Tatlong araw ang itatagal ng intramurals. Unang araw para sa academic and sports competitions. Dalawa lang naman ang sports competition, pero sa susunod na araw na ang volleyball kasabay ng opisyal na pagbubukas ng mga booths. Sa huling araw naman ay awarding ceremony. Ang inaabangan ng lahat ay ang booths dahil involve ang ilang tertiary, lalo na 'yung graduating sa business department, na requirement ang pagbebenta sa intrams.
Mabilis lang natapos ang opening ceremony at nagtanguan na lang kami ni Silas dahil pupunta na 'ko sa venue ng preliminaries, habang diretso naman siya sa court para magpraktis. Basketball ang highlight ng unang araw na magsisimula mamayang hapon kasabay rin nito ang cheerleading, kaya paniguradong aabutin talaga ng gabi. Buti na lang nagpaalam ako kay Nanay na baka gabihin ako ngayong araw.
Abala ang lahat sa kaniya-kaniyang agenda, may ilan na hindi sumali sa kahit anong contest ang naghahanda naman ng banner para sa game mamaya. Umakyat ako sa 2nd floor ng building na sinabi sa amin. Alas-nuebe ang simula, pero may registration pa kaya mas magandang maaga at mapayapa rin ang pag-iisip 'ko. Nahihirapan kasi ako magconcentrate pag hindi ako nanahimik bago magsimula.
Pagdating sa designated room ay may mga nakaupong guro na sa labas, sinabi 'ko ang apelyido 'ko na agad naman nilang nahanap at sinabihan akong pumirma. Pagkatapos ay inabutan ako ng numerong nakasulat sa ginupit na bilog, at pardible.
Pagpasok sa loob ay nakita 'kong may iilan ng tao roon. Ang iba ay tinanguan 'ko dahil kilala 'ko silang galing ibang section, ang iba naman ay dilaw at pula ang ID lace, tanda na lower years sila.
Umupo ako sa armchair na may numerong '10' tulad ng akin. Sinabit 'ko ang knapsack at kinuha sa loob nito ang cellphone. May isang text doon galing kay Nanay at apat kay Silas. Una 'kong binuksan ang kay Nanay.
Nanay:
Huminga ka lang ng malalim bago magsimula, at 'wag magpapanic.Kayang 'kaya mo 'yan, nak. Mag-ingat mamaya pag-uwi ha? Sabay ba uli kayo ni Theo?
Ako:
Salamat po. Sana manalo, hehe. Baka po 'Nay. Intayin 'ko rin po kasi matapos 'yung laro niya.
Silas:
Dito na 'ko sa court.
Silas:
Daming tao, shy aq >_<
Silas:
Damot mo naman sa reply miss ._.
Silas:
Psalm Irish.
Ako:
Sabi na nga ba ikaw nagturo kay Papa mag XD eh.
Magpraktis ka diyan, puro ka text, Silas Theodore.
Silas:
Yown, nagreply na si lodzz,,
Simula na kayo?
Ako:
Fifteen minutes pa raw, pero marami-rami na kami rito eh.
Silas:
I hope I can send you a GIF of a baby doing a fighting fist.
For now, suffice yourself with my emoticon: (ง'̀-'́)ง
Umiling ako sa kabaliwan niya, at nagtipa ng huling mensahe.
Ako:
Salamat. Mamaya na lang ha.
Silas:
Cheer for me?
Ako:
Always. Good luck to us, Silas! :)
YOU ARE READING
Psalm's Law
General FictionPara kay Irish ang pagkakaroon ng simpleng buhay ay ang biyayang tatanggapin niya ng buong puso. Bata pa lamang siya ay kinagigiliwan niya na ang tanawin ng kanilang bukirin at ang payapang pamumuhay sa probinsya. And as she grow older, she understa...