Regroup

173 6 0
                                    

"General, salamat po at iniligtas nyo ako" sabi nang lalakeng naka-labcoat parin.
"Anong pangalan mo?" tanong ni Gen.Hill habang naglalakad sila pabalik sa komunidad.
"Conrad po sir" sagot nang taga-lab.
"Huwag ka munang magpasalamat Conrad dahil ikaw nalang ang natitirang buhay na taga-lab kaya obligado kang sagutin ang mga katanungan namin" sabi ni Gen.Hill.
"Pero General, hindi naman ako ganun kataas para malaman lahat nang bagay-bagay sa lab" sabi nang lalake na nagulat nang tumigil sa paglalakad si Gen.Hill.
"General" sabi nang mga sundalo kaso wala silang nagawa nang nilusob nito si Conrad at marahas na isinandal sa malapit na puno habang hawak ang manggas nang polo nito.
"Wala akong pakealam kung gaano ka kataas sa lab, basta sagutin mo ang mga tanong!" galit na sabi ni Gen.Hill na binitawan ang lalake na napa-upo sa takot at sakit nang katawan.
"Bakit ganoon kadami ang mga zombie sa lab?" tanong ni Gen.Hill na nakatayo sa harap nang lalake.
"Sa basement nilalagay ang mga zombie sir kapag inaalis sa zombie pool" sabi ni Conrad.
"Ibig mong sabihin wala kayong dinidispose na zombie?!" gulat na sabi ni Gen.Hill na lalong nagpanginig kay Conrad dahil sa takot.
"A...aaaa...yon po ka...ka..kasi ang gusto ni doc" sabi ni Conrad na napapikit nang biglang sinuntok ni Gen.Hill ang puno.
"Alam mo bang lahat nang military team ang pumunta para iligtas lang kayong mga taga-lab?!" nanggigigil sa galit na sabi ni Gen.Hill.
"Sinugal ko ang buhay nang mga tao ko dahil sa buong pagaakala kong konti lang ang zombie at positibo akong makakalabas pa kaming lahat kasama na ang buhay pa sa inyo!" dagdag nito.
"General, huminahon kayo... baka atakihin kayo" sabi ni Lina.
"Pero tignan mo kung ilan nalang kami ngayon!" sabi ni Gen.Hill na hindi pinansin ang babae.
"Sana hindi nalang namin tinangkang iligtas pa kayo dahil malamang may ginawa pa kayo kaya naging infected na ang lahat nang naninirahan dito" sabi ni Gen.Hill bago naglakad ulit.
"Infected... lahat?" hindi makapaniwalang sabi ni Conrad.
"Sa itsura mong yan mukhang hindi mo alam" sabi ni Dan bago marahang itinulak si Nick para maglakad na ito.
"Teka lang sir, pati ba ko infected na din? Isang lingo palang naman ako dito" sabi ni Nick.
"Gusto mo patayin kita nang malaman natin kung infected ka o hinde?" tanong ni Dan.
"Wala namang ganyanan sir, lalakad na naman ako" sabi ni Nick na naglakad na.
"Tayo na" sabi ni Lina na tinulungang tumayo si Conrad.
"Paano nyo nalamang infected na tayo?" tanong ni Conrad habang tumatayo.
"Namatay ang asawa ni Lt.Col.Santos at naging zombie ito at nabiktima si Dr.Lopez at ang lalaking nurse nang center" sabi ni Lina bago naglakad nang makatayo na si Conrad.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mukhang maswerte kami" isip ni Alona habang inaalis ang sai sa ulo nang isang zombie bago ito bumagsak.
"Malapit na kami pero wala kaming nakitang grupo nang zombie na lagpas sa tatlo sa iisang hallway" isip nito na tumingin kay Gino na inaalis ang patalim sa ulo nang nakahigang zombie.
"Pagliko namin dun ay makikita na namin ang pinto" isip nito na sinenyas kay Gino ang dadaanan nila bago sila nagpatuloy.
"Oh god" isip nito na biglang napatigil at nagtago dahil may halos dalawang dosenang zombie ang nagpapalakad-lakad sa daraanan nilang hallway.
"Kaya kaya namin yon" isip ni Alona na sumenyas kay Gino na huwag mag-ingay kaso nag-thumbs-up si Gino matapos tignan ang dadaanan nila.
"Sigurado ba tong isang to o nagtatapang-tapangan lang" isip ni Alona na nakatingin kay Gino habang nakataas ang kaliwang kilay bago sya sumenyas nang sandali lang.
"Kung pumasok nalang kaya kami sa mga kwarto at basagin ang salamin" isip ni Alona dahil wala nang ibang daan dahil nasa hallway na iyon ang nag-iisang daanan papunta sa commoners area nang lab kung nasaan ang pintuan palabas.
"Kaso alam kong matibay ang mga salamin dito at hindi basta-basta mababasag" isip ni Alona bago biglang kumilos si Gino papunta sa likod nya.
"Anong..." isip ni Alona na sinundan nang tingin si Gino na sinaksak sa ulo ang isang zombie na hindi nya namalayang nakalapit.
"No choice na" sabi ni Alona bago inatake ang isa pang palapit na zombie.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Malamang nasa ilalim na tayo nang komunidad" sabi ni Matt habang inaalis ang palakol sa napabagsak nyang zombie bago tumingin sa mga sementadong pader sa paligid.
"Nasha ila...lim tayo... nang... com..." hinihingal na sabi ni Ryan na hindi na nagawang tapusin ang sasabihin at napaupo.
"Sundalo ba talaga ang isang to?" isip ni Matt habang nakatingin sa kasama.
"Ang bar ay nasa bandang likuran nang komunidad kaya malapit-lapit narin tayo makalabas" sabi ni Matt.
"May daanan sa bar sir?" naguluhang sabi ni Ryan bago sila may narinig na palapit na mga ingay.
"Shit!" sabi ni Matt nang makita ang mga palapit na zombie na nagsilabasan sa pagitan nang mga concreto.
"Tayo na" sabi ni Matt bago ito tumakbo sa direksyon nang bar.
"Teka lang sir" sabi ni Ryan na nagmamadaling tumakbo at sumunod kay Matt.
"May butas nga" sabi ni Matt nang may makitang basag na concreto.
"Konting tiis na..." sabi ni Matt na tumingin sa likod na saktong nakita nyang nawalan nang balanse si Ryan.
"Sir tulong" sabi ni Ryan na idiniretso ang kanang braso at humihingi nang tulong, babalikan nya sana ito kaso nasa paanan na ni Ryan ang mga zombie.
"Patawad" sabi ni Matt bago tumakbo papunta sa butas habang sumisigaw si Ryan na kinakain na nang mga zombie.
"Konti nalang, sana buhay ka pa Keith" sabi ni Matt na tumulay sa mga nakabagsak na cabinet para hindi rin sya masugatan nang mga basag na bote.
"Shit!" sabi ni Matt nang may masalubong syang zombie na papasok sana sa pintuan sa taas nang hagdan nang palabas na sya, buti nalang at maayos pa reflex nya at natamaan nya ito nang palakol sa ulo.
"Mukhang narinig hangang dito ang parang babaeng sigaw nang isang yon" sabi ni Matt na napasandal sa pinto.
"Naloko na" sabi ni Matt na tumakbo sa malapit na bintana dahil papasok ang mga zombie sa bar.
"Sana nakaalis kayo Keith, sana umalis ka at hindi nagpakabayani" sabi nito na binuksan ang bintana at tumingin sa labas bago lumabas nang masigurong ligtas.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ma, san ka pupunta?" tanong ni Lora sa nanay na palabas nang tree house.
"Babalik sa komunidad baka bumalik na tatay mo dun at yung mga sundalo" sabi ni Mrs.Hill.
"Ma naman, puro zombie na dun" sabi ni Lora.
"Tama anak nyo mam, baka mapahamak lang kayo" sabi ni Esther na nasa tabi nang walang malay na si Keith.
"Ayos lang ako, kaya kong protektahan sarili ko" sabi ni Mrs.Hill na may hawak na isang itak na nakuha nya sa treehouse mismo.
"Sasama ko" sabi ni Lora na tumayo na.
"Hinde, dito ka lang bantayan mo kapatid mo" sabi ni Mrs.Hill bago lumabas at maingat na bumaba.
"Tama ba tong ginagawa ko" isip ni Mrs.Hill nang makababa sya.
"Hindi ito ang oras para maduwag kailangan kong makita si Allan dahil baka isipin nun nasa post parin kami at nakulong" isip ni Mrs.Hill bago tumakbo pabalik sa komunidad.
"Kaso san naman ako maghihintay" isip nito.
"Matagal-tagal rin ako naka-upo sa treehouse, pano kung nakabalik na pala sila kanina" isip nito na huminto pagkalipas nang ilang minutong pagtakbo upang habulin ang paghinga.
"Bahala na" sabi nya bago muling tumakbo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong?!" gulat na sabi ni Gen.Hill nang makitang puro zombie ang komunidad kahit na may kalayuan pa sila.
"Paanong nagkaroon nang zombie dyan?" tanong ni Nick na nagtago agad sa puno kasabay nang iba.
"Narinig ko kanina si Lt.Col.Reinhardt na sinabing nabasag nang isang cabinet sa bar ang dingdeng sa basement, naalala ko nga ring sinabi yun ni Ben matapos tayong may narinig na malakas na tunog kagabi" sabi ni Dan.
"At hindi mo sinabi agad?!" galit na sabi ni Gen.Hill na tumingin kay Dan.
"Nandun din kaya kayo kagabi General" sabi ni Dan.
"Baka marinig tayo General" sabi ni Conrad bago umalis sa pinagtataguan si Gen.Hill.
"Teka lang General, huwag nyo sabihing lulusob kayo dun? Hindi natin kakayanin yang ganyang kadami" sabi nang isang lalake.
"Tama si Leon sir" sabi ni Lina.
"Hindi nyo ko mapipigilan, babalikan ko ang mag-ina ko" sabi ni Gen.Hill.
"Teka lang General, kasama naman nila si major diba? Malamang nakaalis na sila bago pa makaabot sa post ang mga zombie" sabi ni Ren.
"Problema lang sa sinabi mo ay may sakit si major" sabi ni Kim.
"Isa pa ay nagkadeperensya rin ang pandinig nya kaya malaking posibilidad na nakulong sila" sabi ni Gen.Hill.
"Pupunta ako dun, sumama ang gustong samama at lumabas sa sementadong dingdeng ang mga ayaw" sabi ni Gen.Hill bago nagpatuloy sa paglalakad at iniwan ang mga sundalong nagkatinginan.
"All for one, one for all diba" sabi ni Dan sa mga kasama bago sila sumunod.
"Nababaliw na ba kayo? Mamamatay lang kayo dyan" sabi ni Conrad na hindi gumalaw sa kinatataguan pero nakasilip ito.
"Bahala na, mamamatay narin naman bakit hindi nalang ako tumulong at baka sakaling sa langit ako mapunta" narinig nyang sabi ni Nick sa katabing puno bago umalis sa pinagtataguan.
"Teka lang sir, alisin mo yung posas nang makatulong ako" sabi ni Nick na humabol kay Dan.
"Baliw na kayo" sabi ni Conrad na tumakbo papunta sa pampang.
"Teka lang taga-lab ka hindi ba?" narinig nyang sabi nang isang babae pagkalipas nang ilang segundong pagtakbo.
"Sino kayo?" tanong ni Conrad sa babaeng palapit at may hawak na itak.
"Ako si Anabelle Hill asawa nang General nang military team" pakilala nang babae.
"Kung hinahanap nyo ang asawa nyo, nandun sya sa may komunidad baka maabutan nyo pa sya at mapigilang tuluyang magpatiwakal" sabi ni Conrad.
"Salamat" sabi nang babaeng tumakbo papunta sa komunidad.
"Mga sira" sabi ni Conrad bago nagpatuloy sa pagtakbo papunta sa pampang.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Magaling naman pala ang isang ito eh, maliksing kumilos" isip ni Alona na nakatingin kay Gino na inaalis ang patalim sa ulo nang pinaka-huling zombie na bumagsak sa hallway.
"Tayo na" isip ni Alona na sinenyasan si Gino na lumapit na sa pinto bago nya binuksan ang pinto at lumabas na sila pareho bago nila muling sinarado ang pinto.
"Kala ko hindi na tayo makakalabas" sabi ni Gino na napaupo sa may upuan sa commoners area.
"Magpahinga muna tayo sandali rito tapos balik na tayo sa komunidad" sabi ni Alona na umupo sa katabing upuan.
"Gusto nyo mam?" tanong ni Gino na muling nilabas ang dalang tinapay at bote nang tubig.
"Ang tibay mo rin, makakakain ka pa pagkatapos nang nangyari" nakangiting sabi ni Alona.
"Wala po kasing agahan kanina, tinanghali nang gising" sabi ni Gino.
"Sige na ubusin mo na yan, sa bahay nalang ako kakain mamaya" sabi ni Alona bago kumain si Gino.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Alam ko may sinabi si Keith dati na meron syang ginawang treehouse malapit sa may hagdan papuntang pampang, kaso nasan?" sabi ni Matt na nakatingin sa taas nang mga puno kakagaling lang nya nang pampang upang duon linisin ang nakuha nyang hearing aid sa lab at para tignan narin kung meron dung nagpuntang tao kaso wala syang nakitang tao malapit sa hagdan.
"Gaano kaya kalaki yun? Malamang nandun narin sila Keith dahil nakabukas ang bahay nya nang madaanan ko kanina" sabi nito habang patuloy sa paglalakad.
"Taga-lab ba yun?" sabi nito nang may mapansing tumatakbo papunta sa direksyon nya.
"Sir" sabi ni Conrad na tumigil sa tapat ni Matt.
"Ikaw lang ba nakalabas? May ibang sundalo bang nakalabas?" tanong ni Matt.
"Konti lang sila sir, papunta sila ngayon sa komunidad dahil gusto ni Gen.Hill na masigurong wala na dun mag-anak nya.
"Anak nang... hindi nila kakayanin yun" sabi ni Matt.
"Ayun nga din sinabi ko sir kaso nagpumilit sya pero hindi na ko sumama" sabi ni Conrad.
"Salamat sa impormasyon" sabi ni Matt bago tumakbo.
"Mukhang pupunta rin sya sa komunidad, mga baliw" sabi ni Conrad bago nagpatuloy papuntang pampang.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong gagawin natin sir?" tanong ni Dan habang nakatago sila sa malapit na puno at nakatingin sa komunidad.
"Baka wala na pamilya nyo dun sir, nakabukas ang pintuan nang tinutuluyan ni Keith" sabi ni Lina habang nakatingin sa binoculars nya.
"Hindi lang naman pamilya ko ang gusto kong iligtas, kayo ba mga pamilya nyo ayaw nyong iligtas? O kung may iba pang buhay" sabi ni Gen.Hill na tumingin sa mga kasama.
"Wala akong kasama dito General" sabi ni Dan.
"Iniisip ko nalang General na nakalabas ang mag-ama ko nang maayos" sabi ni Lina bago sinenyasan ni Gen.Hill ang ibang kasama na lumapit para marinig ang plano nang may narinig silang padating.
"Teka lang" sabi ni Gen.Hill sa mga kasama nang may narinig itong palapit.
"Anabelle?" sabi ni Gen.Hill nang makilala ang asawa.
"Allan" masayang sabi ni Mrs.Hill na binitawan ang hawak na itak at niyakap ang asawa.
"Ang mga bata?" tanong ni Gen.Hill na tinignan ang asawa.
"Ayos lang sila diba?" tanong ni Gen.Hill.
"Ayos lang sila, nakaalis kami bago makaabot sa post ang mga zombie" sabi ni Mrs.Hill.
"Nasan sila?" tanong ni Gen.Hill na tumingin sa pinggalingan nang asawa.
"Nasa treehouse ni Keith, iniwan ko na sila dun kasama si Keith at Esther dahil nga hindi nyo alam kung nasan kami at baka pumasok ka dun" sabi ni Mrs.Hill na nakatingin sa komunidad sa di kalayuan.
"Malapit na nga po mam" sabi ni Dan.
"Kamusta na nga pala si Keith?" tanong ni Gen.Hill.
"Tumaas ang lagnat nya kanina dahil sinubukan pa nyang tumulong sa iba, kaso masyadong madami ang zombie kaya nag desisyon syang umalis na kami bago pa mahuli ang lahat" sabi ni Mrs.Hill.
"Lina, Kim... samahan na ninyo pabalik asawa ko sa treehouse, kaming mga lalake nalang ang papasok sa komunidad" sabi ni Gen.Hill na tumingin sa dalawang babaeng sundalo.
"Anong papasok?!" gulat na sabi ni Mrs.Hill.
"Sir, pasensya na po pero hindi ako sangayon hindi ninyo kakayaning pito ang mga zombie sa komunidad, isa pa gusto kong sumama para masigurong nakalabas nga ang mag-ama ko" sabi ni Lina.
"Oo nga sir, nakakahiya man kaso sangayon ako" sabi ni Nick na may hawak nang kutsilyong pinahiram sa kanya ni Dan.
"Mabuti pa bumalik muna tayong lahat sa treehouse at dun na magplano" sabi ni Mrs.Hill na hindi palagay ang loob sa kinalalagyan nila na ano mang sandali ay pwedeng may sumulpot na zombie sa kahit na anong direksyon.
"Kasya naman tayo dun dahil may kalakihan anv treehouse" dagdag nito.
"Sige" sabi ni Gen.Hill.
"Tayo na" yaya ni Mrs.Hill na tumalikod na para bumalik sa pinanggalingan nang may biglang sumulpot sa pagitan nang mga puno.
"Matt, buhay ka" masayang sabi ni Gen.Hill nang makita ang lalake.
"General" sabi ni Matt bago tumingin sa mga sundalong kasama ni Gen.Hill bago mabilis na nawala ang ngiti nya.
"Kayo lang ang ibang nakalabas sir?" tanong ni Matt pero nakatingin kila Lina at Ren na kasama sa grupo ni Alona.
"Sa treehouse na kayo mag-usap at hindi ligtas dito" singit ni Mrs.Hill bago naglakad.
"Tama si misis, Matt hindi ligtas dito" sabi ni Gen.Hill na hinawakan sa balikat si Matt nang dumaan sya.
"Hinay-hinay lang sir, baka makumpirma ang mga hinala nang iba lalo na at hindi namin kayo nakitang umiyak sa pagkamatay nang asawa nyo" sabi ni Dan nang madaanan si Matt na sadyang nagpahuli.
   "Anong sinabi mo?" sabi ni Matt na tinignan nang masama si Dan kaso hindi ito tumigil.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ate gutom na ko" sabi ni Ethan sa kapatid, silang dalawa ngayon ay nasa may terrace nang treehouse katabi si Esther.
"Ayos ka lang? Sa tingin mo may madadala akong pagkain sa kaguluhan kanina" sabi ni Lora na nakatingin sa direksyon nang komunidad.
"Tanghali na" sabi ni Ethan bago kumalam ang sikmura.
"Kayo ate may pagkain ba kayo dyan?" tanong ni Ethan na tumingin kay Esther.
"Wala rin, nawala sa isip kong ipasok yung mga pagkain sa mesa.
"Kumain na ba kayo? Tanghali na, merong mga prutas sa loob, nakita nyo na ba yun? Dito kasi ako minsan tumutuloy kaya merong nakaimbak na pagkain kaso pasensya na kung puro prutas" narinig nilang sabi ni Keith sa likod nila.
"Ba't tumayo ka na?" sabi ni Esther na nakatingin kay Keith na nasa may pinto.
"Ayos na ko, salamat sa pag-aalaga" sabi ni Keith na ngumiti.
"San nakalagay yung prutas kuya?" tanong ni Ethan na lumapit sa lalake.
"Dun sa baul sa gilid katabi nang mga palaso" sabi ni Keith.
"Pagkain pala laman nun, kala namin sandata parin" pang-aasar ni Esther na tumayo narin at sinundan si Ethan na binubuksan na ang baul.
"Ikaw Lora? Di ka pa ba nagugutom?" tanong ni Keith na tumingin sa babae.
"Mamaya na ko, hintayin ko lang sila mommy" sabi ni Lora na binalik ang tingin sa direksyon nang komunidad.
"Ano yun? Pwedeng pakiulit?" sabi ni Keith dahil hindi nya nabasa ang bibig ni Lora kaya hindi nya ito naintindihan.
"Nasan na nga pala si Mrs.Hill?" tanong nito na tumingin sa dalawang pareho nang kay hawak na prutas.
"Pumunta sya sa komunidad para antayin si daddy" sabi ni Ethan na pinupunasan ang mansanas.
"Hindi sya nagpapigil, hindi ko rin naman nasamahan dahil walang maiiwan sa inyong tatlo" sabi ni Esther na may hawak na orange.
"At anong ginagawa mo?" tanong ni Esther nang naglakad papunta sa dala nyang sandata kanina at dahil hindi ito nakatingin sa kanya ay hindi nito naintindihan ang sinabi nya.
"Ayos na ko Esther, pupuntahan ko lang si Mrs.Hill para pabalikin na dito at ako nang mag-aantay sa kanila" sabi ni Keith dahil humarang sa mga espada nya si Esther.
"At para ano? Para mabinat ka ulit?" sabi ni Esther.
"Upo" utos nito sa lalake na tumawa lang.
"Pasensya na Esther pero alam mong hindi mo ko mapipigilan" sabi ni Keith na kinuha nalang ang pana sa gilid at sabay lakad papunta sa pinto kung saan merong isang bungkos nang palaso.
"Teka lang Keith" sabi ni Esther na dahil sa gulat ay hindi agad nakahabol sa lalakeng mabilis na bumaba mapatapos isabit sa likod ang lalagyan nang mga palaso at sa balikat naman nya yung pana.
"Keith" sabi ni Esther na hindi makasigaw nang sumilip ito sa may hagdan kaso tumakbo na ito palayo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Eto na yung treehouse? Ang laki rin pala" sabi ni Gen.Hill na nakatingin sa bahay habang palapit sila dito.
"Si major lang ba talaga gumawa nyan?" bilib na sabi ni Leon.
"Kaya pala may mga binibili syang kahoy dati kahit na matagal nang tapos yung tinutuluyan nya sa post, para dito pala yun" sabi ni Gen.Hill.
"Mommy? Daddy?" narinig nilang sabi ni Lora mula sa taas.
"Hintayin mo na kaming umakyat dyan Lora, huwag ka nang bumaba dahil merong grupo nang zombie na malapit nang konti rito, kaya nga nagiba kami nang daan" sabi ni Gen.Hill na pinauna munang umakyat ang mga babae.
"Andyan na sila?" narinig nilang sabi ni Ethan bago sumulpot ang mukha nito at ni Esther sa tabi ni Lora.
"Nag-iba kayo nang daan? Edi ibig sabihin hindi nyo nakita si Keith?" sabi ni Esther na nakatingin mula sa taas.
"Anak nang..." sabi ni Matt bago tumakbo palayo.
"Teka lang Matt" sabi ni Gen.Hill kaso hindi sya nakasigaw dahil baka marinig nga nang mga zombie.
"Ako na pong susunod" sabi ni John bago ito umalis at sinundan si Matt.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Teka lang mam, parang may mali" sabi ni Gino na tumigil sa paglalakad sila ngayon ay nasa gubat nang isla at ngayon nga ay malapit na sa komunidad.
"Oo nga eh, parang sobrang daming tao naman ata" sabi ni Alona na tumigil rin sa paglalakad dahil madami itong nakitang palakad-lakad kaso masyado pa silang malayo para maaninagan nang mabuti, isama pa ang mga puno sa paligid.
"Pansinin nyo yung lakad mam" sabi ni Gino.
"Hindi ganyan ang lakad nang normal na tao" dagdag nito dahil mabagal ang mga lakad nang mga ito.
"Oh god" sabi ni Alona na napatakit nang bibig.
"Nabasag yung dingdeng sa basement nang bar dahil sa lindol" sabi ni Alona.
"Hindi ko ma..." sabi ni Gino.
"Tayo na umalis na tayo, hindi na tayo tutuloy bumalik" singit ni Alona bago sya may napansing papalapit sa kanila.
"Alona?" sabi ni Keith nang makalapit ito.
"Gino" dagdag nito nang makita ang lalakeng assistant ni Esther sa mga bata dahil ito na ang pinaka-bago.
"Buti ligtas kayo" masayang sabi nito.
"Nakita nyo na ba si Mrs.Hill? Kaya ba hindi nyo kasama si General ay dahil pabalik na sila sa treehouse? Asan na ang mga iba pang sundalo?" sunod-sunod na tanong ni Keith.
"Teka lang major, mahina ang kalaban" sabi ni Gino.
"Tayo na, huwag tayo dito mag-usap" hindi ako kampanteng mag-usap malapit sa komunidad, pwedeng-pwede tayong mapalibutan dito" sabi ni Alona na tumingin sa paligid.
"Anong sinabi mo Alona?" tanong ni Keith.
"May deperensya nga pala pandinig mo" sabi ni Alona na hinila sa braso si Keith na nagpatangay naman.
"Tayo na Gino" sabi ni Alona.
"Teka lang Alona, nangako akong pababalikin ko si Mrs.Hill at ako na mag-aantay kay General para sabihin ang tungkol sa treehouse" protesta ni Keith pero nagpapahila parin ito.
"Hindi dyan ang daan papunta sa treehouse, palayo tayo" sabi ni Keith na nagpabigat na kaya hindi na sya nagawang hilahin ni Alona.
"Dito tayo" sabi ni Keith na si Alona naman ang hinawakan at sya naman ang naglakad habang hilahila si Alona na sumunod naman at sa likuran nila ay si Gino.
"Keith" sabi ni Matt nang sumulpot ito sa pagitan nang mga puno.
"Alona?" masayang sabi ni Matt na lumapit sa babae at niyakap ito.
"Ehem" sabi ni Gino para makuha ang atensyon nang lahat.
"Mamaya na kayo mag loving-loving dahil kailangan na nating tumakbo at may kasunod tayo" sabi ni Gino sa tatlo na nakatingin sa likuran nila at may namamataan itong mga zombie.
"Tayo na sumunod lang kayo sakin" sabi ni Matt na tumingin kay Keith para mabasa nito ang labi nya bago sya tumingin kila Alona at Gino na pare-parehong tumango.
"Tayo na" dagdag nito bago sila tumakbo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Maganda ang pagkakagawa" sabi ni Gen.Hill pagkapasok nya sa treehouse na may kaluwagan naman at nasa gitna nito ang puno.
"Mabuti pa magpahinga muna kayo habang inaantay natin sila Matt" dagdag nito na tumingin sa mga sundalong nagkanya-kanyang pwesto na bago rin sya umupo sa tabi nang mag-ina nya.
"Ayos na ba si major?" tanong ni Dan na tinabihan si Esther sa sulok at katabi nang baul.
"Sabi nya ayos na sya, kaso kilala mo naman yun hindi mo mapipigilan" sabi ni Esther.
"Tama ka don" sabi ni Dan na sumilip sa baul.
"Sa dami natin malamang hangang mamayang gabi nalang ito" sabi ni Dan bago muling sinarado ang baul.
"Hindi ka kakain?" tanong ni Esther.
"Hindi pa naman ako nagugutom, isa pa hindi rin sigurado kung makakapasok nga kami sa komunidad para iligtas ang mga na-trap o maging kumuha narin siguro nang pagkain kaya kailangang tipirin" sabi ni Dan bago nya nakitang tumayo si Ren at lumabas.
"Iwan na muna kita" sabi ni Dan bago tumayo at sinundan si Ren.
"Kita ba rito yung nadaanan nating horde?" tanong ni Dan sa lalaki.
"Hindi ko alam, lumabas lang ako para magpahangin at para tignan narin kung saan tayo pwedeng kumuha nang tubig" sabi nito.
"Dati nagtataka ako kung bakit walang mga poso dito, ngayon alam ko na kung bakit" sabi ni Dan.
"Mukhang kailangan nga nating bumalik sa komunidad dahil dun lang tayo sa storage makakakuha nang pagkain at pati narin tubig" sabi ni Lina na nasa may pinto at narinig ang usapan nang dalawa.
"Ba't sa tono nang boses mo ngayon parang ayaw mong bumalik? Ayaw mo bang masigurong nakaalis ang mag-ama mo?" tanong ni Dan na nakatingin sa babae na tuluyan nang lumabas.
"Parang mas gusto ko nalang na isiping buhay sila at nasa isang parte nang isla, kaysa makita ko silang zombie dun sa komunidad, dahil baka hindi ko kayanin" sabi ni Lina.
"Huwag ka ngang nega, dapat positive ang isip mo para positive din ang mangyari" sabi ni Dan.
"Nagpapaka-practical lang ako, sa dami nating pumasok sa lab wala pang kalahati ang nakalabas nang buhay, mga sundalo pa tayo... eh sila pa kayang mga walang training o mga bata pa" sabi ni Lina na nagpipigil nang luha samantalang walang maisip na magandang sasabihin yung dalawang lalake dahil ayaw man nilang aminin ay tama ang sinabi nito.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Parang dumarami na ang mga nakakalat na zombie" sabi ni Keith matapos paliparin ang isang palaso na tumama sa ulo nang isang zombie sa harapan nila.
"Hindi kaya dahil sa mga taong nakakalat rin sa isla? Kailangang subukan nating maghanap baka sakaling..." sabi ni Gino matapos bumagsak ang isang zombie sa tapat nya pagkatanggal nya nang kutsilyo sa ulo nito.
"Pwedeng tama ka" sabi ni Alona na inilibot ang paningin upang tignan kung may palapit pang zombie.
"Anong sinabi nyo?" tanong ni Keith sa mga kasama.
"Keith" tawag ni Matt na nagpakuha sa atensyon nito kasunod nang pagbato nito nang isang bagay sa direksyon nya.
"Nakuha ko kay Dr.Summers, hindi ko alam kung tama lang yan para sayo pero pwede narin yan pansamantala para naman makarinig ka nang maayos" sabi ni Matt habang tinitignan ni Keith ang nasalo nyang hearing aid.
"Salamat" sabi ni Keith na sinubukang ilagay ang hearing aid, medyo maluwag pero hindi naman basta-basta malalaglag.
"Ano nang plano? Napalayo narin naman tayo sa treehouse?" tanong nito na pumikit upang masubukan ang hearing aid.
"Subukan natin yung sinabi ni Gino, maglibot-libot narin muna tayo at tignan kung may makikita tayong buhay" narinig nyang sabi ni Matt na medyo may kalakasan pero naintindihan nya.
"Tayo na" sabi ni Alona.
"Teka lang sandali" sabi ni Keith na mabilis na pinuntahan yung tinira nyang zombie at kinuha ang palaso sa ulo nito.

(Ayun na nga ang ginawa namin, hindi kami muna bumalik sa treehouse dahil hindin rin naman talaga kami makakabalik kaya sinubukan nalang namin na libutin ang parte nang isla kung saan kami naroroon.)

Zombie IsleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon