Pagbabalik sa Komunidad

165 4 0
                                    

"Ang tagal naman nila" sabi ni Lina dahil halos isang oras na silang nag-aantay sa pagbalik nila Matt at Keith.
"Hindi naman kaya..." sabi ni Leon.
"May naisip na ba kayong plano? Sabihin na ninyo para magawa na natin ang pinaka maganda" sabi ni Gen.Hill dahil wala syang maisip o mas magandang sabihing hindi sya nag-isip dahil kumpleto na ang pamilya nya dun.
"May naisip ako General" sabi ni Dan na nauna na.
"Konti nalang ang mga prutas at baka hangang gabi nalang yun dahil sa dami natin, isa pa wala rin tayong stock nang tubig" panimulang sabi ni Dan.
"Kung ganon kailangan nga nating pumunta nang komunidad" sabi ni Gen.Hill na hindi naisip yung pagkain at tubig.
"Pero sa dami nang zombie sa komunidad at nakakalat sa isla ay baka lalo tayong kumonti" sabi ni Gary.
"Kaya nga naisip ko na mag-dalawang grupo, yung isang grupo ay ang mga pupunta sa komunidad at yung isa pa ay kukunin ang attensyon nang mga zombie" sabi ni Dan.
"Hindi ako sangayon na may magiging pa-in" singit ni Gen.Hill.
"Hindi naman sila magiging pa-in General, mag-iingay sila sa kabilang side nang bakod at malayo sa komunidad para mawala o kahit mabawasan man lang ang mga zombie habang nasa komunidad ang isang group" paglilinaw ni Dan.
"Pwede nga yun, makikita din natin kung may mga tao ngang lumabas nang bakod at nakaligtas" sabi ni John.
"Ok, sino ang pupunta sa komunidad?" tanong ni Gen.Hill na nakatingin kay Dan.
"Dahil konti nalang tayo ay naisip kong lahat nang sundalo nalang sana, tapos yung iba sa second group" suhestyon ni Dan.
"Hindi ako papayag" sabi ni Gen.Hill.
"Ayos lang Allan, tama sya kailangang madami kayong pupunta sa komunidad hindi lang para madami kayong makuhang pagkain kundi pati narin sa kaligtasan nyo" sabi ni Mrs.Hill.
"Malapit-lapit narin naman to sa pampang General kaya ligtas kaming makakatawid nang bakod" sabi ni Esther.
"Sige pero sasama ka samin Nick, wala pa kong tiwala sayo" sabi ni Gen.Hill na tinignan si Nick na nawala ang pagkakangiti sa pagaakalang kasama sya sa lalabas nang bakod.
"Hindi lang tubig at pagkain ang kailangan nating kunin, bukod pa sa pagligtas sa mga taong na trap kung sakali" sabi ni Lina.
"Kailangang makaisip tayo nang paraan para makakontak sa labas nang isla para makaalis narin tayo rito" dagdag nito.
"Alam ko may radyo si Kristoff na ginagamit nya para makipag-usap sa labas nang isla, nasabi ito sakin ni Keith dahil sa post nya ito ginagamit dahil ayun yung pinaka-mataas na lugar dito sa isla bukod sa cellsite" sabi ni Gen.Hill.
"Kaso nga lang General, baka kailangan din nun yung cellsite" sabi ni Kim.
"Problema yun kung ganun" sabi ni Gen.Hill bago tumayo.
"Maghanda na ang lahat at kikilos na tayo habang maliwanag pa" sabi ni Gen.Hill.
"At ipagdasal narin ninyo na nasa bahay nang mga Summers ang radyo at gumagana pa" dagdag nito.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Halos isang oras na tayong naglalakad wala pa tayong nakikitang tao" sabi ni Alona na naka-upo, medyo nahihilo na sya dahil kanina pa sya hindi umiinom nang tubig at matindi pa sikat nang araw.
"Pasensya na, ako yung nag suggest nito" sabi ni Gino.
"Ayos lang yun" sabi ni Keith na nakatingin sa kabilang direksyon kung saan nakatingin sa Gino.
"Mabuti pa bumalik na tayo bago pa tayo tuluyang ma-dehydrate" sabi ni Matt.
"Problema lang Matt, walang tubig sa treehouse" sabi ni Keith.
"Ayos lang ba sa inyo kung susubukan nating dumaan sa komunidad?" tanong ni Matt sa tatlo.
"Ayos lang sa..." sabi ni Alona na tatayo na sana kaso bumagsak ito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Matt na agad lumapit sa babae.
"Ayos lang ako" sabi ni Alona na hawak ang ulo.
"Kanina pa sya hindi umiinom nang tubig sir" sabi ni Gino.
"Naloko na, dehydrated ka na" sabi ni Matt na binuhat si Alona.
"No choice, kailangang bumalik muna tayo nang treehouse" sabi ni Matt.
"Pasensya na" sabi ni Alona.
"Ako na mauuna" sabi ni Gino bago nauna pagkakuha nya nang bag na dala ni Alona kanina na sinundan ni Matt at sa hulihan si Keith na nakahanda na ang pana.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Malayo pa ba tayo?" tanong ni Mrs.Hill, sila ngayon ay nasa labas na nang bakod at umiikot na sa isla papunta sa lugar kung saan nila papupuntahin ang mga zombie.
"Malapit na mam" sabi ni Esther na tinatantya kung saang parte na sila.
"Esther?" narinig nilang tawag nang isang boses.
"Maya?" sabi ni Esther nang makita ang babae na palapit kasama ang lima pang tao.
"Mabuti naman at nakalabas din kayo, buong pag-aakala namin ay kaming anim lang ang nakalabas" sabi ni Zach na nakatingin sa apat.
"Kamusta Mrs.Hill, nagkita ba kayo nang asawa nyo?" tanong ni Conrad na isa sa anim.
"Nagkita na kami" sabi ni Mrs.Hill.
"Oo nga pala, baka nandun na sila" sabi ni Esther na naalala ang tunay na ipinunta nila dun.
"Nandun na?" naguluhang sabi ni Laila.
"Teka lang" sabi ni Esther na pumwesto malapit sa di kalayuang parte nang dingdeng bago nagpaputok.
"Anak nang! Alam mo ba ginawa mo!" sigaw ni Conrad na nakatingin kay Esther.
"Inilalayo nya ang mga zombie sa komunidad para mailigtas nang iba ang mga nakulong dun at para makakuha narin nang pagkain at tubig" sabi ni Mrs.Hill.
"May iba pa?" masayang sabi ni Maya.
"Yung mga sundalong buhay na nakalabas sa lab" sabi ni Mrs.Hill bago muling nagpaputok si Esther.
"Kaso mam, wala na pong tao sa komunidad" malungkot na sabi ni Danilo na halos kasing edad lang ni Ethan.
"Kaming dalawa nang kapatid ko po ang pinakahuling nakalabas nang komunidad" sabi ni Christian na mas matanda nang konti sa kapatid.
"Kasama po namin si inay nung lumabas kami sa pinto dahil hindi namin mabuksan ang bintana sa likod nang bahay, ilang oras po yun matapos ang paglabas nang mga zombie sa bar" dagdag nito.
"Sobrang nakakatakot at hindi ko makakalimutan yun... habang nakakulong kami sa bahay, nakakalat ang mga nagsisigawang mga tao sa buong paligid, ang nakakatakot na tunog na ginagawa nang mga zombie, ang masangsang na amoy..." sabi ni Christian na napatigil at tumingin sa kapatid.
"Pinilit naming hindi gumawa nang kahit na anong tunog habang nakasuksok kami sa sulok, tinatakpan namin ang mga bibig namin kapag may naririnig kaming sumisigaw lalo na kung pamilyar ang boses samin" sabi ni Christian.
"Ayaw pa po sana naming lumabas ni kuya pero nagpumilit si inay, dahil hindi daw kami ligtas dun" sabi ni Danilo na nagpipigil nang luha.
"Pero... pero..." sabi nito na hindi na napigilang umiyak.
"Hindi pa kami nakakalayo ay naharangan kami nang mga zombie, binalya ni inay ang isa rito at pinatakbo na kami at sinabing susunod sya" sabi ni Christian na niyakap ang umiiyak na kapatid.
"Kaso habang tumatakbo kami ay narinig namin ang sigaw ni inay, hindi na ko lumingon dahil ayokong..." sabi ni Christian na nagpunas nang luha.
"Nakita po namin sila nang lumabas kami nang bakod at naghahanap nang masisilungan" sabi nito na ang tinutukoy ay sila Maya.
"Lahat nang nadaanan naming bahay ay kung hindi nakabukas ang pinto ay sira... kaya sigurado po kong wala nang buhay dun" sabi ni Christian.
"Sumama nalang kayo samin" sabi ni Lora na naawa sa magkapatid at nagpipigil nang luha.
"Oo nga, kasya pa tayong lahat sa treehouse" sabi ni Esther bago muling nagpaputok.
"Treehouse? Sa loob?" sabi ni Zach.
"Pasensya na, kaso parang mas ligtas ata dito sa labas nang bakod" sabi ni Laila na nakatingin kay Esther.
"Magkaka-sunburn kayo dito at pano makakain at inumin nyo?" sabi ni Mrs.Hill.
"Sumama na kayo" sabi ni Ethan na lumapit sa magkapatid.
"Sige po mam, sasama kami" sabi ni Christian.
"Sasama rin ako" sabi ni Maya bago nagsisamahan narin ang iba pa.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ayun na yung putok" sabi ni Gen.Hill habang nakatago sila sa di kalayuan pero tanaw parin ang komunidad.
"Maghintay lang tayo nang limang minuto tapos pupunta na tayo" dagdag nito.
"Maging alerto rin kayo dahil baka may lumabas malapit sa atin" sabi nito sa mga kasama.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Putok nang baril ba yun?" tanong ni Keith na hindi sigurado kasi nawawala-wala ang naririnig nya gamit ang hearing aid.
"Sino nagpapaputok?" sabi ni Gino na tumingin sa kabila nang bakod na kinalalagyan nila dahil sa tapat lang nila ang ingay.
"Alona tayo ka muna, piggyback kita" sabi ni Matt na ibinaba ang babae.
"Hindi na Matt maglalakad nalang ako" sabi ni Aloja na tumayo.
"Hindi pwede dahil tatakbo tayo, baka bigla kang bumagsak" sabi ni Matt na hinanda na ang sarili.
"Oo nga, sa lakas nang tunog na yun papunta na rito ang mga zombie" sabi ni Gino bago sumampa si Alona.
"Tayo na Keith" sabi ni Matt na tumingin kay Keith nang makaayos na sa likod nya si Alona.
"Ha? Anong sinabi mo?" tanong ni Keith dahil nawala na nang tuluyan ang epekto nang hearing aid.
"Tayo na, tatakbuhin na natin pabalik sa tree house" sabi ni Matt na inabot kay Keith ang palakol nya na kanina nakasabit sa likod nya.
"Sige, ako na mauuna" sabi ni Keith na ibinalik sa lalagyan ang palaso at isinabit sa balikat ang pana bago kinuha ang palakol ni Matt, yung sai naman ni Alona kanina ay gamit na ni Gino para hindi maaksidente ang dalawa.
"Tayo na" sabi ni Keith bago nanguna sa pagtakbo kasunod sila Matt at nasa hulihan na ngayon si Gino.
"Oh crap!" sabi ni Keith dahil may masasalubong silang grupo nang mga zombie nang ilang segundo palang ang nakakalipas.
"Dito ta..." sabi ni Keith na liliko kaso meron din sa direksyong yun.
"Makukulong tayo" sabi ni Gino dahil natitirang daan nalang ay pabalik sa pinanggalingan nila dahil katabi parin nila ang sementadong bakod.
"Akyat nang puno bilis" sabi ni Matt na ibinaba si Alona na agad umakyat sa katabing puno, sila Keith at Gino ay umakyat narin sa malapit na puno sa kanila, iniwanan nalang ni Keith ang palakol sa ibaba.
"Sino ba yung nagpaputok na yun" isip ni Matt na umakyat narin sa puno kung saan umakyat si Alona pero sa katabing sanga ito namalagi para hindi mabali ang sanga.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sigurado kayong kasya tayong lahat dun?" tanong ni Conrad na nagdadalawang-isip parin, sila ngayon ay naglalakad na pabalik sa treehouse maliban kay Esther na nagpaiwan.
"Malaki naman po yung treehouse, maluwag pa kanina" sabi ni Lora na tinabihan sa paglalakad si Christian na hawak ang kapatid sa kamay.
"Pano kung magalit yung may ari nang treehouse?" nangangambang tanong ni Laila.
"Mamaya binigyan nyo lang kami nang pag-asang may masisilungan pero biglang mawawala din" dagdag nito.
"Mabait naman si Keith, matutuwa pa yun dahil may iba pang buhay" sabi ni Mrs.Hill.
"Si major... utang ko sa kanya ang buhay ko" sabi ni Maya na naalala ang isang palaso na tumama sa isang zombie na palapit sa kanya.
"Kung hindi nya tinamaan nang palaso yung zombie malamang wala narin ako ngayon" dagdag nito.
"Parang dahil rin sa isang palaso kaya ako nakatakas" sabi ni Zach na inalala ang nangyari kanina.
"Ngayon ko lang naisip na si major na nga lang yung naiwang sundalo sa komunidad kaya sigurado ngang sya yun" dagdag nito.
"Sino ba yang major na yan? Kung ituring nyo parang napakagaling" sabi ni Conrad.
"Sya lang naman yung pinaka-magaling na sniper nang isla" sabi ni Laila.
"Kung magaling bakit kayo lang ang nakaligtas sa komunidad? Isa pa alam ko dalawa lang ang sniper nang isla" natatawang sabi ni Conrad.
"Teka lang Danilo" sabi ni Christian dahil bumitaw sa kanya ang kapatid.
"Huwag mong laitin si kuya" sabi ni Danilo na sinipa si Conrad sa tuhod.
"Aray!" sigaw ni Conrad na hinawakan ang binti.
"Ikaw bata ka" galit na sabi nito na susuntukin sana ang bata kaso.
"Sige subukan mong saktan kapatid ako makakaharap mo" sabi ni Christian na naunang makalapit sa kapatid kaysa ang iba at may hawak na patalim na nakatutok kay Conrad habang nasa likod ang kapatid.
"Teka lang totoy, alam mo ba yang hawak mo?" tanong ni Conrad na napaatras.
"Alam ko, ibinigay ito ni itay at sinabing gamitin ko ito para protektahan sila inay dahil alam nyang palaging mapanganib sa isla at dahil lagi din syang wala dahil nagbabantay" sabi ni Christian.
"Tama na iho, ibaba mo na yang patalim" sabi ni Mrs.Hill na lumapit sa bata.
"Ano ba kasing ginawa mo?" sabi ni Zach na nakatingin kay Conrad.
"Taga-lab kasi kaya hindi nya alam na gusto si Major nang mga bata sa isla" sabi ni Maya.
"Ikaw ba naman nakatira malapit sa center ay bubulabugin ka talaga nang mga ito" sabi ni Laila na syang guro sa center dahil ganun nga ang nangyayari araw-araw kapag iniiwan sa center ang mga bata para dun narin nya turuan, pagkatapos nang lahat ay tumatakbo na ang mga ito paakyat sa post kung saan halos laging nandun si Keith.
"Humingi ka nang sorry Danilo" sabi ni Christian na ibinaba na ang patalim pero nakatingin parin kay Conrad.
"Pero kuya..." protesta ni Danilo.
"Hindi tama na sipain mo sya" sabi ni Christian.
"Sorry po" sabi ni Danilo na nakatingin kay Conrad.
"Ayos lang yun, kalimutan na natin" sabi ni Conrad.
"Buhay pa kaya tatay nito?" nakangiting isip ni Mrs.Hill habang nakatingin kay Christian.
"Tayo na, nang makalilim narin kayo" sabi ni Mrs.Hill bago sila muling naglakad.
"Asan ang tatay nyo?" tanong ni Lora na muling tumabi kay Christian na hawak ulit ang kapatid sa kamay.
"Sundalo sya, pumunta sila kanina sa lab para iligtas ang mga nandoon" sabi ni Danilo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tayo na" sabi ni Gen.Hill sa mga kasama bago sila mabilis pero maingat na pumunta sa mga bahay.
"Effective yung plano" isip ni Gen.Hill dahil halos wala nang zombie sa komunidad.
"Alam na ninyo ang mga gagawin nyo? Kung may gusto kayong kuning gamit gawin na ninyo nang mabilis tapos kita-kita tayo rito pagkatapos nang limang minuto para puntahan ang storage area, walang gagawa nang malakas na ingay na pwedeng magpabalik sa mga zombie" sabi ni Gen.Hill bago sila naghiwa-hiwalay.
"Mukhang wala nang buhay rito" sabi nya dahil nakabukas o wasak ang mga pintuan nang bahay na nadaanan nya papunta sa tintutuluyan nya na nanatiling nakasara.
"Ligtas kaya sa loob?" sabi nya sa sarili bago natawa.
"Syempre ligtas sa loob" sabi nya bago binuksan ang pinto.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hinde" sabi ni Lina sa di kalayuan habang nakatingin sa sirang pintuan nang tinutuluyan nya.
"Jacob? Anthony?" sabi nya na pumasok sa loob kaso tuluyan na syang nanlumo nang makita ang asawang nasa sahig na duguang gumagapang palapit sa kanya.
"Hinde Jacob" mangiyak-ngiyak na sabi ni Lina na nakatingin sa asawa nyang maraming kulang na parte at balat na naging dahilan nang paglabas nang mga iba nyang lamang loob.
"Anthony" sabi ni Lina na pinilit tumayo nang maalala ang anak.
"Mahal na mahal kita" sabi nito bago umiiyak na sinaksak sa ulo ang asawa.
"Anthony" tawag ulit nito habang pinupunasan ang luha nang mapansin nya ang pinanggalingan nang dugo.
"Anthony" sabi ni Lina na tumakbo at hinanda ang sarili kaso nanlumo parin sya nang makita ang baby nya na halos walang natira.
"Lina?" narinig nyang tawag ni Dan mula sa pinto kaso hindi nya ito pinansin dahil hindi nya maalis ang paningin nya sa duguang sahig na may mga maliliit na piraso nang katawan nang baby.
"Lina, huwag!" sigaw ni Dan na tinakbo ang babae dahil sasaksakin na nito ang sarili.
"Bitiwan mo ko, gusto ko na silang makasama" sabi ni Lina dahil napigilan ni Dan ang babae at dahil mas malakas ito ay nakuha rin nito ang patalim.
"Nababaliw ka na ba? Hindi nila magugustuhan yang gagawin mo" sabi ni Dan na itinabi ang patalim habang patuloy sa pag-iyak si Lina.
"Mabuti pa ako nang kukuha nang mga gamit mo" sabi ni Dan bago tumayo at tinignan ang paligid, kinuha nya muna ang mga kutsilyo bago iniwanan si Lina.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anak nang... Keith" mahinang sabi ni Matt nang makitang inuusad nang lalake ang sarili papunta sa bakod na katabing-katabi lang nang punong naakyatan nito kaso dahil sira na yung hearing aid ay hindi sya nito narinig lalo na at parang bulong lang ito at nasa kanang parte sya nang lalake.
"Anong binabalak nya?" mahinang sabi ni Alona na nakatingin kay Keith bago sa mga zombie sa ibaba nila.
"Hindi ko alam" sabi ni Matt na tumingin kay Gino dahil baka ginagaya nito si Keith kaso nanatili lang itong mahigpit na nakakapit sa sangang inuupuan nya.
"Buti naman nakaya ako nang sanga" isip ni Keith nang makalipat sya sa bakod.
"Tapos ngayon ano nang gagawin mo" isip nito na tumingin sa ibaba.
"Isang mataas na bakod na sa isang side ay patay ka dahil sa zombie at ang isa ay malamang bale buto mo" isip nito bago tumayo.
"Crap!" sabi ni Keith na napalakas dahil muntikan na syang malaglag buti nalang napaupo sya.
"Ano na ngayon Keith" sabi nya dahil nakuha nya ang attensyon nang mga zombie na pilit na syang inaabot bago sya nakarinig nang isang ingay sa kabilang side.
"Keith?!" narinig nyang sabi nang isang boses sa labas nang bakod.
"Esther? Anong ginagawa mo dyan?" sabi ni Keith bago nakita ang hawak nitong baril.
"Ikaw yung nagpaputok?!" gulat na sabi ni Keith na hindi na hininaan ang boses dahil nakuha na naman nya yung atensyon nang mga zombie pero sinenyasan parin nya sila Matt na huwag maingay.
"Pumunta kasi sila General sa komunidad kaya kailangan nila nang diversion" sabi ni Esther na nakaharang ang kamay sa araw at hinintay munang muling tumingin sa kanya si Keith.
"Kaya mo pa bang magpaputok? Kaso medyo malayo-layo dito?" tanong ni Keith na hindi halos nabasa ang bibig ni Esther.
"Mukhang hindi nya maintindihan sinasabi ko" sabi ni Esther na tumango nalang bago tumingin si Keith sa loob.
"Mas malayo sa pinagputukan mo kanina Esther" sabi ni Keith na tumingin kay Esther na tumango bago tumakbo palayo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"May kausap sya sa labas" sabi ni Matt na nakatingin kay Keith na muntikan nang mahulog.
"Baka yung nagpaputok" sabi ni Alona bago sila may narinig na putok mas malayo sa pinanggalingan kanina.
"Nice" sabi ni Matt dahil nagsimula nang maglakad papunta sa pinanggalingan nang tunog ang zombie bago sila may narinig na isa pang putok nang baril.
"Sandali lang" sabi ni Matt na sinenyasan si Gino na huwag muna pababa bago tumingin kay Keith na bumabalik na sa puno.
"Pwede na siguro" sabi ni Alona dahil malayo na ang mga zombie sa punong kinalalagyan ni Gino na nagsimula nang bumaba pati si Keith bumababa narin bago muling nagpaputok yung nasa labas.
"Sino yung nasa labas?" tanong ni Matt na tumingin kay Keith pagkababa nito.
"Si Esther, hindi ko lang masyadong naintindihan ang dahilan" sabi ni Keith bago nila tinulungang bumaba si Alona.
"Tayo na" yaya ni Matt matapos muling buhatin si Alona at pinulot ni Keith ang palakol.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Buti naman hindi agad sila umalis" sabi ni Gen.Hill nang may marinig ulit itong putok matapos lumabas nang bahay.
"Pwede pa kong pumunta sa bahay nang mga Summers" sabi ni Gen.Hill bago tumakbo papunta sa isang bahay.
"Hinde Lina, bakit..." narinig nyang sabi ni Dan sa loob nang isang bahay nang mapadaan ito.
"Dan? Anong nangyari kay Lina?" malungkot na tanong nito nang makita ang asawa ni Lina na hindi na gumagalaw.
"Dan?!" sabi ni Gen.Hill nang makitang inaalis nang lalake ang patalim nya sa ulo ni Lina.
"Hindi nya kinaya General" sabi ni Dan bago nya nakita ang pulso ni Lina na puro dugo at ang kabilang kamay nito ay may hawak na swiss knife.
"Hindi ko inaasahang may isa pa syang patalim, dapat pala kinapkapan ko muna sya..." sabi ni Dan na ibinaba ang gamit dapat ni Lina.
"...dapat pala hindi ko nalang sya iniwan" dagdag nito.
"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo" sabi ni Gen.Hill na hinawakan sa balikat ang lalake.
"Tayo na, kumuha ka na nang mga gamit mo pagkalipas nang ilang minuto ay dadaanan na natin yung storage area bago bumalik sa treehouse"sabi ni Gen.Hill bago lumabas.
"Bawas nanaman kami nang isa" sabi nito na tumingin sa mga ulap bago dumiretso sa bahay nang mga Summers na sira ang pinto.
"Mukhang wala na nga talagang buhay dito" sabi nya na inihanda ang patalim baka sakaling nandun pa ang mga zombie nang mag-inang Summers kaso walang laman ang bahay kaya malaya syang nakapaglibot.
"Eto ata yung radyong ginagamit nya" sabi ni Gen.Hill na inilagay sa bag ang isang malaking parang walkie-talkie.
"Alam ko may hearing aid din yung matanda, baka sakaling nasa treehouse na si Keith" sabi nito bago muling nagkalkal sa mga gamit nang doctor.
"Bingo" masayang sabi ni Gen.Hill nang makita ang reserbang hearing aid nang doctor.
"Mukhang nasa lab lahat nang paperworks nya" sabi nito dahil wala syang makitang papel na may kinalaman sa lab.
"Nasa labas na kaya lahat" sabi ni Gen.Hill bago lumabas.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ayos mukhang matibay ang pagkakagawa" sabi ni Conrad pagkapasok sa treehouse.
"Mukha namang magkakasya tayong lahat kahit na may madagdag pa sa mga pumunta sa komunidad" sabi ni Mrs.Hill habang kanya-kanya nang pwesto yung iba.
"Mam, kayo po diba yung asawa ni Gen.Hill?" narinig nyang tanong sa may gilid nya.
"Ako nga, anong maitutulong ko sayo?" tanong ni Mrs.Hill na nag-squat sa harap ni Christian.
"Kasama po ba si tatay dun sa pumunta sa komunidad?" tanong nito.
"Pasensya na, hindi ko alam... pero ipagdasal nalang natin na kasama sya ha" sabi ni Mrs.Hill na tumayo at hinawakan sa ulo ang bata.
"Bantayan mo nang mabuti kapatid mo" sabi nito bago lumapit sa kinaroroonan ni Lora, si Ethan ay nakikipaglaro kay Danilo nang mga laruang kotse na dala ni Danilo.
"Sana nga po nandun yung tatay nung dalawa" sabi ni Laila na nakaupo malapit sa kanila.
"Mabait at matalinong bata yang si Christian at maaasahan na kahit sa murang edad" dagdag nito.
"Kumain na ba kayo?" tanong ni Mrs.Hill.
"Hindi pa po" sabi agad ni Danilo.
"May prutas dun tara" yaya ni Ethan na hinila si Danilo papunta sa baul.
"Kumain narin kayo" sabi ni Mrs.Hill sa mga bagong dating.
"Tara na Christian" yaya ni Maya sa bata na naupo malapit sa pinto.
"Una na po kayo, hihintayin ko po muna si tatay" sabi ni Christian kaso lumapit na si Danilo na may dalang dalawang mansanas na iniabot sa kanya yung isa.
"Sa tingin mo mommy isa nga kaya sa mga kasama ni daddy yung tatay nila?" tanong ni Lora na nakatingin sa magkapatid habang umuupo sa tabi nya si Ethan.
"Sana" sabi ni Mrs.Hill bago sila may narinig na umakyat.
"Matt... Alona buti at buhay ka" masayang sabi ni Mrs.Hill sa babaeng wala sa grupo nang mga sundalo kanina.
"Anong nangyari?" tanong nito dahil buhat sya ni Matt.
"Na dehydrate po" sabi ni Matt na inihiga ang babae sa gilid.
"Lt.Col. ipakain nyo to, wala kasi akong nakitang tubig kaya ito nalang" sabi ni Zach na may iniabot na orange kay Matt.
"Salamat" sabi ni Matt habang pumapasok sila Gino at Keith.
"Kuya" masayang sabi ni Danilo na sinalubong si Keith pati si Ethan.
"Buti naman nakalabas kayong magkapatid" masayang sabi ni Keith na nakatingin sa magkapatid.
"Ang nana..." hindi na tinapos ni Keith ang sasabihin dahil hindi nya nakita yung babae sa treehouse.
"Kayo nalang yung nakaligtas?" malungkot na sabi ni Keith na nakatingin sa mga tao sa loob.
"Parang kulang pa..." sabi nito.
"Dito lang kayo ha" sabi ni Keith sa mga bata bago lumabas.
"Teka lang Keith san ka pupunta?" sabi ni Matt na nagbabalat nang orange kaso derederetso itong bumaba.
"Wala pa kasi rito si nurse Cortez" sabi ni Laila na nakatingin sa pinto.
"Uy selos" mahinang sabi ni Ethan pagkabalik nito sa tabi nang kapatid.
"Che" sabi ni Lora na lumabas.
"San ka pupunta Lora?" tanong ni Mrs.Hill sa anak.
"Dito lang po sa may labas" sabi ni Lora.
"Kumain ka narin Sarge" sabi ni Maya na inabutan nang orange si Gino na umupo sa tabi nila Alona at Matt.
"Salamat po" sabi ni Gino na inabot ang orange.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Siguraduhin nyong naka-lock nang mabuti yan para hindi mapasok" sabi ni Gen.Hill kay Ren na binabalik yung lock nang storage area nang mga pagkain at tubig sa isla.
"Naka lock na General" sabi ni Ren.
"Tayo na" sabi ni Gen.Hill bago binuhat ang dalang bag na may mga gamit at pagkain bago sila naglakad.
"Teka lang" sabi ni Gen.Hill nang mapadaan sila sa post.
"Hintayin nyo nalang ako dito" sabi ni Gen.Hill na mabilis umakyat nang hagdan at sinarado ang pintuan nang tinutuluyan ni Keith nang masigurong walang zombie sa loob.
"Sayang kung mapupuno nang zombie, marami-rami pang sandata sa loob na pwede naming magamit sa sunod na balik" sabi nito bago natawa, dahil dati-rati ay medyo galit sya sa pinag-gagagawa ni Keith pero sa ngayon ay yung pang bagay na kinagalit nya ay yun pa ang nakakatulong sa kanila lalo na yung treehouse.
"Tayo na" sabi nito pagkababa nang hagdan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Keith!" gulat na sabi ni Esther nang masalubong nya yung lalake sa may hagdan.
"Susunduin sana kita kasi baka magantay ka pa dun" sabi ni Keith.
"At ba't naman ako maghihintay dun?" tanong ni Esther.
"Ah, ano kasi..." sabi ni Keith na walang maisip na sasabihin.
"Thank you nga pala" sabi nito na inabangan sa ibaba nang hagdan ang babae.
"Wala yun, sino pa ba magtutulungan ngayon kundi tayo-tayo" sabi ni Esther.
"Paano ka nga ba napunta dun?" tanong nito na tumingin sa lalake.
"Naglibot-libot kami nila Matt, Alona at Gino para tignan kung may mga tao sa gubat kaso nakulong kami nang nagpaputok ka" sabi ni Keith.
"Bakit ka nga ba nagpaputok?" tanong nito.
"Sa treehouse nalang, hindi ako kampante rito lalo na at yung pandi..." sabi ni Esther nang may mapansin ito sa kanang tenga ni Keith.
"Niloloko mo ba ko? May hearing aid ka na kaya" sabi ni Esther na naglakad na.
"Niloloko?" nagulat na sabi ni Keith na hinabol si Esther.
"Teka lang Esther" sabi ni Keith na hinabol ang babae habang inaalis ang hearing aid sa tenga.

("Hindi ko na alam kung may sinabi pa si Esther pero nagpatuloy sya sa paglalakad pabalik sa treehouse... pasensya na sir, hindi ko na dapat sinabi yun... hapon na nung nakabalik kami ni Esther sa treehouse at ilang sandali pa ay dumating narin sila Gen.Hill na may masamang balita dahil ang kakaramput na bilang namin ay nabawasan pa nang isa nang hindi kinayanan ni Captain Lina Salazar ang nangyari sa kanyang mag-ama")

Zombie IsleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon