"Kung sa laboratoryo kayo napadaan edi nakita nyo asawa ko dun?" tanong ni Rachel.
"Plano kong umakyat kaso kasama ko si Ethan, alangan namang iwan ko yung bata o isama sa isang lugar na alam kong pwede syang mapahamak" sabi ni Keith.
"Pasensya na" dagdag nito.
"Edi pwede pang buhay ang asawa ko, pwedeng natrap lang sya sa laboratoryo? Kailangang sabihin ko ito sa kapitan nang barko para bumalik tayo" sabi ni Rachel na tumayo.
"Hindi na kailangan" sabi ni Keith na may inilabas na recorder.
"Nakatawag si Gino sa homebase sa manila kaya kayo pinadala nang pangulo..." sabi ni Keith na nakatingin kay Rachel na napaupo ulit.
"...at nairecord nila ang tawag nayon" dagdag nit Keith bago pinindot nang play at inilagay sa mesa malapit kay Rachel."This is home base, whose this?" narinig nilang sabi nang isang babae.
"Buti naman naka-konekta" sabi nang isang lalake."Boses yon ni Gino" sabi ni Rachel na nakilala ang boses nang asawa.
"Sir, sino anong pangalan ninyo?" tanong nang babae.
"Sargent Gino Alcaraz nang Walker Program" sabi ni Gino bago sila may narinig na kaluskos sa background.
"Shit" sabi ni Gino.
"Sargent anong nangyayari dyan?" tanong nang babae.
"Kailangan nyong magpadala nang tulong dito, nasa panganib kami" sabi ni Gino habang patuloy ang mga kaluskos.
"Anong klaseng tulong sargent?" tanong nang babae sa home base.
"Rescue mission, nakawala ang mga zombie dito at nasa-panganib ang mga buhay namin" sabi ni Gino.
"Oh my god" sabi nang babae sa home base.
"Ilan pa kayong buhay dyan sargent?" tanong nito bago may isang malakas na kalabog.
"Marami-rami pa silang buhay dito, tulungan nyo sila" sabi ni Gino.
"Sila?" naguluhang sabi nang babae sa home base kaso wala nang sumagot may narinig nalang silang pagbagsak na marahil ay ang radyo na hawak ni Gino.
"Sargent Alcaraz" sabi nang babae bago nila narinig ang sigaw ni Gino.
"Oh my god!" sabi nang babae sa home base bago naputol ang recording."Pasensya na" sabi ni Keith kay Rachel na umiiyak.
"Iwan nyo muna ko please" sabi ni Rachel sa pagitan nang pag-iyak.
"Sige" sabi ni Keith bago sinenyasan si Ethan na lumabas.
"Nakatawag na pala si Kuya Gino, bakit ngayon lang sila nagpadala nang tulong" sabi ni Ethan pagkasarado ni Keith nang pinto.
"Dahil sa nangyari kay Gino ay pinagtalunan pa nila kung may iba pa ngang buhay sa isla" sabi ni Keith na sumandal sa dingdeng.
"Pwedeng hindi sila magpadala nang tulong" dagdag nito bago nawala ang ilaw nang operating room nang barko.
"Doc kamusta si Matt?" tanong ni Keith sa lumabas na doctor.
"Ayos na sya, kinailangan naming putulin ang isang binti nya dahil masyadong madaming laman na ang nawala dito" sabi nang doctor.
"Pero mabubuhay po ba sya?" tanong ni Keith.
"Hindi ko pa sigurado, under observation pa sya" sabi nang doctor kasabay nang paglabas ni Esther na inaalalayan ang kama kung saan nakalagay ang walang malay na si Matt.
"Major, pinapatawag kayo ulit nang presidente" sabi nang isang sundalo.
"Salamat" sabi ni Keith.
"Ethan..." sabi ni Keith.
"Hahanapin ko nalang po si ate" sabi ni Ethan.
"Sige" sabi ni Keith bago tinignan sila Esther na pumasok na sa isang kwarto kung saan magpapahinga si Matt
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sa wakas, tapos na ang bangungot" sabi ni Lora na nakatingin sa islang unti-unting lumiliit habang palayo ang barkong kinalalagyan nila.
"Sayang lang at hindi namin nauwi ang bangkay nila Mommy at Daddy" sabi ni Lora.
------
"Balik tayo sa treehouse" sabi ni Lora sa mga kasama nya.
"Bumalik ka, pero hindi kami" sabi ni Conrad.
"Ano ka ba naman, pababayaan mong bumalik dun ang isang batang babae?" tanong ni Nick.
"Sino ba ang criminal dito, ikaw o ako" sabi ni Nick bago naglakad pabalik sa treehouse.
"Tayo na" dagdag nito bago sumunod sa kanya si Lora.
"Tulong!" narinig nilang sigaw nang isang babae.
"Boses ni Maya yon ah" sabi ni Lora na tumigil.
"Teka lang" sabi ni Nick na hinawakan sa braso si Lora.
"Aaaaahhhhh!" narinig nilang sigaw ni Maya kasunod ang sigaw nang iba pang boses at pagputok nang baril.
"Kailangan natin silang tulungan, baka nandun si Ethan" sabi ni Lora na nagpumiglas.
"Huli na ang lahat" sabi ni Nick bago nila narinig ang sigaw ni Kim.
"Ethan!" sigaw ni Lora bago sya hinampas ni Nick sa leeg.
"Pasensya na" sabi ni Nick na binuhat si Lora bago nila narinig ang sigaw ni Conrad sa pinanggalingan nila.
"Naloko na, kailangang lumabas nang bakod" sabi ni Nick bago mabilis tumakbo papunta sa hagdan palabas nang bakod.
------
"Ate" narinig nyang tawag ni Ethan.
"Lumabas na si Kuya Matt sa operating room" sabi nito.
"Kamusta sya?" tanong ni Lora.
"Under observation pa daw sya" sabi ni Ethan.
"Anong ginagawa nyo dyan mga bata, pumasok na kayo sa loob" sabi nang isang sundalo.
"Tayo na" yaya ni Lora sa kapatid bago sila naglakad kaso biglang may nagtakip sa ilong nila.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong gagawin natin dito mister president?" tanong nang isang sundalo na nakatingin kay Keith na walang malay sa sahig.
"Isama mo sa iba pa, panatilihing walang malay hangang hindi pa kayo dumadating sa bagong isla" sabi nang presidente bago sila may narinig na pagsabog.
"Mukhang pinasabog na yung dating isla" sabi nang presidente habang binubuhat nang dalawang sundalo si Keith.
"Mukhang mali yung paraang nagpatira nang mga sibilyan sa isla mister president" sabi nang kapitan nang barko.
"Pero kung hindi natin yun ginawa malamang patay na ang Walker Project, ang mali lang naglagay pa tayo nang basement" sabi nang presidente.
"Yung pangatlong isla po mister president wala nang basement?" tanong nang kapitan nang barko.
"Wala na, inalis na nang architect" sabi nang presidente.
"Ano ang estimated time of arrival sa bagong isla captain?" tanong nang presidente.
"Dalawang oras mister president" sabi nang kapitan nang barko.
"Okay, tawagan mo ko after two hours" sabi nang presidente bago tinapos ang video call.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Keith" sabi ni Esther na ginigising si Keith na walang malay sa sulok.
"Keith, gising" sabi ni Esther na niyugyog si Keith.
"Anong nangyari?" tanong ni Keith habang bumabangon.
"Hindi ko alam, bigla nalang may nagtakip sa ilong ko kanina bago ako nawalan nang malay" sabi ni Esther.
"Hindi naman ito mukhang quarantine room" sabi ni Keith na inilibot ang paningin.
"Masama kutob ko rito" sabi ni Matt na nakahiga sa gilid.
"Lahat tayo nandito" sabi ni Keith nang makita ang magkapatid na tulog sa kabilang gilid.
"Naloko na" dagdag nito nang hindi makita ang sandata nya.
"Tingin ko kinuha nila ang mga sandata natin" sabi ni Esther.
"Kailangang makaalis tayo dito" sabi ni Keith na inilibot ang paningin.
"Bakit?" tanong ni Esther.
"Pangalawang isla na tayo nang-galing diba?" sabi ni Keith na tumingin sa "pintuan" sa may kisame.
"Anong kinalaman nun?" tanong ni Esther.
"Papunta tayo sa pangatlong isla" sabi ni Matt na pinilit umupo.
"Pangat..." hindi na natapos ni Esther ang sasabihin at napaupo ito bago gumalaw ang "kulungan" na kinalalagyan nila.
"Mukhang nandito na tayo" sabi ni Matt na nakatingin kay Keith na bumagsak nang biglang gumalaw ang kulungan.
"Mag-isip kayo nang paraan" sabi ni Esther bago naramdamang lumapag sa lupa ang kulungan.
"Naloko na" sabi ni Keith nang may pumasok na usok sa loob.
"Sleeping gas" sabi ni Matt na nagtakip nang ilong.
"Palabasin nyo kami!" sigaw ni Keith na sinuntok ang dingdeng.
"Keith" sabi ni Esther bago ito bumagsak.
"Palaba..." hindi na natapos ni Keith ang sasabihin dahil nanghina na ito at bumagsak sa sahig.
"Bakit nyo to ginagawa" nanghihinang sabi ni Keith nang may pumasok na mga sundalong may pangprotekta sa usok.
"Bita..." sabi ni Keith bago sya tuluyang nawalan nang malay habang isa-isa silang binubuhat nang mga sundalo at itinatali para mailabas.
"Bilisan nyo baka biglang magising ang mga yan" sabi nang isang lalakeng naka-labcoat sa labas nang kulungan.
"Excited na kong simulan ang bagong Walker Project, unang beses tayong magkakaroon nang batang subject" dagdag nito habang nakatingin kay Ethan na walang malay na ibinababa mula sa taas nang kulungan.
BINABASA MO ANG
Zombie Isle
القصة القصيرةAng Pilipinas ay isang Archipelago at madaming islang hindi regular na tinitirhan nang tao. Isa rito ay ginawang experimental island para sa isang immortal soldiers kung ito ay makokontrol lang nila. Ikaw? Titira ka ba sa isang islang puno nang Zomb...