno nang treehouse.
"Si Ren?" tanong nito nang hindi sumagot si Matt at di nya makita si Ren.
"Umakyat na ba sya?" tanong ni Keith habang pinapaakyat ang magkapatid.
"Matt, ayos kalang?" tanong nito na winasiwas ang kamay sa mukha nang kausap.
"Wala na sya" sabi ni Matt sabay lakad papuntang pampang.
"Teka lang" sabi ni Keith na sumunod.
"Ayaw ko nang pag-usapan Keith, gusto ko nang makapaglinis para makapagpahinga narin ako" sabi ni Matt kaya binabayaan nalang ni Keith.

("Dun ko nalang napansin na puno nang dugo si Matt nang mailawan sya nang buwan")

"Si Matt?" tanong ni Alona pag-akyat ni Keith sa treehouse.
"Sa may pampang, gustong maglinis" sagot ni Keith habang inaalis ang espada sa likod.
"Si Ren?" tanong ni Alona.
"Wala na daw, sabi ni Matt" sabi ni Keith.
"Hindi ko nakuha ang buong detalye kasi hindi makausap nang maayos si Matt" inunahang sabi ni Keith.
"Sige na, pahinga ka na" sabi ni Alona na nakatingin kay Keith na halatang pagod na.
"Tabi kami kuya" sabi ni Danilo na lumapit kay Keith pagkaupo nya sa sulok.
"Sige" sabi ni Keith na inilayo ang mga sandata para magkapwesto ang dalawa sa magkabilang gilid nya.
"Malapit talaga loob nang mga bata sayo" sabi ni Alona nang humiga sa binti ni Keith si Danilo at sa balikat naman nya si Christian kaso ngumiti lang si Keith.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong nangyayari sayo Matt" sabi ni Matt habang nililinisan ang sarili.
------
"Lt.Col. wala na" sabi ni Ren dahil patuloy parin si Matt sa pagwasiwas nang palakol kahit na hangin nalang ang tinatamaan.
"Lt.Co..." di na natapos ni Ren ang sasabihin nang natamaan sya nang palakol sa ulo at bumagsak habang nakatingin sa kanya si Matt bago sya tuluyang malagutan nang hininga.
------
"Umayos ka, mahahalata ka" sabi nya sa sarili bago umahon.
"Walang makakaalam nun at sa malamang makakain narin sya bago pa may makakita sa kanya" sabi ni Matt na dumiretso na nang hagdan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Wala nang gaanong nangyari nang gabing yun at kinabukasan ay pinag-aralan namin ang mga documento na nakuha nila Alona at Gino pati narin kung paano kami makakahingi nang tulong gamit ang nakuha ni General sa bahay ni Doc.Summers)

"Anong ibig sabihin nyan? Hindi ito ang unang isla na ginamit para sa ganitong klaseng experimento?" sabi ni Leon, sila ngayon ay nakapaikot sa treehouse at binabasa ni Alona ang "diary" ni doc hingil sa walker program.
"Eto na ang pangalawa" sabi ni Alona.
"Anong nangyari sa una?" tanong ni Keith.
"Isang beses lang isang taon nagdadala nang preso sa islang yun, kaya namatay ang project makalipas ang dalawang taon dahil nawalan sila nang pageexperimentuhan dahil isa nga lang" sabi ni Alona.
"Kaya ngayon sinobrahan naman nila sa dami" galit na sabi ni Matt.
"Bakit nagpalit pa sila nang isla?" tanong ni Gino.
------
"Major" putol nang pangulo sa pagkukwento ni Keith.
"Hindi ko na kailangang malaman pa ang mga maliliit na detalye" sabi nang presidente.
"Pasensya na sir" sabi ni Keith.
"May iba pa bang hinahantay major?" tanong nang presidente.
"Kung nandito na si Lt.Col.Santos, kinalulungkot ko mang isipin sir, pero sa tingin ko ay wala na" sabi ni Keith.
"Kung ganon magpahinga ka muna habang kinaka-usap ko ang kapitan nang barko, ipapatawag nalang ulit kita" sabi nang presidente.
"Sir yes sir" sabi ni Keith bago ito tumayo at sumaludo.
"Nasan na yung mga sibilyang kasama ko kanina?" tanong ni Keith sa sundalong nakatayo sa may pinto.
"Sumunod kayo sakin major" sabi nang sundalo.
"Mr.President" sabi ni Keith nang may maalala ito.
"Ano yon major?" tanong nang presidente.
"May idea na kami pero gusto ko lang makasiguro..." sabi ni Keith.
"Si Sargent Alcaraz ang tumawag samin, kung ayon ang gusto mong itanong" sabi nang presidente.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ilang minuto ang nakakaraan...
"Tama ka ate, dapat hindi na ko nagpumilit na pumunta dito, ako ang may kasalanan kaya wala na sila mommy at daddy" naiiyak na sabi ni Ethan na nakatingin sa isla.
"Hindi mo naman inaasahan na mangyayari ito" sabi ni Lora na katabi ang kapatid.
"Miss, magbabakasali lang" sabi nang isang babaeng naka-fatigue na lumapit sa magkapatid.
"Nasabi sakin na kaya hindi pa tayo lumalayag ay dahil may mga hinihintay pa tayo, tama ba?" tanong nito.
"Opo, meron pa nga po" sabi ni Lora.
"Isa pa don si Sargent Alcaraz?" tanong nang babae.
"Si kuya Gino po?" sabi ni Ethan na napatingin sa kapatid.
"Hindi po sya kasama, nama..." hindi na natapos ni Lora ang sasabihin dahil napaluhod ang babae sa panghihina.
"Ayos lang po kayo?" tanong ni Lora na lumapit sa babaeng ngayon ay umiiyak na.
"Anong... nangyari?" tanong nang babae sa pagitan nang paghikbi.
"Sabihin nyo sakin kung paano? Buhay pa sya dahil sya yung tumawag" sabi nang babae.
"Anong nangyari?" tanong ni Esther na tumatakbong palapit sa magkapatid.
"Hindi sya pwedeng mamatay" sabi nang babae.
"Captain Alcaraz, huminahon ka" sabi nang isang lalakeng sundalong lumapit.
"Pasensya na" sabi nang lalakeng sinenyasan ang ibang sundalong alalayan si Cap.Alcaraz.
"Alcaraz ang apelyido nya? Kamag-anak nya si Gino?" naaawang tanong ni Esther na nakatingin sa palayong babaeng alalay nang dalawang sundalo.
"Asawa sya ni Gino, nagpakasal sila pagka-graduate mismo at bago sya pumunta sa isla" sabi nang sundalo kaso bigla itong naglakad palayo kaya hindi na nakapagsalita ang tatlo.
"Sino ka? Magpakilala ka?" sabi nang lalake na nakatingin sa isang lalakeng paika-ika sa paglalakad.
"Matt?" sabi ni Esther na nakilala ang lalakeng halatang may pinsala sa binti na naging dahilan kaya hindi ito makalakad nang maayos.
"Sandali lang" sabi nang lalake na pinigilan ang tatlo.
"Magpakilala ka kung ayaw mong mapagkamalan ka naming walker" sabi nang sundalo na itinapat na kay Matt ang baril nito.
"Lt.Col... Mat...hew... San..." sabi ni Matt bago ito tuluyang nanghina at bumagsak.
"Matt" sabi ni Esther na tumakbo papunta sa lubid na nagsisilbing hagdan pababa kung manggagaling ka sa deck.
"Dito lang kayo, mapanganib" sabi nang lalake sa magkapatid bago sinundan si Esther.
"San ka pupunta ate?" tanong ni Ethan sa kapatid.
"Sa asawa ni kuya Gino, may karapatan syang malaman kung anong nangyari sa asawa nya" sabi ni Lora bago pumunta sa direksyong pinagdalhan kay Cap.Alcaraz.
"Sama ko" sabi ni Ethan na sumunod.
"Alam mo ba kung ano yung buong pangyayari?" tanong ni Ethan sa kapatid.
"Natanong ko na ito kay Keith dati" sabi ni Lora na sumilip sa isang pinto bago lumipat sa kabilang kwarto.
"Ba't di ko narinig?" tanong ni Ethan.
"Puro ka kasi laro kaya na..." sabi ni Lora na natigilan at tumingin sa kapatid na nalungkot.
"Hindi ko naman sinasadyang mapapalayo kami sa paglalaro nila Danilo at kuya Christian" sabi ni Ethan na nagpipigil nang luha bago ito tumakbo.
"Teka lang Ethan" tawag ni Lora sa kapatid kaso nagdirederetso ito.
"Sabi na ikaw yan" sabi ni Cap.Alcaraz na binuksan ang pintuan kung saan na nakatapat si Lora.
"Pasensya na po, babalik nalang ako" sabi ni Lora bago hinabol si Ethan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hindi ko naman sinasadyang mapalayo kami" isip ni Ethan habang tumatakbo.
------
"Mukhang itinuloy na nila ang pagsubok sa pagtawag nang tulong" sabi ni Christian na nakatingin sa mga sundalong nakatipon sa ibaba nang treehouse.
"Tara Danilo laro tayong taguan" sabi ni Ethan.
"Ibang laro ang laruin nyo" sabi agad ni Christian sa dalawa.
"Ano namang laro kuya?" tanong ni Danilo.
"Mataya-taya" sabi agad ni Danilo tapos hinawakan si Christian.
"Taya" sabi nito bago tumakbo kasunod si Ethan.
"Teka lang huwag kayong tumakbo" sabi ni Christian na hinabol ang dalawa.
"Ang bagal naman tumakbo nang kapatid mo Danilo" hinihingal na sabi ni Ethan na tumingin sa likod.
"Danilo" tawag ni Ethan sa kalaro bago sya may narinig na sigaw.
"Danilo!" sigaw ni Ethan na tumakbo papunta sa direksyon nang sigaw.
"Bitawan nyo kapatid ko" narinig nyang sabi ni Christian habang tumatakbo sya palapit, kaso napatigil sya at napako sa kinatatayuan nang bumungad sa kanya ang isang horde nang mga zombie na ang iba ay kinakain na ang ngayong wala nang buhay na si Danilo.
"Aaahhhhh!" sigaw ni Christian nang may kumagat sa braso nya na naging dahilan para bumagsak sa panghihina at takot si Ethan na ngayon ay umiiyak narin lalo na nang makitang may palapit nang mga zombie sa kanya habang nakikita nyang napipilas ang laman nang dalawa nyang kalaro.
"Anak nang, ba't lumayo kayo nang ganito sa treehouse" narinig nyang sabi nang isang boses babae sa likod nya.
"Tayo na" sabi ni Nick na binuhat si Ethan.
"Tulungan natin sila" sabi ni Ethan na natauhan nang tumakbo si Nick na buhat sya.
"Huli na ang lahat para sa kanila" sabi ni Alona na nasa likuran nila bago nila binilisan ang pagtakbo.
------
"Hindi ko sinasadya" sabi ni Ethan na napaupo sa sahig.
"Buti naman tumigil ka na" sabi ni Lora na nakaabot na sa kapatid.
"Ayos lang ba kapatid mo?" tanong ni Cap.Alcaraz na sumunod din sa magkapatid.
"Naalala lang po nya yung nangyari" sabi ni Lora.
"Dun tayo sa kwarto ko, para makapagpahinga narin kayo nang maayos" sabi ni Cap.Alcaraz.
"Salamat po Kap..." sabi ni Lora na inaalalayang tumayo ang kapatid.
"Rachel nalang" sabi nang na tumulong narin.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Matt anong nangyari? Sila Nick at Alona?" sunod-sunod na tanong ni Esther nang makalapit ito kaso di nakasagot si Matt na nawalan nang malay.
"Buhay pa sya, tayo na sa loob para maagapan sya" sabi nang sundalong lalakeng sumunod kay Esther bago binuhat si Matt katulong ang isa pang sundalo.
"Tayo na" sabi nito nang mapansing hindi sumunod si Esther na nakatingin sa bakod.
"Kailangan na nating umalis kung wala na tayong inaantay" dagdag nito bago nagpatuloy.
"Sabi na masamang idea ang umalis ulit" sabi ni Esther na sumunod na.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hindi ko po alam ang kumpletong pangyayari dahil naiwan kami nang kapatid ko sa treehouse nang tumawag sila kuya, narinig ko nalang ito nang ikinuwento nila kuya Keith" sabi ni Lora, sila ngayon ay nasa kwarto na ni Rachel sa barko.
"Napag-usapan nilang ang mga lalakeng sundalo lang ang pupunta sa laboratoryo matapos nilang kumuha nang karagdagang mga sandata sa post ni kuya Keith, naiiwan ang mga babaeng sundalo upang bantayan ang mga sibilyan" panimula ni Lora matapos punasan ang mga namumuong luha sa gilid nang mata nya.
------
"Maghanda na kayo" sabi ni Gen.Hill sa mga kasama na hinawakan ang doorknob nang pintuan nang lab, dito na sila pumunta dahil narin nasabi ni Alona na halos walang zombie sa lugar na ito at dito rin sila nakalabas.
"Tandaan nyo, walang gagamit nang baril" sabi ni Col.Hil bago binuksan ang pintuan kaso biglang.
"General!" sigaw ni Matt dahil biglang may lumabas na zombie sa pintuan at kinagat si Gen.Hill sa leeg bago may tumamang palaso sa ulo nito.
"Isarado nyo yung pinto" sabi ni Keith sa mga malapit sa pintuan habang binababa nya ang pana.
"General" sabi ni Matt na lumapit sa pinunong hawak ang duguang leeg.
"Dalhin natin sya sa treehouse baka may magawa pa si Esther" sabi ni Gino.
"Tayo na" sabi ni Matt na binuhat si Gen.Hill bago ito naunang lumabas kasunod ang mga ibang sundalo.
"Magpakatatag kayo General" sabi ni Matt habang maingat na tumatakbo pabalik sa treehouse.
"Anak nang..." sabi ni Matt na napatigil dahil may masasalubong silang grupo nang zombie.
"Makukulong tayo" sabi ni Dan dahil meron din sa gilid nila.
"Pero paano? Wala namang nagingay satin" sabi ni John na may hawak na magkadugtong na espada.
"Yung dugo" sabi ni Leon na may hawak na sibat.
"Kulang tayo"sabi ni Keith na isinukbit ang pana at kinuha ang dalawa nyang espada.
"Sinong wala?" tanong ni Matt na hindi makuha ang palakol nya dahil buhat si Gen.Hill.
"Si Gino" sabi ni Keith.
"Keith, Matt mauna na kayo" sabi ni Gary na nakahanda na ang hawak na samurai.
"Kami nang bahala rito" sabi ni Dan na may hawak na morning star sa magkabilang kamay.
"Hindi ako payag" sabi ni Matt.
"Tama sila Matt, baka makaabot pa sa treehouse ang mga yan" sabi ni Keith bago pumunta sa harap ni Matt.
"Magingat kayo" sabi ni Keith bago tumakbo at pinagpuputol ang mga ulo nang zombie na maaabot nang espada nya sa gilid at harap habang mabilis na nakasunod si Matt sa likod nya.
"Nakalabas kaya sila?" tanong ni Gary sa tatlo pang kasama.
"Sana" sabi ni Dan.
------
"Sandali lang, san nagpunta ang asawa ko?" singit ni Rachel.
"Bumalik sya sa laboratoryo" narinig nilang sabi nang isang boses bago may sumilip sa nakabukas na pinto.
"Kuya Keith" sabi ni Ethan.
"Si Kuya Matt..." dagdag nito.
"Alam ko na ang nangyari kay Matt, nasa operating room na sya dito" sabi ni Keith bago nila naramdamang umusad ang barko.
"Aalis na tayo?" tanong ni Lora na nakatingin kay Keith.
"Aalis na tayo sa islang to" sabi ni Keith.
"Tuloy kayo Major"sabi ni Rachel sa lalake.
"Salamat, pero dito nalang ako..." sabi ni Keith na sumandal sa pintuan.
"Kita rin kasi dito yung operating room" dagdag nito.
"Kuya, ikaw na magpatuloy... mas alam mo ang mga nangyari" sabi ni Lora.
"Iniwan namin sila Sargent Daniel Taguinod, Sargent Gary Javier, Captain Leonard Herrera at Private John Michael Castro para iligaw ang mga zombie" sabi ni Keith na tumingin sa kisame.
"Ayun ang plano pero alam na naming anim kung ano ang kahahantungan nun" dagdag nito.
"Nagtuloy-tuloy kami ni Matt pabalik sa treehouse" sabi ni Keith.
------
"Esther!"tawag ni Keith pagkalapit nila sa treehouse.
"Anong na..." sabi ni Esther na sumilip sa taas.
"Oh my God" sabi ni Esther na agad bumaba.
"Dad?!" nagulat na sabi ni Lora.
"Dyan ka lang Lora" sabi ni Matt.
"Hon" sabi ni Mrs.Hill na bumaba.
"Anong nangyari?" tanong ni Esther na tinignan agad si Gen.Hill.
"Wala na syang pulso" sabi nito na tumingin sa lahat.
"Hinde" naiiyak na sabi ni Mrs.Hill na napaluhod.
"Matt, anong nangyari?"narinig nilang sabi ni Alona mula sa pagitan nang mga puno.
"Dad?" sabi ni Ethan na buhat ni Nick na nasa likuran ni Alona.
"Anong nangyari?" tanong ni Conrad na nasa baba narin katulad nang mga ibang tao.
"Hinde, bumalik kayo sa taas" sabi ni Keith sa lahat.
"Hindi ligtas dito sa baba" dagdag nito.
"Lora, iakyat mo si Ethan sa taas" sabi ni Alona na tumingin kay Nick.
"Hinde, gusto kong luma..." sabi ni Lora habang umiiyak si Ethan.
"Iak..." sabi ni Keith kaso naputol ito dahil sa...
"Aaaaaaahhhhh!" sigaw ni Mrs.Hill.
"Mom!" sigaw ni Lora nang makitang nakakagat ang tatay nya sa braso nang nanay nya bago ang isang putok nang baril.
"Anak nang" sabi ni Matt na tumingin kay Kim na may hawak na baril.
"Pasensya na" sabi ni Kim.
"Mom" sabay na sabi nila Lora at Ethan na lumapit sa nanay nila.
"Nasan na sila Christian at Danilo?" tanong ni Keith sa lahat nang hindi mapansin ang dalawang bata.
"Wala na sila" sabi ni Nick.
"Panong wala na?" naguluhang sabi ni Laila.
"Guys" tawag ni Conrad sa lahat.
"Mommy!" narinig nilang sigaw ni Lora.
------
"Wala narin si Mrs.Hill nang tumingin kami sa direksyon nito" pagkukwento ni Keith.
"Labas lang muna ko sandali" naluluhang sabi ni Lora bago ito tumakbo palabas.
"Ate" sabi ni Ethan na susunod sana kaso pinigilan ito ni Keith.
"Mas makakabuti kung mapag-isa muna sya" sabi nito sa bata.
"Anong sunod na nangyari?" narinig nilang tanong nang isang sundalo sa malapit na kanina parin nakikinig.
"Dahil sa ingay na nagawa namin nang mga oras na iyon ay..." pagpapatuloy ni Keith habang lumalapit ang sundalo.
------
"Zombie!" sigaw ni Conrad para makuha ang atensyon nang lahat.
"Anak nang..." sabi ni Matt nang makita ang grupo nang mga palapit na zombie.
"Hindi natin kakayanin to Matt" sabi ni Alona na inilibot ang paningin.
"Tayo na, kailangan nating umalis" sabi ni Keith.
"At pumunta saan?" tanong ni Zach.
"Tama sya, saan tayo pupunta?" tanong ni Nick na lumapit sa grupo.
"Dito lang tayo" sabi ni Matt sa lahat habang kinukuha ang palakol.
"Kailangan nating umalis Matt" sabi ni Keith.
"Lahat nang gustong umalis, umalis basta ako maiiwan dito" sabi ni Matt.
"Hindi ako aalis rito at iiwan nalang ang katawan nang magulang ko" sabi ni Lora na tumayo habang pinupunasan ang mga luha.
"Mag-isip kayo, wala tayong lalabasan kung sakaling hindi natin kayanin" sabi ni Keith.
"Tama sila" sabi ni Maya.
"Aaaaahhhh!" sigaw ni Matt na binaril sa ulo ang walang buhay na si Mrs.Hill para hindi na ito mabuhay ulit.
"Bakit mo..." sabi ni Lora.
"Tama lang yon Lora, mas gugustuhin mo bang maging zombie ang nanay mo" sabi ni Esther na pinakamalapit sa magkapatid.
"Tayo na" sabi ni Matt bago ito tumakbo kasunod ang iba pang natitirang buhay sa grupo nila.
------
"Kaso sa pagtakbo at pagiwas namin sa grupo nang mga zombie ay nagkahiwa-hiwalay kami" sabi ni Keith.
"Magkasama kami ni kuya" sabi ni Ethan.
"Sa pagtakbo namin ay napadpad kami sa malapit sa lab" sabi ni Keith.
"Bago kami makarating don ay napadaan kami sa lugar kung saan namin iniwan ni Matt ang mga kasama namin at nakita namin ang mga bangkay nila na pinagpepyestahan nang mga zombie" dagdag nito.

Zombie IsleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon