"Alam na ninyo ang gagawin?" tanong ni Gen.Hill sa mga kasama, sila ngayon ay malapit na sa lab.
"Tignan lahat nang kwarto kung merong buhay pang tao sa loob at samahan ito palabas bago muling maghanap nang bago dahil hindi rin natin mapoprotekhan ang madaming tao" sabi ni Dan.
"Huwag ring lalayo nang mag-isa sa grupo" sabi ni Lina.
"Wala ring magpapakabayani, pag hindi kaya huwag pilitin" sabi ni Gen.Hill.
"Sir yes sir" sabi nang lahat.
"May daanan sa gilid General, nabasag nang tsunami kanina yung mga salamin dun" sabi ni Matt habang pabalik silang dalawa ni Alona.(Kasabay nang kaguluhan sa komunidad ay ang rescue mission sa kung sino mang buhay pa sa laboratory at dahil nga sa dalawang beses na tumunog ang bell ay siguradong nasa bandang harap ang mga zombie dahil ito ang direksyon papunta sa komunidad, kaya napagkasunduan nilang sa gilid dumaan.)
"Kung ganon tayo na" sabi ni Gen.Hill sa mga kasama bago sila kumilos.
"Matt kayo na ni Alona ang bahala sa ibaba, ako na nang team ko ang sa taas dahil maliit lang naman ang second floor" sabi ni Gen.Hill sa dalawa na tumango.
"Ako na mauuna General" sabi ni Matt nang marating nila ang isang bintana.
"Tulong" narinig nilang sabi nang isang boses sa loob.
"Buti naman at may buhay pa" masayang sabi ni Gen.Hill habang pumapasok si Matt na sinundan nang iba pa.
"Tulong" sabi ni Nick habang papasok si Matt.
"Nasan na ang ibang preso?" tanong ni Matt nang isa lang ang nakita nya.
"Ano kasi..." sabi ni Nick.
"Ikaw yung Nick hindi ba? Alam ko hindi ka dyan nakakulong at hindi rin ito ang selda nang mga pinoy" sabi ni Albert na syang bantay sa cellblock nang umaga.
"Ok fine, kinalikot ko yung lock nang makitang walang bantay at pinakawalan rin ang iba pati narin ang mga kano" sabi ni Nick.
"Nasan na sila?" tanong ni Alona.
"Wala na sila, nung palabas kami ay sinalubong kami nang mga zombie" sabi ni Nick.
"Mukha namang ligtas ka dyan, babalikan ka nalang namin" sabi ni Matt.
"Hindi yan ang napag-usapan Matt" sabi ni Gen.Hill.
"Pero General preso sya, isa pa dito rin naman daan natin palabas at wala rin sa atin yung susi" sabi ni Matt.
"Nandun yung susi" sabi ni Nick na tinuro ang kinalalagyan nang susi sa sahig.
"May punto ka Matt" sabi ni Gen.Hill habang palapit si Matt sa pinto.
"Mukha nga rin namang ligtas ka dyan" dagdag nito na tumingin kay Nick
"Teka lang huwag nyo kong iwan" sabi ni Nick na kumapit sa rehas.
"Sssshhhh" halos sabay-sabay na sabi nang lahat kay Nick bago sumilip sa pinto si Matt at sumenyas ito nang walang makitang zombie sa labas.
"Sakto na nasa bandang gitna tayo, maghati tayo dito sa ibaba, ako sa kanan at ikaw sa kaliwa" sabi ni Alona nang makalapit ito.
"Sige" sabi ni Matt.
"Nasa kaliwa ang pinakamalapit na hagdan paakyat kaya sasabay kami sa inyo hangang don" sabi ni Gen.Hill.
"Go" sabi ni Gen.Hill bago sila sunod-sunod na lumabas, pinauna nila ang team ni Alona tapos team ni Gen.Hill at huling lumabas ang team ni Matt na sinigurong nakasara ang pinto dahil dun ulit sila lalabas.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ano kayang nangyari at napasok nang mga zombie ang lab" isip ni Alona na sinenyasan ang ilan sa kasama nya na pasukin ang mga dadaanan nilang pinto tapos sinenyasan ang iba na sumunod sa kanya paderetso sa pasilyo.
Ngunit pinatigil nya ito nang makaabot sila sa isang hallway na konektado sa kinaroroonan nila dahil may naglalakad na zombie palayo sa kaliwang hallway na dahan-dahan nyang nilapitan at tinusok sa ulo nang isang sai na hiniram nya kay Keith.
"Lt.Col." narinig nyang mahinang tawag nang isang sundalo habang dahan-dahan nyang ibinababa ang hindi nang gumagalaw na zombie.
Nag-thumbs up ang sundalong ito nang tumingin sya na ang ibig sabihin ay may buhay sa dinaanan nila at ngayon nga ay ineescort na pabalik sa dinaanan nilang bintana.
"Buti naman" isip ni Alona bago sinenyasan ang mga kasama na magdalawang grupo sila dahil nahati ang daan.
"Akala ko talaga wala na kaming maaabutang buhay dito pero ngayon hindi lang isa ang maililigtas namin" isip nito bago sya dumiretso kasama ang natitirang sundalo matapos nilang maghati.
"Hindi kaya tama ang hinala namin ni Matt" isip ni Alona na sinenyasan ang mga kasama sa ibang pinto matapos nyang lumapit sa isa at dahan-dahan itong binukas tapos sinenyasan ang isang kasama na sumunod bago sya pumasok.
"Mukhang walang taong nagtago rito" isip ni Alona nang makitang walang tao o maging lugar na pwedeng pagtaguan sa loob kaya sinenyasan na nya ang kasama na lumabas na sila at nilock nya ang pinto bago sya lumabas at tinalian nang dala nilang lubid bilang tanda na natignan na ang kwarto.
"Sana naman mali ang hinala namin dati ni Matt, dahil kung tama ito ay baka hindi kami makalabas nang buhay rito" isip ni Alona dahil pwede silang ma-trap.
"Think positive Alona" isip nito bago sinenyasan ang kasama na sumunod sa kanya papunta sa sunod na pintuang hindi pa natitignan nang mga kasama nya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tama ba tong ginawa ko na dinala ko lahat nang sundalo dito sa loob?" isip ni Gen.Hill na nasa taas na nang hagdanan kasama ang team nya.
"Imposible namang sobrang dami nang zombie dito, malamang kaya na siguro ito nang sampung tao o kahit lima" isip nito bago sinenyasan ang mga kasama na puntahan ang mga kwarto.
"Dapat din iniwan ko nalang si Matt dahil baka mapahamak pa ito kapag lumutang ang utak" isip nito habang naglalakad papasok sa isang kanina pang bukas na pintuan na pinasok nang isa nyang kasama.
"Anong nangyari sa pintuang ito" isip ni Gen.Hill dahil sira ang pinto bago...
"Aaaaaahhhh!" narinig nyang sigaw nang isang lalake.
"Anak nang!" sabi ni Gen.Hill nang makita ang sundalong sinaksak sa ulo ang zombie na kinagat sya sa binte malapit sa kabilang pintuan nang may kalakihang kwarto.
"General" narinig nyang tawag nang isang sundalo bago nya namalayan na meron pa palang ibang sigaw sa bandang looban nang second floor.
"General tulong" sabi nang sundalong nakagat nang zombie dahil hindi ito makalakad.
Lalapitan nya sana ito at tutulungan kaso may pumasok nang zombie sa kabilang pinto.
"Shit!" sabi ni Gen.Hill na nakatingin sa isang zombie na nakasuot nang duguang lab coat.
"General tayo na" tawag nang isang kasama nya bago ito tumakbo pabalik sa hagdan.
"Pasensya na" sabi ni Gen.Hill bago lumabas at nakita nyang halos mapuno ang hallway sa dami nang zombie na padating at halos kalahati nito ay naka-labcoat.
"General huwag nyo kong iwan!" narinig nyang sigaw nang sundalo bago sya tumakbo.
"Huwag kayong lalapit" narinig nyang sigaw nang lalake na inisip nyang sinasaksak sa ulo ang mga palapit na zombie bago ito sumigaw at nawala pagkalipas nang ilang segundo.
"Akala ko matatalino ang mga taga-lab bakit parang lahat sila umakyat nang second floor kasunod ang mga zombie" isip ni Gen.Hill habang pababa sya nang hagdan at naabutan ang lima sa team nya na nakatingin sa direksyon na pinuntahan ni Matt at pati sya ay natigilan rin dahil may mga zombie rin ang palapit sa kanila mula sa direksyon na iyon.
"Tayo na, balik na tayo sa pinasukan natin bago tayo makulong rito" sabi ni Gen.Hill.
"Yung iba nauna na ba?" tanong nito.
"Tayong anim lang ang nakababa General" sabi ni Dan na nakatingin sa may taas nang hagdan.
"Tayo na" sabi ni Gen.Hill bago sila tumakbo pabalik sa pinasukan nila.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nakaka-ilang kwarto na kami pero wala pa kaming nakikitang buhay bukod sa mga zombie na pwedeng tawaging buhay kung ang defenition mo nang buhay ay ang mga gumagalaw" isip ni Matt na nakatingin sa hilera nang mga pinto.
"Alam ko sa dulo nito ay ang basement nang lab" isp ni Matt bago sinenyasan ang mga kasama na buksan ang pinto bago sya dumiretso sa hagdan at...
"Shit!" nasabi ni Matt nang makita si Dr.Summers na zombie na kaso hindi makatayo dahil halos wala na itong laman, nakatingin ito sa kanya gamit ang natitira nitong kanang mata habang ang bibig ay nakabukas na kita hindi lang ang mga ngipin kundi pati narin ang mismong bungo nya.
"Mukhang pinapak ka nang mga ginawa mo" sabi ni Matt na nakatingin sa doctor na kung hindi lang halos purong buto nalang ay malamang pilit na sya nitong inaabot habang lumalapit sya.
"Parang Frankenstein lang ang naging buhay nyo doc" sabi ni Matt bago tinapos ang paghihirap nang doctor sa pamamagitan nang pagtama nang talim nang dala nyang palakol sa ulo nito.
"Lieutenant Colonel" narinig nyang tawag nang sundalong kasama nya sa body system sa taas nang hagdan habang nakatingin sa direksyon nang mga kwarto.
"Teka lang" sabi ni Matt na ginamit ang palakol para tignan ang kanang bahagi nang ulo nang doctor at laking tuwa nang halos hindi ito nagalaw.
"Alam ko may hearing aid ka" sabi ni Matt na lumuhod.
"Akin nalang, tutal hindi mo na naman gagamitin" dagdag nito bago kinuha ang hearing aid sa tenga nito at dumiretso habang sinisipat kung ayos pa kundisyon nito.
"Kamusta sa taas? May buhay na bang nakita?" tanong ni Matt nang makitang malapit na sa kanya ang sundalo habang paatras na bumababa nang hagdan.
"Anong gi..." sabi ni Matt na natigilan dahil sa dami nang zombie na palapit sa kanila at dun lang nya napansin ang sigawan sa taas.
"Naloko na" sabi ni Matt na nilagay sa bulsa ang hearing aid at tumingin sa paligid kaso wala nang ibang daan kundi...
"No choice, dito tayo" sabi ni Matt bago ito tumakbo pababa kasunod ang sundalo.
"Anak nang!" sabi ni Matt nang makitang sira ang pinto.
"Sir" sabi nang sundalo na nasa loob narin.
"Anong?!" gulat na sabi ni Matt nang lumingon sya at nakita ang kulungan.
"Huwag mong sabihing tama hinala namin ni Alona" isip ni Matt habang naglalakad palapit.
------
"In your opinion, paano nila dinispose ang mga zombie?" tanong ni Alona sa kanya ilang taon na ang nakakaraan habang nasa post ito dapat ni Keith kaso wala pa ito nang taong yon kaya mabagal pang magtagalog si Alona.
"6 to 10 na preso kada... week" sabi ni Alona na nakalimutan ang tagalog nang huling salita.
"O minsan halos araw-araw" sabi ni Matt na nakatingin sa dagat.
"Nakita mo ba yung blue print nang lab?" tanong nito.
"Wait... na...ki...ta..." sabi ni Alona na iniintinde ang sinabi ni Matt.
"Yes, I've..." sabi ni Alona kaso tumigil ito.
"Nakita ko ito dati... bago ako punta dito sa isla... last year" sabi ni Alona na sumuko sa huling dalawang salita.
"It's really hard to learn new language" sabi ni Alona.
"Your getting there" nakangiting sabi ni Matt dahil ramdam nito ang frustation nang babae.
"Ok, so you've seen it" sabi ni Matt.
"Wait, in tagalog how am I going to learn if we have our conversation in english" sabi ni Alona.
"Nakita mo yung basement sa blue print?" tanong ni Matt.
"Yes, nakita ko yon" sabi ni Alona.
"Yung basement na halos sakop ang buong isla?" sabi ni Matt.
"Anong... grrrrr" sabi ni Alona.
"Tell me if I'm wrong that your thinking that..." sabi ni Alona.
"Noooooo... they will not do that" sabi ni Alona.
"Sana nga hinde" sabi ni Matt.
------
"Sir, anong gagawin natin? Andyan na sila" sabi nang kasama nya na nagpabalik sa kanya sa kasalukyan.
"Kapag pumasok kami sa loob ay matatrap kami lalo na kung marami parin ang mga zombie sa loob" isip ni Matt na tumingin sa kulungan.
"Kung lalabanan naman namin, hindi ko alam kung kakayanin namin" sabi ni Matt na tumingin sa kasama na parang nanginginig na sa takot.
"Dun tayo sa loob, mas maluwag dun at makakagalaw tayo nang mabuti kapag hinarap natin ang mga zombie" sabi ni Matt bago tinungo ang kulungan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Huling kwarto na to dito" sabi ni Alona habang nilalagyan nang tali ang pintuan.
"Tayo na puntahan na natin yung iba sa kabilang side" sabi nito sa mga kasama.
"Kaso mam, hindi ba dun yung direksyon nang pintuan?" sabi nang isang sundalong babaeng kasama nya.
"Kung ganon mas dapat nga tayong pumunta ron dahil baka kailangan nila nang tulong" sabi ni Alona bago sila may narinig na kaguluhan at sigawan sa paligid.
"Tayo na" sabi ni Alona sa mga kasama bago sila tumakbo pabalik sa lugar kung saan nahati ang grupo nya.
"Oh no" sabi ni Alona nang makarating sila sa lugar at napansin nyang hindi lang sa direksyon nang pinuntahan nang mga kasama nya ang may sumisigaw kundi pati sa taas nila.
"Tayo na, labas na tayo rito bago tayo ma-trap" sabi nang isang kasama nya.
"Anong gagawin ko, lalabas na ba kami o pupuntahan muna namin ang ibang kasama namin sa grupo baka sakaling may mailigtas pa kami" isip ni Alona na nakatingin sa direksyong pinuntahan nang kalahati nang grupo nya.
"Kaso kung pupunta kami don baka nga ma-trap kami at mapahamak pa sila" isip nito.
"Lahat nang gusto nang lumabas, lumabas na, hindi ko kayo pipigilan" sabi ni Alona sa mga kasama.
"Kayo lieutenant colonel?" tanong nang isa.
"Pupuntahan ko yung ibang kasama natin baka may mailigtas pa ko" sabi ni Alona bago ito naglakad papunta sa iba nyang ka-grupo na humiwalay kanina.
"Bahala na kung walang sumama" isip ni Alona habang deretso ang lakad.
"Teka lang mam" narinig nyang tawag nang isang lalake at nakita nya ang pinakabago sa military team, katulad din ito ni Keith, na-deploy agad sa isla pagkagraduate nya halos isang buwan palang ang nakakaraan.
"Ba't di ka sumama sa kanila?" tanong ni Alona sa lalakeng hindi pa nya masyadong kilala.
"Kaya tayo dineploy dito ay para iligtas ang mga nanganga-ilangan diba?" sabi nang lalake.
"Halatang bagong grad pa nga, sobrang tino pa" isip ni Alona na napangiti.
"Ano nga pala ulit pangalan mo?" tanong nito.
"Gino Javier po" sagot nang lalake na sumaludo pa.
"Bueno Gino, tayo na" sabi ni Alona bago sila nagpatuloy sa paglalakad sa lugar kung saan ay kani-kanina lang ay may mga sigawan pero ngayon ay tahimik na.
Ilang sandali pa sila naglakad at nakakita na sila nang palikong lugar at nang pagliko nila ay puno nang mga zombie na kinakain ang mga kasama nila, kung titignan ang ayos nang mga katawang nakahandusay sa sahig at pinapapak nang mga zombie ay malalaman na ang mga ito ay pabalik na sa kanila at marahil ay tumatakbo.
"Malabo na to" isip ni Alona na tahimik na nakasilip sa nangyayari bago sinenyasan si Gino na bumalik na kaso nakasilip din ito at ngayon ay namumutla na.
"Pigilan mo" isip ni Alona na inalalayan si Gino na nasa bibig ang mga kamay at nagpipigil nang suka habang tinitignan nya ang paligid.
"Dun tayo" mahinang sabi ni Alona nang makita ang isang malapit na kwartong may tali kaso nakaka-ilang hakbang palang sila ay sumuka na si Gino.
"Naloko na, bilisan natin" sabi ni Alona bago nya inalalayan nang husto ang lalake papunta sa pinto na binuksan nya at mabilis ring isinara.
"Sorry mam" mahinang sabi ni Gino habang iniuupo sya ni Alona sa may dingdeng malayo sa pinto.
"Dito? Huwag mo tong alalahanin, maaalis naman ito kapag nilabhan" sabi ni Alona na ang tinutukoy ay ang fatigue nya na nalagyan nang suka.
"Hin..." hindi na natapos ni Gino ang sasabihin dahil pinatahimik sya ni Alona nang marinig na dumadaan na ang mga zombie.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sila General yon diba?" sabi ni Alex isa sa mga kasama kanina ni Alona habang tumatakbo sila pabalik at nakita nilang nagmamadaling pumasok si Gen.Hill at lima pang lalake sa pinasukan nilang kwarto.
"Teka lang Dan" sabi ni Alex sa lalakeng huling pumasok dahil sinarado nito agad ang pinto.
"Da..." hindi na natapos ni Alex ang sasabihin nang may bumungad na zombie sa pinanggalingan nila Gen.Hill.
"Balik" sabi ni Alex sa mga kasama na katulad nya ay napatulala.
"Balik na" sabi ni Alex bago ito muling nanguna sa pagtakbo pabalik sa pinanggalingan nila kaso bago pa nila maabot ang hati sa daan ay may nakakita narin silang mga zombie sa direksyon na pinuntahan nila Alona.
"Dito sa loob" sabi nang kasama nya na binuksan ang isang pintuan kung saan sila pumasok.
Kaso hindi kwarto ang napasukan nila kundi isang maliit na storage area na tanging tatlong taong nagsisiksikan lang ang magkakasya.
"Lipat" sabi ni Alex na lumabas at tatakbo sana kaso sinalubong sya nang isang zombie na kinagat sya sa balikat habang pinapalibutan pa sya at ang mga kasama nya nang iba pang zombie.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong nangyari?" tanong ni Nick nang makitang humahangos papasok sila Gen.Hill kaso sinenyasan sya nito na tumahimik bago isinara ni Dan ang pinto.
"Tayo na" mahinang sabi ni Gen.Hill sa mga kasama kasabay nang pagkuha nya sa susi sa may sahig.
"Pero..." protesta na Dan.
"Nakita nyo yung dami nang mga zombie, hindi natin kakayanin yan" sabi ni Gen.Hill bago binuksan ang kulungan.
"Pano sila Liutenant Colonel?" tanong nang isa.
"Sana makahanap sila nang daan paalabas o mas maganda sigurong sabihing sana buhay pa sila lalo na ang team ni Matt" sabi ni Gen.Hill bago sila may narinig sa may pinto.
"Tayo na" sabi nito bago sila lumbas isa-isa sa bintana.
"Salamat sir" sabi ni Nick.
"Anong salamat... kamay" sabi ni Gen.Hill bago pinosasan si Nick.
"Sir naman" sabi ni Nick na nasa harapan ang nakaposas na kamay.
"Labas na" sabi ni Gen.Hill dahil silang dalawa nalang ang natira sa loob.
"General sila Lt.Col.Reinhardt po?" tanong ni Lina pagkalabas nito.
"Nasa loob parin sila, kailangan na nilang humanap nang bagong daan palabas dahil hindi na nila magagamit yon" sabi ni Gen.Hill.
"Isa lang ang buhay na taga-lab?" tanong nito nang may mapansing katabi si Lina na naka-labcoat.
"Tayo na, kailangang makalayo na tayo dito para tigilan nang mga zombie yung pintuan" sabi ni Gen.Hill sa mga kasama.
"Ano na ba tong nangyari, halos 50 kaming sundalong pumunta rito pero walo nalang kaming siguradong buhay kasama ang isang preso at taga-lab" isip ni Gen.Hill habang palayo sila sa lab.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Teka lang huwag nyo kong iwan!" sigaw nang isang babae na nasa second floor at kinalampag ang bintana nang makita nya ang mga sundalong palayo sa lab bago muling kumalampag ang pintuan na hinarangan nya nang kabinet at mesa.
"Mag-isip ka Marge ano na gagawin mo" sabi nang babae na nakatingin sa direksyon nang pinto.
"Kung hindi ka ba naman kasi sira at dito ka tumakbo sa second floor kanina" sabi nito na napaupo.
"Tapos mas sira ka nang tinawag mo pa ang mga zombie dahil sa pagsubok mong basagin ang pesteng salamin na yan" sabi nito.
"Bahala na" sabi ni Marge na kinuha ang crowbar na ginagamit nya kanina para basagin ang salamin at makababa sa katabing puno, kaso kulang ang lakas nya at ang tanging nagawa lang nya sa buong magdamag ay magkalamat lang ang matibay na salamin nang lab para sa proteksyon narin sa mga alikabok sa labas.
"Malamang kalat na yung mga zombie dahil sa kaguluhan kanina, kaya malamang konti lang sila sa labas" sabi nito na nagpapalakas nang loob.
"Kaya mo to" sabi ni Marge bago tinulak palayo sa pintuan ang mesa tapos yung kabinet kaso biglang bumigay ang pintuan at nadaganan sya dahil narin sa mga zombie na nagpupumilit pumasok.
"Aaaaaaahhhhh!" sigaw ni Marge na hindi na nagawa pang makalaban dahil sa nakadagang pintuan na lalong bumigat dahil sa mga zombie na kinagat narin sya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mukhang tama nga kami" nanggigigil na isip ni Matt habang tumatakbo sya at nang kasama nya na si Ryan sa loob nang kulungan kung saan ay wala pa silang nakikitang zombie kahit isa pero amoy na amoy ang masangsang na amoy mula sa nabubulok na mga laman na nakulong rin sa loob nang ilang taon.
"Sir, pahi...nga muna... tayo" hinihingal na sabi ni Ryan na napaupo.
"Nakakapagtakang walang zombie" isip ni Matt na tumingin sa paligid bago ito napangiti.
"Ano ba tong iniisip ko, kung normal na pagkakataon ay iisipin kong nasisiraan na ko" isip nito na napailing.
"Pero bakit nga kaya walang zombie, konti palang yung nakikita namin, kung titignan ang laki nang kulungang ito ay kayang-kaya nitong punuin ang buong first at second floor nang lab" isip nito bago natigilan sa pagbabantay.
------
"Kamusta ang party pag-alis namin?" tanong ni Matt kay Alona habang nilalakbay nila ang daan papunta sa lab kanina.
"Halos wala namang nangyari pag-alis nyo bukod sa lindol" sabi ni Alona.
"Buti walang nasugatan dahil sa mga basag na bote" sabi ni Matt.
"Buti nga, kaso kawawa si Ben dahil nagsibagsakan yung mga kabinet nang mga wine nya sa basement, yung isa pa nga parang nasira pa yung dingdeng" sabi ni Alona.
"Ok men and women, get ready" sabi ni Gen.Hill kaya hindi na sya nakapagsalita pa.
------
"Shit!" malakas na sabi ni Matt matapos maalala ang mga nangyari.
"Bakit sir?!" naalarmang tanong ni Ryan na napatayo.
"May compas ka ba dyan?" tanong ni Matt sa kasama.
"Wala sir" sabi ni Ryan na lalong nagtaka.
"Dun tayo nanggaling kaya nasa bandang harapan na tayo nang lab" sabi ni Matt na tinatantya kung nasan na sila.
"At ang komunidad ay diretso pa" dagdag nito.
"Bakit sir?" tanong ni Ryan.
"Tayo na, kailangang bilisan natin" sabi ni Matt bago tumakbo.
"Teka lang sir" sabi ni Ryan na sumunod na kahit hindi pa ito masyadong nakaabawi.
"Dapat pala talaga nagpa-iwan nalang ako tulad nang suhestyon ni General kung hindi ko lang ginusto na makita ang Dr.Summers na yan para masapak dahil sa pagkakainfect nang lahat nang tao sa isla nang virus na sya ang gumawa" nangigigil na isip ni Matt habang tumatakbo
"Failed din ang rescue mission na ito dahil dalawa nalang kaming natira sa groupo ko at hindi ko alam kung may iba pang nakaligtas" isip nito bago napangiti.
"Baliw ka na Matt, hindi pa kayo ligtas dahil tama man o mali ang hinala mo ay susuungin mo at nang kasama mo ang sangkatutak na zombie sa communidad na walang bantay bukod sa isang sundalong may sakit" isip ni Matt.
"Sa kundisyon ni Keith at sa ugali nang isang yon malamang sya pa unang mamamatay" isip nito na lalong binilisan ang pagtakbo dahil itinuring na nitong nakakabatang kapatid ang lalake lalo na at nag-iisang anak sya nang magulang nya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Kamusta na kaya yung iba?" isip ni Alona habang nakasandal ito sa sulok nang kwartong kinaroroonan nila ni Gino na ngayon ay nasa kabilang sulok mas malapit nang konti sa isang mesa, naka-puting t-shirt nalang sila pareho dahil sa suka ni Gino kanina.
"Kaya mo na ba?" tanong nito sa lalake matapos makalapit rito.
"Kaya ko na mam" sabi ni Gino.
"Tignan natin maya-maya kung makaka-alis tayo dito, kailangan nating makalabas nang lab dahil wala tayong dalang pagkain o inumin" sabi ni Alona.
"Meron ako mam, hati nalang tayo kasi pang-isang tao lang" sabi ni Gino na inilabas ang isang tinapay at maliit na bote nang tubig sa belt bag nya na ngayon lang napansin ni Alona.
"Mamaya na, baka matagalan pa tayo rito bago makalabas" nakangiting sabi ni Alona na tumingin sa paligid nang kwartong kinalalagyan nila.
"Office pala to ni Doc.Summers" sabi ni Alona nang makita ang name plate sa may mesa.
"Buhay pa kaya sya?" tanong ni Gino habang tumatayo.
"Pwedeng oo, pwedeng hinde" sabi ni Alona na tinignan ang mga documento sa mesa.
"Mam" narinig nyang sabi ni Gino at nang tignan nya ito ay may inaabot itong backpack sa kanya.
"Si doraemon ka ba? Parang ang dami mong dalang gamit na hindi ko napansin kanina" natatawang sabi ni Alona na naalala ang isang japanesse cartoon na pinapanood dati nang mga batang nabantayan nya nung unang dating palang nya sa isla.
"Hindi po mam, nakita ko lang to dun sa gilid nang kabinet" natatawang sabi ni Gino dahil kilala nya si doraemon.
"Aaaahhh" sabi ni Alona habang kinukuha ang bag at tahimik na inilalagay ang mga documento sa mesa habang maingat na naglilibot-libot si Gino sa buong kwarto at naghahanap nang mga bagay na magagamit pa nila.
"Blue print po ba yan nang lab mam?" tanong ni Gino nang makita si Alona na seryosong nakatingin sa isang blue print.
"Yup at nandito tayo" sabi ni Alona na itinuro ang kinalalagyan nilang kwarto.
"Malapit lapit na tayo sa entance nang lab, mas mabuting dun na tayo pumunta dahil hindi na tayo makakabalik sa pinasukan natin" dagdag nito.
"Kaso hindi po ba madaming zombie dun?" tanong ni Gino.
"Dahil sa ingay at kaguluhan dito sa lab kanina malamang nakakalat na sila sa loob at hindi na katulad nang kaninang naka-focus sa isang lugar" sabi ni Alona na tinatandaan ang mga pwede nilang daanan para makarating sa entrance bago nya inilagay sa bag ang blue print at sinarado na ito bago isinukbit sa balikat.
"Tayo na" sabi nito na hinawakan na ang dala nyang dalawang sai bago tumingin kay Gino na tumango at may hawak nang dalawang kutsilyo bago sila lumapit sa pinto at tahimik na sumilip si Gino sa labas bago sila tuluyang lumabas nang masigurong walang malapit na zombie sa pangunguna ni Alona.
BINABASA MO ANG
Zombie Isle
Short StoryAng Pilipinas ay isang Archipelago at madaming islang hindi regular na tinitirhan nang tao. Isa rito ay ginawang experimental island para sa isang immortal soldiers kung ito ay makokontrol lang nila. Ikaw? Titira ka ba sa isang islang puno nang Zomb...