XI

2 0 0
                                    


"Salamat Emi. Akala 'ko kung kanino na 'ko magpapatubos eh." Ani 'ko matapos niyang magbayad doon sa babae sa labas. Tahimik na nakasunod lang sa amin si Alden, at hindi 'ko na rin siya nilingon. Nasa likod 'ko siya habang nasa kanan 'ko naman si Emi.

Emi's long brown hair accentuated by natural big curls at the end, swayed when she looked in my direction. Ngumiti siya, "Okay lang, ano ka ba! Buti nga nagtext 'yang si Alden eh. Nagulat pa 'ko noong malaman na kasama ka rin niya. Wala si Theo?"

Umiling ako, "May ganap sa buhay. Kaya loner muna ako ngayon." Biro 'ko. She chortled, and locked her arms to mine.

"Eh 'di samahan mo na lang kami nila Ella mamaya!" Banggit niya sa kaibigan, "Magchicheck lang kami ni Alden mamaya ng mga summative tests natin, tapos pwede na sumibat maggala! Tulungan niya na lang tayo mag-check 'no,'Den?" Nilingon niya si Alden pagtapos.

"...Kung okay lang sa kaniya."

I felt Alden's stare at my back but I did not spare him a glance and only smiled at Emi. "Sige, para malaman 'ko na agad scores 'ko."

Tumango si Emi at nagkwento na ng kung anong magagandang booth ang gusto niyang puntahan mamaya. Maglalunch daw muna kami bago pumunta sa faculty para kunin ang test papers, tsaka dumiretso sa kahit anong bakanteng classroom, para mamalagi.

If it were me, I'd rather not spend time with Alden right now. I don't know what I should say or act if it's just the two of us. Buti na lang kasama si Emi. Not only, I feel uncomfortable with Alden's questions earlier, I also do not want to get confronted the second time around. Kahit na pakiramdam ko'y hindi niya na 'yun uulitin, mas gusto 'ko pa ring iwasan muna siya.

Dire-diretso kami sa paglabas ng gate dahil nagkasundo kaming kakain sa may tapsilogan sa labas. Nang makita ang hilera ng mga karenderia ay nakaramdam ako ng gutom. Kinakailangan pa naming tumawid upang mapuntahan 'yung tapsilogan. Hawak pa rin ni Emi ang braso 'ko sa kanan, habang tumabi na sa kaliwa 'ko si Alden. Tumawid kami at naramdaman 'ko ang pagdikit ng braso ni Alden sa akin. Hindi ako umiwas pero hindi rin naman ako nagsalita.

Pagdating sa tapat ng kainan, ay maraming mga taong lumalabas kaya tumabi muna kami bago pumasok. Halos puro lalaki ito na mabagal din ang pag-usad dahil puro tawanan at biruan habang naglalakad. Napansin 'ko ang paggalaw ni Emi at nakitang may ilang nakakabangga sa kaniya dahil siya ang nasa bungad. Hindi rin naman ako maka-usod dahil may mga tao sa likod 'kong nag-iintay ring makapasok. Hinatak 'ko siya para makapagpalit kami ng pwesto, 'di hamak naman kasing mas matangkad ako sa kaniya at hindi basta-basta magigitgit. Ngunit bago pa man ako mapunta sa harap ay nauna na si Alden para harangan kaming dalawa.

I blinked with his sudden action, and almost held my breath when I noticed his nape right in front of my eyes. Ngayo'y ako na ang nasa likod niya, at nasa kaliwa 'ko naman si Emi.

"I'm sorry. Mas okay na ako na 'yung nandito..." Sabi niya and I just mum in agreement. Emi smiled and teased him for being chivalrous. We stayed like that for a minute and my eyes kept moving back and forth to his haircut, nape, ears and his broad back. Nang humupa ang tao ay dire-diretso na ang pasok namin sa loob. Nauna si Alden na agad umupo sa plastik na mesang may apat na monobloc. Sumunod si Emi sa tabi niya at ako naman ay sa harap niya. Nilibot 'ko ang paningin sa loob at nakitang marami pang tao roon malapit sa cashier kung saan magpiplace ng order.

"Ako na oorder, ano in--"

"Uy! Sila Monter!" Emi's loud voice made Alden stop abruptly as she pointed in the same direction I'm looking earlier. It's some boys from our class who also noticed Emi's call, and have their heads snapped at us.

Mukhang nagbayad lang sila at papalabas na dahil sukbit na sa balikat ang mga bag. Lumapit sila sa pwesto namin at bumati. They greeted and conversed with us. Inaasar nila si Emi habang kung ano-anong kalokohan naman ang tinatanong kay Alden tulad ng bakit daw iba na naman kasama nitong babae. Umiling na lang ako at natawa sa narinig.

Psalm's LawWhere stories live. Discover now