V

2 1 0
                                    


Iniabot niya sa 'kin 'yung kahati ng ice-pop, kinuha 'ko ito at tinuloy ang pagtitipa sa cellphone. Nag-uutos si Nanay na sunduin si Riley sa kalaro nitong isang kanto ang layo samin. Alas-sais na at wala pa raw sa bahay. Pumalatak ako, kalbo na naman ang patilya noon kay Nanay mamaya.

"Bakit?" Sabi ni Silas habang inuubos ang ice-pop, tumutulo sa labi niya ang berdeng tubig nito tsaka pumatak sa puting uniporme. Ngumiwi ako, sinundan naman niya ang tingin 'ko, at ngumisi bago ito dinampian ng towel na kanina'y nasa balikat.

"Si Riley kasi," umiwas ako ng tingin, inilagay ang cellphone sa bulsa, at sinipsip ang icepop. "Pinasusundo ni Nanay, nawili na naman makipaglaro." Malumanay akong naglakad habang tinitignan ang papadilim ng kalangitan.

Tumango siya, "Bale, daan tayo roon?"

Tinaasan 'ko siya ng kilay, "Hindi ka didiretso uwi?" Umiling siya at sinabayan ang bagal ng paglalakad 'ko, marahang sinisipa sipa 'yung bato sa daan.

"Makikikain muna ako." He said before he smiled cheekily. Hindi na 'ko nagsalita at naging abala na lang sa pag-ubos ng ice pop. Nagpatuloy ang katahimikan samin hanggang sa matanaw 'ko 'yong kanto malapit sa bahay ng kalaro ni Riley. Malayo-layo pa pero dahil hindi pa naman kagabihan ay aninag ang poste roon.

"Will you tell me if I'll ask what you're talking about with Alden?" His voice sounded like a whisper that I have to look at him to make sure that he's speaking. Nahuli 'ko siyang nakatingin sa 'kin bago umiwas ng tingin at ipinagpatuloy ang pagsipa sa bato.

"Paano kung hindi?" I dared, and he gasped a little, pouted his lips then sighed. Lumabas ang dalawang biloy niya sa naging reaksyon at muntik na 'kong matawa.

"Then I won't ask about it. It's between you two, and I understand that it's not my place to pry." He almost sounded heartbroken, that I was about to joke about it but stopped myself when his brows furrowed. Ganiyan siya pag naiinis pero alam niyang wala sa lugar 'yung reaksyon niya.

I also sighed then stared at his shoes angrily kicking the poor stone. Malaki pa 'to kanina eh, parang nabarag na. "Tinanong lang niya anong strand kukunin natin sa senior high."

Agad niya 'kong nilingon and his eyes urges me to talk more, I shook my head before speaking, "Parehas pala kaming ABM din ang kukunin."

Panandaliang nanlaki ang mata niya bago siya umubo at sineryoso uli ang mukha, "Hindi ba 'yun mag-STEM? Magaling 'siya sa Science ah.. Tss."

"Hindi raw, gusto raw niya maging accountant." sabi 'ko. Tinignan 'ko siyang nakangunot na ang noo parang sinasamaan 'yung poste na papalapit samin. "Alden excels in everything so I guess he can pull it off."

Umirap siya sa kawalan at bumuntong hininga. Tumigil siya sa paglalakad, ilang metro na lang ang layo namin sa pulang gate noong kalaro ni Riley. Tumigil din ako at inintay siyang magsalita. Tinitigan niya 'ko, bago kumapit sa strap ng bag niya.

"Mag-ABM na lang din kaya ako?" My eyes widened. I know he's not that dumb and he may be said that in a spurr of a moment, but I can't help myself but to slap his arm! "Aray! Bigat talaga ng kamay nito eh!" He jokingly said while stroking his arm with a grin on his face.

"Ikaw! Walang ginagawang masama sa 'yo 'yung tao ha. Your hostility earlier is very unbecoming. Tapos ngayon kung ano-ano naiisip mo." I spat with slight annoyance. Silas can be very possessive and he may be impulsive most of the time, but he should understand that he's not in any position to keep me guarded.

Ngumuso siya at nagpatuloy sa paglalakad. He looks like a lost puppy with his shoulder slumped down, and head hanging low. Buntong hininga akong sumunod sa kaniya, "Silas." I called, but he just continued walking.

Psalm's LawDonde viven las historias. Descúbrelo ahora