("Dahil isla ang lugar at tanging yung treehouse lang ang tinuturing naming ligtas na lugar ay dun kami namalagi, kaso nga lang hindi ko ito nilagyan nang banyo kaya mapipilitang bumaba ang sinuman upang sa tabi-tabi gawin ang dapat nilang gawin")
"Magkaaway ba kayo ni nurse Cortez?" tanong ni Gino sa katabi dahil kanina pa walang imikan ang dalawa.
"Ha? May sinabi ka ba?" tanong ni Keith na tumingin kay Gino at inalis ang paningin kay Esther na katabi ang magkapatid na sila Christian at Danilo na kanina pa umiiyak mula jung malamang wala na rin ang kanilang tatay.
"LQ?" tanong ni Gino bago napangiti si Keith.
"Paano magiging LQ eh hindi naman kami" sabi ni Keith.
"Paano magiging kayo kung hindi mo nililigawan" sabi ni Gino.
"Hindi ko alam kung paano eh... baka masira din pagkakaibigan namin" sabi ni Keith.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Patay na ba talaga tatay nung dalawa? Baka naman nakulong lang din sa lab at makakalabas din katulad nila Alona" sabi ni Mrs.Hill sa katabing asawa habang nakatingin sa magkapatid.
"Wala na sya" sabi ni Gen.Hill bago bumalik sa alaala nya ang sigaw nang tatay nang magkapatid nang iniwan nya ito sa kwarto at kinakain nang zombie.
"Dad ano to?" tanong ni Ethan na naghahalungkat nang dalang bag nang tatay nya at may inilabas na kahon.
"Oo nga pala" sabi ni Gen.Hill na tumayo.
"Hearing aid yan, nakuha ko sa bahay nang mga Summers" dagdag nito bago kinuha ang kahon at naglakad palapit kila Keith at Gino na seryosong nag-uusap.
"General" sabi ni Gino nang marinig nitong palapit ang lalake.
"Nakita ko sa bahay nang mga Summers, tutal wala na naman sila, ikaw na gumamit" sabi ni Gen.Hill na iniabot kay Keith ang kahon.
"Salamat sir" nakangiting sabi ni Keith bago bumalik si Gen.Hill sa kinauupuan nya kanina kaya napansin nyang nakatingin sa direksyon nila si Esther kaya nginitian rin nya ito kaso inirapan lang sya nito.
"Ang taray" natatawang sabi ni Gino na nakita ang ginawa nang nurse.
"Ayos yan at may reserba ka" sabi ni Matt na malapit lang sa kanila at katabi si Alona na nagpapahinga.
"May sinabi ka Matt?" sabi ni Keith na tumingin sa direksyon nang lalake.
"Wala na yun sir, kanina pa daw sira" sabi ni Gino dahil naitanong narin nya yung hearing aid dahil kanina pa sila nag-uusap.
"San mo ba kasi nakuha yun?" tanong ni Esther na lumapit at nakipagpalit kay Laila.
"Kay Dr.Summers" sabi ni Matt.
"Grabe ka Matt, kinuha mo sa zombie ni Dr.Summers?" sabi ni Alona na gising narin pala at nakikinig.
"Galing sa zombie yun?!" gulat na sabi ni Keith na laking tuwa at kanina pa nya yun tinapon.
"Hinugasan ko naman sa dagat" sabi ni Matt.
"Kaya siguro nasira" sabi ni Esther na tinabihan si Keith.
"Uy bati na sila" panunukso ni Gino.
"Hindi dapat binabasa yung hearing aid" sabi ni Esther na hindi pinansin si Gino.
"Ganun ba? Pasensya na hindi ko alam, buti nalang pala may nakita si General" sabi ni Matt na napakamot nang ulo.
"Akin na, ako na mag-lalagay" alok ni Esther na kinuha na ang kahon.
"Salamat" nakangiting sabi ni Keith.
"Tama na muna ang usapan at pagabi na, baka marinig tayo" sabi ni Gen.Hill dahil rinig sa buong treehouse ang ano mang usapan kahit na may kalakihan din ito.
"Kumain narin tayo dahil delikadong magsindi nang gasera o kandila, baka makita naman nila" dagdag nito.
"Parang preso naman" reklamo ni Conrad.
"Mas gusto ko na yun kaysa ma-trap tayong lahat dito" sabi ni Nick.
"Ayun pa nga pala, tutal madami namang kalalakihan dito, magpalitan tayo nang pagbabantay sa labas, yung hindi maaabutan ngayon ay bukas" sabi ni Gen.Hill.
"At hiwalay ang tulugan nang mga babae at bata sa matatandang lalake" dagdag nito.("Sinunod namin ang mga sinabi ni Gen.Hill, kumain kami nang maaga para hindi na namin kailanganing gumamit nang ilaw kapag tuluyan nang lumubog ang araw, pumwesto narin ang mga kababaihan sa bandang likuran para hindi narin maistorbo ang mga ito kapag nagpalit na nang bantay, ako narin yung nagkusang maunang magbantay kung may palapit na madaming zombie, kung meron ay kailangang bumaba nang bantay at lumabas nang bakod para kunin ang atensyon nang mga ito, alam narin ito kahit nang mga kababaihan o bata para hindi sila magulat kung sakali, kaso meron kaming hindi inaasahang naganap nang gabing yon habang himbing na himbing ang iba")
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Boss, sigurado ba kayo rito? Baka mauubos nanaman tayo" sabi nang isang lalake habang palapit ang bangka nila sa isla.
"Hindi yan, kakatapos palang nang lindol kaya malamang hindi pa nakakabawi ang mga yan" sabi nang lalakeng tinawag na boss nung isa.
"Isa pa, dati ay nagsisimula nang magbaril yung tarantado nilang sniper kapag ganito na tayo kalapit sa isla, hindi ko nga alam kung paano nya tayo natatamaan mula sa kinalalagyan nya, kahit mataas yun ay malayo parin yun" sabi nang Boss.
"Eh boss, sundalo edi malamang bago ang mga equipment" sabi nang lalake kanina.
"Gunggong ka talaga, gobyerno ang nagbibigay nang mga sandata nila kaya malamang lumang modelo ang gamit nun" sabi nang boss bago sumayad sa buhangin yung kinalalagyan nilang bangka.
"Mukhang makaka-jackpot tayo" sabi nang boss na abot tenga ang ngiti habang sinesenyasan ang mga kasamang "pirata" na lumusob na.
Halos sabay-sabay nilang inihagis ang mga tali nilang may mga matutulis na hook palagpas sa sementadong dingdeng at umakyat matapos nitong kumapit sa may kagaspangang dingdeng nang masigurong kaya na nito ang bigat nila.
"Maghiwalay tayo, yung iba dun sa mga bahay, yung kalahati sumunod sakin" sabi nang boss pagkababa nito.
"May nakita akong malaking bahay dun" dagdag nito na iniisip kung anong klaseng kayamanan ang meron sa mala-palasyong bahay sa kalakihan kahit na dalawang floor lang ito ay malaki na yun para sa kanila.
"Ang baho naman dito" sabi nang boss na nawala ang ngiti at nagtakip nang ilong.
"Amoy..." sabi nya.
"Boss..." narinig nyang singit nang isa nyang kasama bago...
"Aaaaaaaahhhhhhh!" sigaw nang isa pa nyang kasama bago sunod-sunod na kumalat ang sigaw nang mga kasama nya.
"Anong klaseng tao ang meron dito..." sabi nang boss na ngayon lang nakatawid sa bakod habang nakatingin sa mga parang tao na kinakain ang mga kasama nya.
"Mga aswang!" sigaw nang isa na tatakbo sana kaso nasalubong sya nang ibang zombie.
"Huwag kayong lalapit, joke lang naman yung sinabi kong mabaho... kahit pati yung aswang... pakawalan mo lang ako" sabi nang boss habang palapit sakanya ang mga naaagnas na mga nilalang.
"Hindi ko sasabihin ang tungkol sa inyo pakawalan nyo lang ako" sabi nang lalake na kinakapa ang lubid sa likod nya.
"Gusto nyo magdala pa ko nang madaming tao kapalit ko" sabi nito na aakyat na sana nang lubid kaso nakalapit na ang mga zombie at sinunggaban na sya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong?!" gulat na sabi ni Keith na biglang napabangon, kaka-higa palang nya matapos syang palitan ni Matt pagkalipas nang isang oras dahil baka mabinat sya.
"San nanggaling yun?" tanong ni Gen.Hill na napabangon rin kasunod ang iba.
"Sa labas Sir, parang malapit sa bakod" sabi ni Matt na hawak na ang palakol nya habang rinig na rinig nila yung sigawan.
"Akala ko ba wala nang ibang tao sa labas?" tanong ni Mrs.Hill matapos ilibot ang paningin at makitang kumpleto sila dun.
"Hindi kaya..." sabi ni Keith na tinignan ang orasan.
"Hindi kaya ano Keith?" tanong ni Gen.Hill
"Hindi pwede, baka mali ako, masyado pang maaga para pumunta ang mga pirata" sabi ni Keith dahil alas-dyes palang nang gabi.
"Pero sila nalang ang pwedeng nasa gubat ngayon" sabi ni Matt na lumabas ulit.
"Sandali lang Matt" sabi ni Keith na tumayo sabay kuha sa dalawa nyang espada.
"At san kayo pupunta?" tanong ni Gen.Hill na napabangon rin.
"Pupuntahan yung mga sumigaw" sabi ni Matt.
"At sa tingin nyo may magagawa pa kayo? Malamang..." sabi ni Gen.Hill na hindi na itinuloy.
"Kung sabagay sir, pwedeng tama kayo" sabi ni Matt na ibinaba na ang palakol.
"Pero pano kung may buhay pa?" tanong ni Keith.
"Pano kung wala? Ilalagay nyo lang ang buhay nyo sa panganib, ayoko nang maulit yung nangyari sa lab" sabi ni Gen.Hill bago narin ibinaba ni Keith ang espada nya dahil naikwento na sa kanila ang mga nangyari sa lab.
"San ka nanaman pupunta?" tanong ni Gen.Hill dahil hindi tuluyang ibinaba ni Keith ang espada.
"Sa labas nang bakod sir, kung mga pirata nga yun may mga bangka dapat sa labas" sabi ni Keith.
"Bahala ka na nga" sabi ni Gen.Hill na sumuko na dahil alam nyang hindi nya mapipigilan si Keith oras na desidido na ito sa gagawin.
"Samahan na kita" sabi ni Matt.
"Huwag na, ligtas naman sa labas nang bakod" sabi ni Keith na bumaba na pagkatapos mailagay sa likod ang espada.
BINABASA MO ANG
Zombie Isle
Storie breviAng Pilipinas ay isang Archipelago at madaming islang hindi regular na tinitirhan nang tao. Isa rito ay ginawang experimental island para sa isang immortal soldiers kung ito ay makokontrol lang nila. Ikaw? Titira ka ba sa isang islang puno nang Zomb...