Infected

187 3 0
                                    

(Nahirapan kaming ihiwalay si Matt sa asawa nya upang malinis na ito at maayos para sa cremation dahil walang pwedeng ilibing sa isla. Kaso hindi namin inaasahan ang mga sumunod na nangyari.)

"Matt" sabi ni Keith na hindi alam ang sasabihin, sila ngayon ay nasa labas nang center upang makalanghap si Matt nang sariwang hangin at mailayo narin sa asawa para maayos at maisagawa nila Dr.Lopez ang cremation.
"Ayos lang ako Keith" sabi ni Matt na nakasalampak sa sahig at nakatungo upang hindi makita ni Keith na umiiyak sya bago sila may narinig na sigaw sa loob nang center.
"Esther?!" naalarmang sigaw ni Keith na tumakbo papasok nang makilala ang boses at sumunod si Matt na pinupunasan ang luha.
"Esther an..." hindi na natapos ni Keith ang sasabihin at natulala nang makita ang kasamang nurse ni Esther sa center na walang buhay habang kinakain nang isang babaeng zombie na tinatakpan nang buhok ang mukha ang leeg nang nurse at isa pang zombie na papalapit sa kanila.

(Nagulat ako, natulala at nagtaka kung paano nagkaroon nang zombie sa center o dahil yun sa takot na biglang tumalukbong sakin, naririnig ko si Esther nakaupo habang umaatras papalapit sakin at sinisigaw ang pangalan ko dahil malapit narin sakin ang isa sa mga zombie, pero nakatayo lang ako sa may pintuan nang center at nakatingin sa kulang-kulang na parte nang mukha nang papalapit na zombie dahil parang kilala ko sya, parang lagi ko syang nakikita bago ako nakarinig nang isang putok nang baril sa tapat nang kanang tenga ko at bumagsak ang zombie na sobrang lapit na sakin. Dahil sa ingay ay inangat nang babaeng zombie ang ulo nya at tumingin sa direksyon namin bago pumasok ang may hawak nang baril sa gilid ko at sinundan nang isa pang putok nang baril, parang kilala ko din ang babaeng zombie na yon kaso parang nablanko ang utak ko at hindi ko maalala kung saan ko sila nakita.)

"Keith, ano bang nangyari sayo" sabi ni Matt na binaril sa ulo ang nurse na kinakain ni Rachel kanina.
"Matt si..." sabi ni Keith na nakatingin kay Rachel na nasa paanan ni Matt.
"Hindi na sya ang asawa ko, patay na sya" sabi ni Matt na nakatingin kay Rachel na puro dugo ang bibig.
"Anong nangyari?" tanong ni Matt kay Esther dahil nanghina si Keith at napasandal sa salamin nang pinto at napa-upo matapos tumingin sa bangkay ni Dr.Lopez sa harap nya.
"May pinakuha sakin si doc sa labas, kaso hindi ko makita kaya natagalan ako at pinasunod ni doc si Lito kaso hindi pa nagtatagal ay may narinig kaming bumagsak, akala namin nahulog ni doc si Rachel habang inaalisan ito nang saplot para malinisan muna bago icremate kaya bumalik si Lito" sabi ni Esther sa pagitan nang pag-iyak.
"Nakita ko agad ang pinapahanap ni doc kaya nakasunod ako agad, kitang-kita ko nang salubungin ni Rachel si Lito na marahil ay dahil sa gulat kaya nawalan ito nang balanse at kinagat na sya ni Rachel sa leeg nang sumigaw na ko at nanghina bago ko napansin si doc na palabas din nang kwarto" dagdag nito.
"Sayo Keith?" tanong ni Matt.
"Ha?!" natauhang sabi ni Keith na inalis ang paningin sa bangkay nang doctor.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Matt na tumingin kay Keith.
"Hindi ko alam" sabi ni Keith na nakatingin kay Matt bago isinandal ang ulo sa pinto at pumikit dahil hindi nya alam kung makakayanan nyang tumayo habang may nararamdaman itong mainit na liquidong tumulo mula sa tenga nya.
"Honestly hindi ko alam kung bakit ako nanigas kanina at nanghihina ngayon" dagdag nito bago pinunasan ang dugo sa tenga habang lumalapit si Esther na dahan-dahang dumaan sa malapit na bangkay.
"Mainit ka" sabi ni Esther nang hinawakan sa noo si Keith.
"Mabuti pa dalhin ka muna namin sa tinutuluyan mo para makapag-pahinga, dun mo narin gamutin ang tenga nya Esther" sabi ni Matt na nilalagay na sa holster nya ang baril.

(Siguro dahil sa pagkabigla at sa dami nang pangyayari ay hindi na kinayanan nang katawan ko, nakakahiya mang aminin pero natakot ako lalo na nang muntikan narin akong maging zombie.)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tunog nang baril yun ah" sabi ni Gen.Hill na napabalikwas sa pagkakahiga bago sya may narinig na isa pang putok nang baril.
"San nang galing yun?" tanong ni Mrs.Hill nang makalapit ang asawa sa bintana bago ang isa pang putok.
"Sa center" sabi ni Gen.Hill bago kinuha ang baril sa mesa sa tabi nang kama at lumabas nang kwarto si Mrs.Hill naman ay sumunod.
"Dad, di ba putok nang baril yun?" tanong ni Lora na sumilip sa pinto.
"Dito lang kayo sa bahay" sabi ni Gen.Hill sa dalawang anak na parehong nakasilip sa pinto nang kwarto nila habang silang mag-asawa naman ay dumiretso sa hagdan.
"I-lock mo yung pinto pagkalabas ko" sabi nya sa asawa bago nya binukas ang pinto.
"Mag-ingat ka" sabi ni Mrs.Hill bago sinarado ang pinto.
"San daw nang galing yung putok?" tanong ni Lora na nasa hagdan.
"Hindi ko alam, bumalik ka na sa kwarto mo" pagsisinungaling ni Mrs.Hill.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"General" sabi ni Alona sa lalake nang saktong palabas sya nang dumaan si Gen.Hill, pati ang mga ibang tao ay nagsilabasan narin.
"Magsibalik kayo sa bahay nyo at i-lock nyo ang pinto" sabi ni Gen.Hill sa lahat bago tumingin kay Alona na tumango bago sila tumakbo papunta sa center.
"Matt?" sabi ni Alona nang makita si Matt na may inaalalayang lalake palabas nang center kasunod si Esther.
"General, Alona" sabi ni Matt.
"Si Keith ba yan?" tanong ni Alona nang tumingin sa kanya ang namumutlang lalakeng inaalalayan ni Matt at duguan ang kanang gilid nang mukha.
"Anong nangyari?" tanong ni Gen.Hill na lalapit sana upang tulungan si Matt.
"Si Keith ba yung nabaril? Bakit mo sya inilalabas?" sunud-sunod na tanong nito nang matigilan dahil napansin na nya ang duguang damit ni Matt.
"Ikaw ba yung bumaril kay Keith?" tanong nito.
"Hindi nabaril si Keith, nilalagnat sya at kailangang maihiga" sabi ni Matt.
"General" sabi ni Keith kaso mahina ito.
"Konting tiis nalang Keith, malapit lang naman ang post mo" sabi ni Matt na sya lang ang nakarinig.
"Nakalimutan kong patunugin yung bell kanina" sabi ni Keith bago tuluyang bumigay ang binti nya.
"Alam na naman nang lahat ang lindol kanina Keith, at isa pa hindi mo naman alam na lilindol" sabi ni Matt na pinipilit na kayanin ang buong bigat ni Keith.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari" dagdag nito.
"Ba't sa tinutuluyan pa nya eh nandi..." hindi na natapos ni Gen.Hill ang sasabihin nang makita ang loob nang center.
"Oh my..." sabi ni Alona na nagtakip nang bibig nang makita rin nito ang nangyari.
"Anong nangyari?" tanong ni Gen.Hill na tinulungan si Matt nang makita ang mukha ni Dr.Lopez na kulang-kulang.
"Mamaya ko na ipapaliwanag General, ang bigat ni Keith" sabi ni Matt.
"Sobrang init mo Keith" sabi ni Gen.Hill bago sila naglakad at naiwan si Alona na napa-upo at nakatingin sa mga bangkay at si Esther na lumapit rito.
"General" sabi ni Keith na pinipilit huwag mawalan nang malay.
"May mga zombie sa lab" sabi ni Keith na pinilit maglakad lalo na nang nasa hagdan sila.
"May zombie naman talaga sa lab" sabi ni Gen.Hill nang sinubukan ni Matt na buksan ang pinto kaso napangiwi ito nang malamang lock ang pinto.
"May mga nakapasok na zombie sa lab General" sabi ni Keith habang kinukuha ni Matt ang susi sa bulsa nya.
"Nagdedeliryo ka lang Keith, sandali nalang at makakapag-pahinga ka na" sabi ni Matt nang makita ang susi at binuksan ang pinto.
"May mga zom..." sabi ni Keith kaso lalo itong nanghina at bumigay na.
"Anak nang, ang bigat pala nya talaga" sabi ni Gen.Hill nang muntikan na silang bumagsak ni Matt.
"General" humahangos na sabi ni Esther habang inihihiga nila si Keith sa kama.
"Ngayon ko nalang naalala na may nakita kami ni Keith kaninang zombie sa lab" sabi ni Esther.
"Nurse Cortez, may sakit karin ba kaya nakalimutan mong may zombie talaga sa lab" sabi ni Gen.Hill.
"Alam ko yun General, kaso yung nakita namin sa telescope ay isang zombie na kinakain ang isang taong naka-labcoat" sabi ni Esther.
"Anong sinabi mo?!" gulat na sabi ni Alona na natigilan sa itaas nang hagdan.
"Kaya siguro sinabi ni Keith na nakalimutan nyang patunugin yung bell, malamang nataranta sya" sabi ni Matt na tumingin kay Keith.
"Ba't kalmado ka lang? Nakita kong isa sa mga... ay ang asawa ko" sabi ni Alona na nagpipigil nang luha.
"Sa tingin mo madali lang sakin ang lahat?!" sigaw ni Matt na tumingin kay Alona.
"Kung kaya kong pabalikin ang oras ay pababalikin ko sa oras na buhay ang mag-ina ko!" dagdag nito.
"Tama na, hindi ito ang oras para mag-away" sabi ni Gen.Hill.
"Tayo na sa baba at isipin ang mga dapat gawin, kung paano tutulungan ang mga nakaligtas sa lab na sana ay meron pa nga, at kung paano ito sasabihin sa lahat at kung anong gagawin sa mga bangkay sa center" sabi ni Gen.Hill.
"Ikwento mo kung anong nangyari" sabi nito na tumingin kay Matt.
"Nurse Cortez, ikaw nang bahala kay Keith" sabi nito na tumingin kay Esther.
"Yes General, kukuha lang ako nang gamot" sabi ni Esther na naglakad pababa kasunod ang tatlo.
"Dun na tayo sa bahay mag-usap pagkatapos kunin ni Nurse Cortez ang mga kailangan nya" sabi ni Gen.Hill kay Matt dahil ayaw nitong pumasok sa loob kaya si Alona nalang ang sumama kay Esther, napagkasunduan nila na mas makakabuting huwag muna galawin ang mga katawan para makita at matanggap nang lahat ang magiging explanation nila sa mga putok.
"Sana marami-raming nakaligtas sa lab" sabi ni Gen.Hill na tumingin sa lab bago lumabas si Esther na may bitbit na bag at kasunod si Alona.
"I-lock mo nalang muna ang center" sabi ni Gen.Hill bago ni lock ni Esther ang pintuan nang center.
"Kaya ko na General, mas mahalagang makapag usap-usap na kayo" sabi ni Esther.
"Sige, ipapaubaya ko na sayo si Keith" sabi ni Gen.Hill bago sila naglakad paalis.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong nangyari sayo, parang ngayon ka lang nagkasakit nang ganyan dito sa isla" sabi ni Esther na nakatingin kay Keith habang nag-iinit sya nang tubig, nalinisan narin nito ang tenga nang lalake.
"Baka dahil sa pagod at sa dami pa nang pangyayari o dahil sa sugat mo sa tenga" sabi ni Esther bago tumunog ang takore.
"Pero bakit nga kaya naging zombie sila Rachel" sabi nya habang sinasalin sa isang palanggana ang mainit na tubig na meron nang laman.
"Hindi kaya..." sabi ni Esther na tinignan kung tama na ang maligamgam na tubig.
"Hindi naman siguro" sabi ni Esther bago binuhat ang palanggana at inilapag sa isang mesa na kanina pa nya inilapit kay Keith.
"Kaya mo to Esther, isipin mo nalang na madaming maiingit sa gagawin mo" sabi nito na huminga nang malalim bago inalis ang kumot ni Keith at sinimulan nang alisin ang t-shirt nito para punasan.
"Ang bigat mo" reklamo ni Esther na hindi mabuhat si Keith para tuluyang maalis ang t-shirt.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Oh my god, paanong naging zombie si Rachel?" tanong ni Mrs.Hill matapos ilahad ni Matt ang pangyayari sa center at napagtanto rin nilang marahil kay Rachel nagsimula ang lahat sa center.
"Hindi ko alam, marahil ay naging airborne yung virus at dahil sa tagal namin rito sa isla ay naging infected narin kami, pwede ring sa tubig" sabi ni Matt.
"Either way automatic na magiging zombie ang lahat nang naninirahan na nang matagal sa isla kapag namatay sila" dagdag nito na nakatingin kay Alona na nakatulala kasabay nang isang singhap sa may taas nang hagdan.
"Lora? Di ba sabi ko dun lang kayo sa kwarto" sabi ni Gen.Hill pero si Ethan ang tumakbo pababa na kasunod si Lora na astang pipigilan ito.
"Kamusta si kuya Keith dad?" tanong ni Ethan.
"Mataas ang lagnat nya nang iwan namin, pero nandun si nurse Cortez para alagaan sya" sabi ni Gen.Hill.
"At saan ka pupunta?" tanong nito kay Lora na papunta sa pinto.
"Kay kuya Keith" sabi ni Lora.
"At ano namang magagawa mo dun, baka makagulo ka pa, dito ka lang" sabi ni Gen.Hill.
"Pero dad" protesta ni Lora.
"Akyat sa taas" mariing utos ni Gen.Hill sa dalawang anak na sumunod naman.
"Ako nang bahala sa kanila" sabi ni Mrs.Hill na sumunod sa mga bata paakyat.
"Ngayon pano naman natin ililigtas ang mga nasa lab?" tanong ni Gen.Hill sa dalawa.
"Malamang may mga hangover lahat pagkagising mamaya" sabi ni Alona.
"Ang kaisa-isang hindi halos uminom ayon bagsak sa lagnat" dagdag nito.
"Malamang hindi ito matatanggap nang mga magulang ni Lito dito at asawa ni Doc.Lopez" sabi ni Gen.Hill.
"Malamang pati lahat nang tao dito General, hindi matatanggap na infected na lahat nang nagtagal sa isla.
"Kung ako sa inyo tumawag na kayo sa maynila at bumalik na kayo don nang pamilya nyo bago kayo mainfect" sabi ni Matt.
"Mabuti pa nga" sabi ni Gen.Hill na kinuha ang cellphone.
"Walang signal" sabi ni Gen.Hill na ibinalik sa bulsa ang cellphone.
"Akala ko pa naman walang napinsala yung lindol" sabi ni Alona.
"Pero mukhang yung cellsite ang nasira" dagdag nito nang makitang wala din syang signal.
"Nalaman kaya sa maynila na lumindol rito?" sabi ni Gen.Hill.
"Magkakaroon malamang nang tsunami, dapat pala dun na tayo sa post ni Keith nag-meeting para makita" sabi ni Gen.Hill na halatang takot.
"Huwag kayong mag-alala sir, matitibay ang naglalakihang pader natin paikot sa isla, kung maging mas mataas dun ang tsunami ay may kalakihan naman ang isla at nasa bandang gitna tayo, problema lang parang hindi matibay ang rehas paikot sa lab kaya baka bumagsak ito" sabi ni Matt.
"Huminahon kayo sir, kung hindi man magpapadala rito ang maynila nang titingin sa kalagayan ay sigurado namang hindi pa kayo maiinfect sa loob lang nang isang lingo" sabi ni Alona.
"O pwedeng infected narin kami" sabi ni Gen.Hill na napaupo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Natapos din" sabi ni Esther na kinumutan na ulit si Keith matapos mapunasan at mapalitan nang t-shirt na puro dugo.
"Sumakit katawan ko sayo" sabi ni Esther na nag-inat habang nakatingin sa bintana.
"Ba't parang lumaki ang isla?" nagtatakang sabi nito na nakatingin sa pampang.
"Oh my god, magkakaroon nang tsunami" sabi ni Esther na agad tumakbo palabas at paakyat sa taas upang patunugin ang bell.
"Tama ba yung gagawin ko? Kapag pinatunog ko to makukuha nito yung atensyon nang mga zombie sa lab, kung hindi naman baka may mga malunod" sabi ni Esther na patutunugin nalang yung bell.
"Nakakulong naman sa lab yung mga zombie, isa pa magiging zombie ang mga malulunod" sabi nito na nakatingin sa papalapit na may kalakihang alon.
"Bahala na" sabi nito bago pinatunog ang bell.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sino nagpapatunog nang bell?!" gulat na sabi ni Matt na napatayo.
"Malamang si Esther" sabi ni Alona na sinagot nang boses ni Esther.
"Mga taga-isla maghanda kayo sa paparating na tsunami, manatili kayo sa second floor nang mga tinutuluyan nyo at magdasal na sana hindi umabot dito ang alon" narinig nilang sabi ni Esther.
"Tayo na sa second floor" sabi ni Gen.Hill sa dalawa bago sila nagpunta nang hagdan.
"Dad, may tsunami daw" sabi ni Lora na nasalubong nila pababa nang hagdan.
"Kaya nga paakyat kami" sabi ni Gen.Hill sa anak at asawa na nasa may hagdan.
"Balik sa taas" dagdag nito bago sila umakyat lahat.
"Papasok General" paalam ni Matt bago ito pumasok sa pinakamalapit na kwarto at dumiretso ito sa bintana.
"Baka malaglag ka Matt" sabi ni Mrs.Hill.
"Kaya po nya yan mam, tambayan nyan yung bubong nang bahay nila o minsan dun kami sa post ni Keith" sabi ni Alona na hindi napansing tinignan sya ni Lora.
"Aba, huwag mong sabihing may gusto rin tong blondie na to kay Keith" isip ni Lora na nakatingin kay Alona.
"Hindi ganon kalaki yung alon" narinig nilang sabi ni Matt sa bubongan.
"Kaso mukhang..." hindi na natapos ni Matt ang sasabihin dahil may narinig silang bumagsak.
"Matt ano yun? Nasira ba yung sementong haligi nang isla?" tanong ni Cor.Hill bago bumaba si Matt.
"Hindi General yung sementong bakod, kundi yung bakal na bakod nang lab" sabi ni Matt.
"Kailangan na nga talaga nating pumunta nang lab, medyo maliwanag narin naman tayo na at kailangan na nating ipaalam ito sa lahat" sabi ni Gen.Hill.
"Sama kami dad" sabi ni Lora.
"Mas mabuti pa nga sumama na kayong tatlo para dun nalang malapit sa center magtipon-tipon ang lahat.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sana nga hindi umabot dito" sabi ni Esther habang bumababa.
"Safe naman siguro dito dahil mas mataas pa nga ito sa second floor nang mga bahay dito" sabi ni Esther na pumasok sa tinutuluyan ni Keith.
"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni Esther nang makitang bumabangon ito.
"Dyan ka lang dahil hindi pa bumababa ang lagnat mo" sabi ni Esther na agad lumapit at pinigilan si Keith.
"Sinong nagpalit nang damit ko?" tanong ni Keith na nakatingin kay Esther na may kinukuha sa bag.
"Huwag kang mag-alala, wala yong malisya, trabaho lang... tsaka t-shirt lang naman pinalitan ko noh kaya wala akong nakita" sabi ni Esther na naghantay nang sasabihin ni Keith kaso wala.
"Mukhang masama nga talaga ang pakiramdam nya dahil kung hinde sa malamang ay may sinabi pa sya" isip ni Esther na nakita na ang gamot sa lagnat.
"Mabuti at gising ka dahil di ka pa umiinom nang gamot" sabi ni Esther na naglakad palapit kay Keith bago sila may narinig na bumagsak.
"Ano yung tunog na yon?" tanong ni Keith na pinilit nang bumangon.
"Inumin mo muna to, hindi naman ganon kalaki yung alon kaya mukhang hindi yun aabot dito" sabi ni Esther na ibinigay kay Keith ang gamot bago sya kumuha nang tubig.
"Nasan sila Matt? Kailangan nilang malaman yung nangyari" sabi ni Keith na hawak ang gamot.
"Alam na nila, at anong gusto mong gawin? Pumunta sa lab eh ni hindi ka nga halos makabangon" sabi ni Esther na medyo kinabahan dahil alam nyang yung bakuran nang lab ang narinig nilang bumagsak.
"Kaya ko na" sabi ni Keith na isinubo yung gamot na sinundan nya nang tubig bago tumayo kaso bumagsak sya patalikod sa kama.
"Ayan kasi ang tigas nang ulo" sabi ni Esther dahil nauntog si Kieth sa dingdeng.
"Buti nalang kahoy yan at hindi yung bakal" sabi ni Esther habang tinutulungan si Keith na umayos nang higa.
"Pwede bang makinig ka sakin, magpahinga ka muna at ipaubaya kila General ang lahat" sabi ni Esther habang inaayos ang kumot.
"Salamat" sabi ni Keith na nakapikit.
"Ayos lang yon, ito naman talaga trabaho ko dito sa isla" sabi ni Esther habang naglalakad papunta sa bintana.

Zombie IsleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon