Break Out

219 7 0
                                    

(Kinagabihan ay tinuloy parin ni Gen.Hill yung plano nyang pagtitipon nang mga Military at Lab team kahit na alam nyang walang pupunta kahit isa sa Lab team, pero umaasa sya na mali sya. Hindi ko alam kung bakit lagi silang busy at hindi nakikihalubilo sa ibang tao kahit na halos kalahati nang populasyon nang isla ay galing sa lab team at mga pamilya nila.)

"Kamusta ang bodyguard duty?" tanong ni Alona kay Keith na nasa counter nang bar habang magkausap ang mag-asawang Hill at Santos.
"Ayos lang kaso nakakapagod kaysa sa pagpatrol sa buong isla" sagot ni Keith na iniikot-ikot ang yelo sa hawak nyang baso.
"Nakaka-pagod daw, major naman alam naming nasa beach kayo bago mag-tanghali hangang hapon" sabi ni Ronald na nakaupo malapit sa kanila.
"Kaya ka pala tan ngayon" nakangiting sabi ni Alona.
"Kung alam nyo lang kung anong hirap ang dinaanan ko" sabi ni Keith dahil malayo naman ang mesa nila Gen.Hill kaya hindi sya maririnig.
"Swerte mo nga major buong araw mong kasama ang magandang anak ni General" sabi ni Alfred na katabi ni Ronald sa mesa.
"Oo nga hindi tulad namin na kasama sa pagpatrol ang mga may edad nang sundalong babae" pabirong sabi ni Dan na nasa kabilang side naman ni Keith sa counter.
"Anong sinabi mo?" sabi ni Lina na pabirong sinuntok ang katabing si Dan.
"Huwag kayong ganyan, magaganda rin naman yung mga sundalong babae, si Lt.Col. palang oh" sabi nang bartender na nakatingin kay Alona na ngumiti.
"Sandali lang ha, kukuha muna ko sa basement nang pandagdag sa iniinom nyo" dagdag nito.
"Sige Ben, ako nalang muna ang tatao" sabi ni Keith na tumayo.
"Nakakahiya naman major" sabi ni Ben.
"Ayos lang, nang may magawa naman ako" sabi ni Keith na pumasok na sa counter.
"Oo nga, hindi ka naman kasi umiinom" sabi ni Alona.
"Uminom na ko, tanong nyo pa kay Dan" sabi ni Keith.
"Major naman, huwag mong ipagmalaki yung isang baso na kanina mo pa hawak" sabi ni Dan bago sila tumawa.
"Salamat major, sandali lang ako" sabi ni Ben matapos ang tawanan bago ito pumasok sa pintuan sa likod nang counter pagkatapos kunin ang isang bag sa gilid at bumaba nang hagdan.
"Oh may bagong bartender pala tayo" nakangiting sabi ni Matt na lumapit sa counter.
"Dalawang martini, isang Tequila at isa ulit na gatas" sabi ni Matt kay Keith.
"Parang may tira pa ata yung tinimpla ni Ben kanina, nagustuhan kasi ni misis" dagdag nito.
"Ok, titignan ko" sabi ni Keith.
"Mas bagay sayo major maging bouncer kaysa bartender" sabi ni Lina.
"Bouncer?" nagtatakang sabi ni Matt na tinignan si Keith na muntikan nang mabitawan ang hawak na bote.
"Hindi ako bagay na ganun, hindi naman ganun kalaki katawan ko" sabi ni Keith habang hinahanda ang inorder ni Matt.
"Bagay ka major, nakita kaya kita sa beach kanina, lean na mascular" sabi ni Lina na nakatitig kay Keith.
"Lasing ka na ata Lina" nakangiting sabi ni Keith habang inilalagay sa tray ang mga baso para kay Matt.
"Pano hindi gaganda katawan nyan eh iba't-ibang sandata pinapractice nyan kada araw sa post nya" natatawang sabi ni Matt.
"Salamat, una na ko" dagdag nito bago kinuha yung tray at bumalik na sa mesa.
"Hindi naman araw-araw" habol na sabi ni Keith bago nagtawanan ang mga nakakarinig at namula si Keith.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Grabe Lora, artistahin nga at infairness ganda nang katawan at may abs" sabi ni Ellaine sa kabilang linya matapos nyang ipadala ang picture ni Keith sa beach, kinapalan na nya ang mukha nya at nag-request na picturan nya ito at sa laking tuwa nya ay pumayag.
"Sabi ko sayo eh" sabi ni Lora na nakadapa sa kama nya.
"Kaso malamang may asawa na yan" sabi ni Ellaine.
"Wala pa kahit gf" sabi ni Lora.
"Sigurado ka bang babae hanap? Baka naman lalake" sabi ni Ellaine bago tumawa.
"Sira, straight sya noh" sabi ni Lora na medyo nainis.
"At pano mo naman nasabi?" tanong ni Ellaine.
"Parang type nya yung nurse dito sa isla" sabi ni Lora.
"Mukha ngang type na type mo ah, ramdam ko yung sakit sa boses mo" natatawang sabi ni Ellaine.
"Teka babae ba yung nurse?" habol nito.
"Opo babae sya" sabi ni Lora.
"Malay ko ba, eh may mga lalake din namang nurse" sabi ni Ellaine.
"Pano mo nasabing type nya?" tanong ni Ellaine.
"Ano kasi..." sabi ni Lora na hindi mailabas ang gustong sabihin.
"Anong ano kasi?" tanong ni Ellaine.
"Close sila" sabi ni Lora.
"Sobrang close" dagdag nito.
"Baka naman GF na nya, ayaw lang nila ipaalam sa iba" sabi ni Ellaine.
"Hindi ko alam... baka" malungkot na sabi ni Lora.
"Lora naman, asawa nga nakukuha pa nang iba BF palang kaya" sabi ni Ellaine.
"Hindi ko alam gagawin ko" sabi ni Lora.
"Huwag kang aamin na may gusto ka dahil desperada labas mo, mag-ayos ka at magpahiwatig hangang makuha mo loob nya" payo ni Ellaine.
"Pano una na ko at nandito na prince charming ko" sabi ni Ellaine sa malandi at pabirong tono.
"Ingat sa byahe" sabi ni Lora bago tinapos ang tawag.
"Tama ba namang mang-inggit" sabi nito na tumayo at inilapag ang cellphone sa mesang katabi nang kama nya.
"Punta kaya ko dun sa post nya" sabi ni Lora na tumingin sa salamin at nag-ayos.
"Kaso nasa bar nga pala sila, palipas muna siguro ako nang ilang oras" dagdag nito.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nakakatakot talaga dito sa basement" sabi ni Ben habang naglalakad sya sa pagitan nang mga naglalakihang kabinet nang mga wine at beer.
"Bakit ba kasi nasa dulo pa yung naubos" sabi nito nang makarating sya sa dulo.
"Ayun nanaman yung tunog" sabi nito nang may narinig na parang kumakalmot sa dingdeng at mga mahihina pang ingay.
"At ang baho pa dito, parang amoy bulok na ewan na kahit anong spray ang gawin balewala, buti nalang hindi dumidikit sa mga naka-imbak dito yung amoy" sabi ni Ben habang inilalagay sa dala nyang bag ang mga bote.
"Hindi kaya sobrang paranoid lang to dahil may mga zombie dun sa lab, kaso pano naman makakapunta dito yung mga yon eh ang lalim nang hukay na kinalalagyan nila" sabi ni Ben.
"Tinatakot mo lang sarili mo" dagdag nito bago sinarado ang bag at naglakad na pabalik.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Doc Kristoff, kailangan na nating magbawas, bibigay na yung kulungan sa dami" sabi ni Isaac na naka labcoat at mask tulad nang ibang taong kasama nya habang nakatingin sila sa mga zombie na nagpupumilit lumabas mula sa pagitan nang gate.
"Dr.Summers" pagkokorek ni Kristoff
"At hindi tayo magbabawas, lahat sila ay mahalaga sa research na ito, malamang hindi nyo yun naisip" dagdag nito.
"Pero Dr.Summers ba't dito pa tayo kukuha eh madami namang zombie dun sa may hukay" sabi ni Kenneth.
"Gunggong, may makukuha ba kayo dun na halos agnas na ang katawan" galit na sabi ni Dr.Summers.
"Pero doc mahirap kumuha nun dito dahil lahat nang malapit sa pinto ay yung mga bagong lagay lang din" sabi ni Jake.
"Mag-isip kayo nang paraan, basta ang gusto ko ay makapagdala kayo nang gusto kong zombie sa lab sa loob nang dalawang oras" sabi ni Dr.Summers bago ito lumabas.
"Paano natin gagawin yun" reklamo ni Kenneth pagkalabas nang doctor.
"Minsan talaga naiinggit ako sa mga sundalo dahil hindi naman ganun kahigpit yung may hawak sa kanila" sabi ni Jake.
"Balita ko pa nga may pagtitipon dapat ang lab at military team sa bar, kaso kinulong nang walang pusong doctor ang lahat dito sa lab" sabi ni Kenneth.
"Tama na yan at tulungan nyo nalang ako mag-isip nang paraan para makakuha nang zombie na gusto ni doc" sabi ni Isaac.
"Paglabas agad? Eh wala pa nga tayong nakikitang malapit na naaagnas na zombie" reklamo ni Jake.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mukhang walang bantay" mahinang sabi ni Nick na tumingin sa paligid.
"Tatakas ba ko o hindi? Alam kong isla to kaya kung tatakas man ako ay madali din akong mahuhuli" sabi nya sa sarili.
"Pero ano nga bang pagkakaiba eh mamamatay narin naman ako bukas" sabi nito na inalis ang isang bakal na naipuslit nya nang makita nya ito dati sa lab nang dinala sila para sa daily check-up.
"Bahala na" sabi nya bago kinalikot ang lock nang kulungan nya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"General una na kami, mukhang hindi narin naman pupunta yung lab team" paalam ni Matt makalipas ang halos dalawang oras nila sa bar.
"Mabuti pa nga at gabi na, si misis baka mapuyat" sabi ni Gen.Hill bago tumayo ang mag-asawang santos.
"Mamaya na siguro kami, tulog narin naman siguro ang mga bata dahil sa pagod" sabi ni Mrs.Hill.
"Ako nang magmamaneho dahil madami kang nainom" sabi ni Keith na nasa counter na at si Ben na ulit ang bartender.
"Bakit ikaw major konti palang naiinom mo?" tanong ni Mrs.Hill na nagulat dahil nasa counter nga ito kaya hindi nya napansin kung gaano ito kalakas uminom.
"Naku hon, hindi umiinom yan" sabi ni Gen.Hill.
"Ah" sabi ni Mrs.Hill.
"Mabuti pa nga Keith ikaw na magmaneho at baka malasing ka na pag-umorder ka pa nang pangalawang baso" natatawang sabi ni Alona.
"Naku major sa bigat mong yan baka iwan ka namin sa ibaba nang post mo" sabi ni Dan.
"Huwag naman, baka kung anong mangyari sakin dun" sabi ni Keith na nakisakay na sa biruan.
"Oo nga naman, magahasa pa yan nang di oras nang tatlong maria nang parlor" sabi ni Matt bago nagtawanan ang lahat.
"Salamat Keith, medyo hilo na nga ako" sabi ni Matt na binato ang susi sa medyong lihis na direksyon kaso nasalo parin ito ni Keith.
"Mukhang hilo ka na nga, kaya mo pang maglakad?" tanong ni Gen.Hill.
"Kaya pa General" sabi ni Matt bago tuluyang nagpaalam kasama ang asawa.
"Ingat sa pagmamaneho, at magpahinga ka narin dahil malamang mapapagod ka ulit bukas kay Ethan" sabi ni Gen.Hill kay Keith.
"Salamat General" sabi ni Keith bago sinundan ang mga Santos.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sa wakas" nakangiting sabi ni Nick nang bumukas ang rehas nang kulungan nya.
"Ang hirap mabuksan nito ah" sabi nya habang lumalabas.
"Buksan mo rin yung samin" sabi nang nasa kabilang kulungan.
"Ano ka, ang hirap kayang buksan nyan" sabi ni Nick na tinignan ang lalake.
"Kung sabagay mas madami mas malaking tyansang makatakas talaga at baka mas madaling buksan kapag nasa labas ka na" sabi ni Nick bago kinalikot ang lock nang kasunod nyang kulungan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hangang ngayon wala parin tayong maisip na paraan, malapit nang mag dalawang oras" sabi ni Jake na nakatingin sa relo.
"Anong gagawin mo dyan?" tanong nito kay Kenneth na may hawak nang grappler na ginagamit nilang panghawak sa mga zombie kapag nililipat nila ang mga ito.
"Wala namang tao dun sa malapit na kwarto diba?" tanong ni Kenneth.
"Oo" sagot ni Isaac.
"Kung ganon, kuha tayo nang isa at kung hindi pa yon masyadong agnas eh di ilagay natin dun sa kwarto" sabi ni Isaac.
"Pano kung makalabas sila sa kwarto?" tanong ni Jake.
"O kung may pumasok dun" dagdag ni Kenneth.
"May naiisip pa ba kayong ibang paraan? Dahil ako wala na at gusto ko pang magkaroon nang trabaho bukas" sabi ni Isaac.
"Kung sabagay, no choice tayo" sabi ni Jake na naghanda na.
"Ready?" tanong ni Isaac kay Jake na lumapit sa kulungan sa parteng malayo sa gate tapos tumingin sya kay Kenneth na nasa controls nang gate na tumango rin.
"Game" sabi ni Isaac bago tinawag ni Jake ang attensyon nang mga zombie para kumonti ang zombie sa may gate bago ito binuksan ni Kenneth at si Isaac naman ay mabilis na hinawakan ang isang zombie sa leeg gamit ang grapler at hinila ito palabas bago sinarado ni Kenneth ang gate.
"Isa ito sa bagong lagay" sabi ni Isaac sa dalawa habang mahigpit ang hawak sa grapler dahil inaabot sya nang zombie.
"Tayo na sa kwarto" sabi ni Isaac sa dalawa bago binksan ni Kenneth ang pinto upang mailagay na nila sa bakanteng kwartong nilagyan nila nang cellphone sa sulok na malayo sa pinto para matawag ang atensyon nito.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ang tagal naman ni Kuya" sabi ni Lora na nasa post at naka-upo.
"Kala ko pa naman nandito na sya dahil nasa baba yung owner nya, kaso mukhang nilakad lang nya papuntang bar, tulad din nang akala kong hindi sya umiinom dahil wala nga syang tyan" sabi ni Lora bago lumakas ang hangin.
"Buti nalang at maganda ang view, hindi nakakainip" dagdag nito na pinabayaan lang na liparin nang hangin ang mahaba nyang buhok.
"Kaso medyo nilalamig na ko, sana pala dinala ko yung jacket" sabi nito na inakap ang sarili.
"Teka lang, huwag naman sanang mali din ako nang akalang walang relasyon si kuya at nung nurse" sabi nito bago lalong lumakas pa yung hangin.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Salamat sa paghatid Keith" sabi ni Rachel habang lumalabas nang bahay si Keith na inalalayan si Matt papasok sa bahay dahil lasing na nga talaga ito.
"Wala yun Rachel, pano po una na ko" sabi ni Keith na ibinigay kay Rachel ang susi.
"Dalhin mo na muna sa tinutuluyan mo dun nalang kunin ni Matt bukas" sabi ni Rachel.
"Lakarin ko nalang, medyo malapit narin naman" sabi ni Keith.
"Bahala ka at salamat ulit" sabi ni Rachel.
"Tuloy na ko nang makapag-pahinga na rin kayo" sabi ni Keith bago naglakad paalis.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Suko na ko, mamaya abutan na ko dito nang mga sundalo at ideretso na kong gawing zombie" sabi ni Nick na umupo sa labas nang kulungan.
"Baka naman nandyan yung susi" sabi nang babae sa pangatlong kulungan.
"Swerte nyo kung nandito, pero malas nyo pag-wala dahil iiwanan ko talaga kayo" sabi ni Nick na pumunta sa mesa nang nagbabantay na sundalo at tinignan ang mga drawers nito.
"May isang naka-lock" sabi nito bago kinalikot ang lock nito.
"Bingo" sabi nito nang may makitang susi sa loob nang mabuksan nya ito.
"Swerte nyo" sabi nito na iwinasiwas ang susi para malaman nang tatlo na nakita nya ang susi.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ano kayang ginagawa nang mga yun sa lab" sabi ni Esther na nasa labas nang center at nakatingin sa direction nang lab at nakitang bukas pa lahat nang ilaw kahit 10 na nang gabi.
"Buti nalang dito ako sa center napunta" sabi nito.
"Ba't naman ayaw mo sa lab? Balita ko halos dalawang libo sahod nila kada araw" narinig nyang sabi ni Keith sa likod nya.
"Ayoko nga, ayos na sakin yung sahod ko ngayon kaysa naman malaki nga sahod pero para ka naring zombie dahil wala kang tulog at hindi ka naaarawan dahil lagi kang nasa loob nang lab" sabi ni Esther.
"Tapos na inuman nyo?" tanong nito na tumingin kay Keith.
"Hindi pa, nauna lang ako matapos ihatid sila Matt sa kanila, lasing na kasi kaya ako na nagmaneho" sabi ni Keith na sumandal sa dingdeng at tumingin sa mga bituwin sa langit.
"At laking tuwa mo naman dahil nakalusot ka sa sobrang daming alak" sabi ni Esther habang nakatingin parin kay Keith dahil alam nyang hindi ito halos umiinom dahil madali nga itong malasing.
"Parang ganon na nga" sabi ni Keith na tumingin kay Ether bago sila tumawa.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"May nag-uusap sa baba" sabi ni Lora nang may marinig ito.
"Si kuya ba yun?" tanong nito nang tumingin sa ibaba.
"At yung nurse" sabi nya na nagselos lalo na nang marinig nyang nagtatawanan ang dalawa.
Kaso ang selos ay mabilis napalitan nang tako nang biglang lumindol nang malakas at dahil nasa gilid sya ay nahulog sya, buti nalang ay nakakapit ito.

Zombie IsleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon