IV

1 1 0
                                    

Grade six ako noong unang beses 'kong makita si Silas sa TV. Dalawang taon na kaming magkaibigan noon at opisyal na rin siyang kilala ni Papa dahil inimbitahan 'ko siya rito noong birthday ni Riley last year. Pero nauna siyang nakilala ni Nanay dahil inaya 'ko siya maglaro ng pogs sa amin. Gulat pa nga sila may kaibigan daw akong foreigner.

Kumakain ako ng meryenda habang nag-aabang matapos ang patalastas para mapanood yung paborito kong palabas. Tandang tanda 'ko 'yun kasi unang beses lumabas sa ilong 'ko 'yung iniinom 'kong juice. Nakasuot siya ng baby blue stripes na polo, at khaki pants, tapos may suspender at may maliit na sumbrero pa. Sumasayaw siya kasabay nung matanda habang malaki ang ngiti. Tumigil sa pagsayaw 'yung matanda, at humawak sa balakang nito, tsaka umentrada 'ang kilalang brand ng gatas para sa buto.

Kinabukasan nang magkita kami, tinanong 'ko agad siya kung bakit siya nasa TV, at sinagot lang niya 'ko na turuan 'ko raw siya magkara-krus. Pero dahil sa kakulitan 'ko, sinabi rin niya na bata pa lang siya ay naiimbitahan na para sa mga casting sa modeling, hanggang sa commercials at shortfilms. Pero dahil nag-aaral siya, paminsan-minsan lang niya ginagawa 'yon. Nagagalit daw kasi ang Lola niya.

Pero ang batang ako 'yung hindi makapaniwalang may kaibigan akong nasa TV! Kaya lagi't lagi 'ko na siyang kinukulit. Silas may look aloof but he loves compliments, and I noticed that at an early age, encouraging him to tell me stories of his audition and shoots. His words would sometimes get jumbled because of his excitement but we would either ignore it or laugh it off. He genuinely looks happy with the limelight, that my young self craves for that same fiery passion too. Pero plus minus pa lang problema 'ko noon, hindi tulad ni Silas na parang mulat sa laki ng mundo.

We're in our 8th grade when Silas said that his cousin enrolled him at an acting class. His happiness is infectious. I do not understand that it also means that he'll have less time to meet me. Dalawang buwan nang halos hindi pagkikita ay sumulpot ang bulto niya sa hamba ng pinto namin.

"Hoy!" He said while grinning cheekily, holding a paper bag in his right hand. Sumilip din ang driver niyang si Kuya Joel at nginitan ako. Abala ako sa paggawa ng assignment sa salas ng hapong iyon, ako lang ang naiwan sa bahay dahil nasa pwesto si Nanay, si Papa ay naghatid naman ng mga order na palay sa kabilang bayan, habang si Riley ay nasa kaibigan niya.

My lips parted seeing how he's taller than the last time I saw him. Tuluyan siyang pumasok at tinanggal ang brown na sapatos, "Nagpumilit pumunta rito kahit na kagagaling lang niyan sa workshop." ani Kuya Joel, habang dire-diretso naman si Silas at niyakap ako. "Psalm Irish!" mas malalim na ang boses niya kumpara dati at ang manipis na brasong madalas kong natatalo sa ketchup, eh may laman na rin.

"Iwan 'ko muna rito, Irish ha? Balikan 'ko mga hapunan. Mauuna na 'ko, Sir Theo." Sabi ni Kuya Joel at nginitan kami, hindi na rin nag-abala pang sumagot si Silas at bumitaw sa 'kin para kalkalin ang dala niyang paper bag. Umiling si Kuya Joel kaya tinanguan 'ko at kumaway. Tsaka siya umalis.

"Marami akong pasalubong sa 'yo, dali tignan mo Psalm!" He excitedly said and handed me a plain denim baseball cap. Tinignan 'ko ito at ang pulang etiketa sa loob nito ay 'Levi's' ang nakasulat. "Bumili ako ng dalawa niyan para parehas tayong dalawa. Tapos ito," Iniabot niya sa 'kin 'yung isang supot at pagtingin 'ko ay ang daming imported na chocolates!

Akala 'ko ba nagworkshop 'to, bakit para siyang balikbayan? I stared at him quite long.

Silas looks foreign with his casual white loose button down shirt, paired by denim pants. His curly hair is usually unruly, and matched with his usual grin on his face. Ganito naman kalimitang suot ni Silas kada magkikita kami na galing siya sa kung saan, hindi 'ko nga lang alam bakit parang mas nag-mature siya sa paningin 'ko. Iba talaga ang nagagawa ng hangin sa Maynila. Kinunotan nya 'ko ng noo nang makita ang paninitig 'ko. Umiwas ako ng tingin at sinilip ang supot.

Psalm's LawWhere stories live. Discover now