Kabanata 2

12 2 0
                                    




Kabanata 2


Paninitig


Mabilis ang panyayari dahil natagpuan ko nalang ang sarili na nasa loob ulit ng guidance office. Nakakatawang isipin na kagagaling ko lang rito mga ilang minuto at ngayon nandito na naman ako but this time, nadamay lang ako.

Nakakainis din. Bakit? Kasi parang ako ang sinisisi ni Sir Ocampo-N NI SATANAS sa nangyaring kaguluhan kanina sa grade 12 senior building. Sa isang estudyante na palaging nagkakarecord sa guidance malamang ako talaga ang unang tatanungin niyan.

Lima kaming lahat na nasa loob ng G.O. Ako, yung dalawang babaeng senior na masama pa rin ang tingin sa isa't-isa, si Sir Ocampo sa kanyang usual seat, at si Ryane na nasa gilid ko lang nakatayo.

Hindi sana siya masasali kaso nagpumilit siyang sumama sa akin. Aniya daw na magsisilbi siyang witness sa pangyayari. Ano 'to, court? Pero tama na rin siguro iyon para malinis ko rin ang pangalan ko. LOL

Magkatapat na nakaupo ang dalawang babaeng senior habang ako ay nakatabi sa maikling buhok na babaeng senior. Tapos si Ryane nasa gilid ko. Nasa mga kandungan ko naman ang mga papeles na halos parang ilo na dahil sa dumi.

"Ayon sa usap-usapan, dalawang babaeng seniors which is kayong dalawa... Irizari at Fontillejos, ay nagsasabunutan sa isa't-isa due for some reason. I wanted to know kung bakit kayo naghihilaan ng mga kaanitan niyo dahil talagang umiinit ang ulo ko sa kaguluhang ito." Demonyong ngumiti si Sir Ocampo sa bandang gitna at hulihang parte ng sinabi niya. Akala mo ngumingiti pero yun pala nagagalit na.

Nanatili ang mga tingin ni Sir Ocampo sa dalawang seniors at ipinagpasalamat ko iyon dahil hindi dumapo kailanman ang paningin niya sa akin kanina nang makapasok kaming mga pinapunta rito sa guidance office.


Wala ni isang nagsalita sa kanilang dalawa.


"Walang magsasalita kung bakit? HMM? Irizari?" Tinignan niya yung mahabang buhok na babae, yung may ngalan na Zaine.


"Fontillejos."


Nag-angat ng tingin yung maikling buhok na babae na tinawag ni Sir Ocampo sa apelyidong Fontillejos, at walang pag-alinlangan itong nagsalita.


"Sir, nagpa-practice lang kami para sa defend namin. And then nagulat nalang ako nang bigla niya akong sinigawan na nilalandi ko raw yung lalaki niya kahit na ang totoo ay nag-pa-practice lang kami sa pagde-defend..."


"Kung nagpa-practice lang kayo bakit ka tawag nang tawag sa kanya? Alam mo nanga't may ginagawa din kami at palagi mo siyang dinidistract kaya hayan tuloy di rin kami makapag-defend nang maayos dahil tawag ka nang tawag sa kanya!"


"Dude, malamang, nasa kanya yung flash drive ko at kailangan ng grupo namin. Anong gusto mong gawin ko ipaubaya sa inyo ang flash drive ko? Hello, that's mine."


"Kahit na! Nagpa-practice rin kami kaya dapat maghintay-"


"Engot ka ba? Maghihintay pa ba ako kung kinakailangan talaga ng grupo ko? Am I the one to adjust when the flash drive's mine? Ano kayo sinuswerte? Tandaan mo, uunahin ko ang grupo ko kesa sa ibang grupo."

Drops of my MemoriesWhere stories live. Discover now