Prologo

1.4K 20 2
                                    

Ang Pilipinas ay isang archipelago, isang bansang binubuo nang maraming isla, dahil sa dami ay hangang ngayon may mga isla parin ang hindi pa naitatala sa mga mapa at merong ibang islang inaangkin nang iba. Tulad nalang islang kinalalagyan namin ngayon na isang experimental island.
"Nandyan na sila, nandyan na ang cargo vessel, ligtas na tayo" masayang sabi nang isang batang lalake nang may marinig silang malakas na tunog na nang-galing sa dagat.
"Huwag ka munang pakasisiguro Ethan nakalimutan mo na ba yung mga nakakalat sa isla" sabi nang isang teenedyer na babae.
"Ate naman eh ang KJ mo, malapit lang naman tayo sa pampang" sabi ni Ethan.
"Tama ang ate Lora mo Ethan, hindi pa tayo maaaring magsaya habang nandito pa tayo sa loob nang isla" sabi nang isang babae.
"Isa pa, wala pa yung mga iba nating kasama" dagdag nito na tumingin sa lalakeng nakatayo sa labas nang kinalalagyan nilang tree house.
"Tayo na" sabi nang lalake na pumasok at kinuha ang dalawang espada sa mesa.
"Tayo na san?" tanong ni Lora habang nakatingin sa lalakeng nakalagay na yung dalawang espada sa likod bago nilalagay ang isang punong lalagyan nang palaso sa likod.
"Hindi ka ba mahihirapang kumilos dyan, Keith?" dagdag na tanong ni Lora.
"Baka dumiretso narin sila dun kapag nakita nila yung vessel at kailangang mabalaan din natin ang crew nun, baka pumasok sila dito sa isla" sabi ni Keith na kinuha na yung pana sa mesa at kumuha nang isang palaso.
"Kunin na ninyo lahat nang kaya nyong dalhin, pero siguraduhin nyong makakatakbo kayo" sabi ni Keith na tumingin sa labas nang pinto.
"Nasan na kayo Matt?" isip ni Keith na tumingin sa ibaba bago nilingon ang magkapatid at ang isang nurse na naghahanda na.
------
Ako si Keith Alvares, isang sundalong nakadeploy sa isang isla nang Pilipinas. Nung una ay laking tuwa ko dahil pagka-graduate ko palang ay kinuha na ko nang gobyerno dahil daw sa angkin kong kakayahan sa mga long-range weapon at dahil nanganga-ilangan din nang pera ay tinanggap ko na agad kahit na hindi ko alam ang mission.

"Nandito na tayo" sabi nang isang nakatatandang officer matapos nilang bumaba nang cargo vessel.
"General Hill, kamusta po ang byahe" bati nang isang lalaking hindi nalalayo ang edad kay Keith.
"Ayos lang Lt.Col. Santos" sabi ni General Hill bago humarap kay Keith.
"Sya nga pala yung sinasabi kong bagong graduate na cadet, binigyan na sya agad nang rango na Sargeant" sabi nito.
"Sargeant Keith Alvares po, ikinagagalak ko po kayong makilala" sabi ni Keith na inalok ang kamay.
"Lt. Col. Matthew Santos" sabi ni Matt na nakipagkamay kay Keith.
"Alam mo kung hindi ko alam ang expertise mo ay pauuwiun na kita kahit nandito si General" sabi ni Matt na tinignan nang mabuti si Keith.
"Huwag kang malinlang sa panglabas Matt, sya ang top graduate ngayon, bukod sa expertise nya sa long range ay matalas rin syang mag-isip at expertise sa wushu at martial arts" sabi nang general.
"Wushu at martial arts? Tinuturo na ba yun sa military school?" sabi ni Matt.
"Hindi po sir, natutuhan ko po yun bago ako pumasok nang military school, pero binabalikan ko rin naman po kapag may time kaya hindi ko parin nakakalimutan" sabi ni Keith.
"Ah, ganun ba... kaso balewa yan sa mga babantayan mo" sabi ni Matt.
"Bakit po sir? Yung sabi sakin ay mga criminal babantayan ko rito" sabi ni Keith.
"Hindi mo alam?!" gulat na sabi ni Matt na tumingin kay general.
"Hindi rin naman sya maniniwala hangang di nya nakikita" sabi ni Gen. Hill.
"Mabuti pa sumunod ka sakin" sabi ni Matt bago naglakad paakyat nang sementadong bakod
"Ayos na ang tutuluyan mo rito, pero kung gusto mong mag-backout ay maiintindihan namin" sabi ni Matt na pumasok sa isang bakod na bakal.
"Sakay na" sabi ni Matt na dumiretso sa drivers seat.
Kahit kailan ay hindi ko inaasahan ang nakita ko nung araw na yon, isang kahindik-hindik na pangyayaring kahit sa panaginip ay hindi ko hiniling na magkatotoo.
"Sila mga babantayan mo kasama namin" sabi ni Matt pagkalapit nila sa isang kasing laki nang baseball field na sementadong hukay.
"Mga kriminal nga kaso hindi mga ordinaryong kriminal, sila yung mga may matataas na sentensya na kahit buong buhay nila sa sunod na buhay ay di pa sapat" sabi ni Matt dahil natulala si Keith sa hukay na may mga naglalakad na mga naaagnas na tao.

Zombie IsleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon