Kabanata 3
Nakasalamin
Kinabukasan, parang ayaw ko nalang pumasok sa klase at magpanggap na may sakit o anong pwedeng i-excuse na pakiramdan. But knowing Sir Ocampo-N NI SATANAS, advance 'yon mag-isip, eh, at paniguradong pag nalaman niyang umabsent ako dahil NAGKASAKIT ay lalo niya lang dadagdagan ang mga gawain ko which is mababanas na naman ako pag ganoon.
Kaya naman wala akong ganang naghanda sa sarili para sa pagpasok. Nag-isip pa ako kung mag-co-complete uniform ba ako. Oo, may kumpletong uniporme ako na madalang ko lang sinusuot or to be specific kung needed lang talagang suotin sa school. Mas prefer kong mag jeans at tee shirt lang na white o di kaya'y kung naubusan ng puti ay wala akong choice kundi mag suot ng colored shirts, katulad kahapon na naka brown akong shirt.
Pinili ko ulit na magsuot ng jeans (na hindi tattered) at plain white shirt. Paglabas ko pa sa kwarto ay nakahanda na ang almusal sa hapagkainan. Normal lang ang naging kilos ko sa paghahanda, sa pagkain, at kahit na sa paglakad para pumasok na sa klase ay naging normal. Na para bang walang flag ceremony na magaganap, na para bang walang lilinisin na oval, at para bang alas sais pa ng umaga kahit na ang totoo ay lagpas alas siete na.
Nasa harap na ako ng CNHS nang makitang nagsibalikan na ang mga estudyante sa kanya-kanyang classroom. Ipinagkibit balikat ko lamang iyon dahil sanay naman na ako. Sanay malate. At iiral na naman ang mala-ninja moves ko para maiwasang mahuli ni Sir Ocampo-N NI SATANAS.
Nasa gate na ako at nakita ko ang iilan sa mga estudyante ay bumalik sa paglilinis ng area nila. Ako naman ay lumilinga kung saan upang masiguradong bantay sarado ko si Sir Ocampo na baka makita niya akong late. Alam kong kailangan kong linisin ang oval sa umaga pero wala na siyang magagawa dahil class hours na ngayon. *Evil laugh
Naging matagumpay ang pagtatago ko kay Sir Ocampo. Nakarating ako sa classroom na walang nakakitang kampon ni Satanas, kaya naman laki ang aking ngisi at taas noo pa akong pumasok sa classroom at binati ang mga kaklase kong umagang-umaga ay nagtotong-its na.
"Mooooorning, goooyys..." Parang sigang pagbati ko sa mga ito.
Nakipag-bungguan ako ng braso kay Manuel na as usual, suot niya ang hiphop niyang sombrero.
"Aga na'tin, ah? Parang walang lilinisin?" Nudyo niya nang nakangisi.
Inilapat ko naman ang hintuturo ko sa aking labi. "Shhh. Wag ka lang mag-ingay."
Napailing nalang siya sa akin at ako naman ay lumapit na sa upuan ko kung saan nasa pinakadulo malapit sa bintana. Habang hindi pa nag-t-time ay nakisali ako sa nilalarong Uno nila Vincent. Iba yung naglalaro ng tong-its dahil sila Kevin at ibang kaklase ko iyon. Hindi naman ako marunong kung pano kaya dito ako sa Uno. Naging bibo ang laro hanggang sa mag-ring ang bell at pumasok na ang lecturer namin sa first period which is Science Physics kung saan si Ma'am Mendes ang guro namin.
Nasa mid-forties na ang guro at healthy pa rin kung tignan. Naka-ash brown dye ang boycut nitong buhok at chubby ang kanyang pangangatawan. Hindi ito kataasan at nasa mga 4'9 or 5 lang ang height.
"Okay, class, take your seat." Sabi ni Ma'am matapos naming magpray at batiin siya ng good morning.

YOU ARE READING
Drops of my Memories
RomansaKilala si Sam sa kanyang pinapasukang eskwelahan bilang isang matigas na estudyante kaya napapaguidance ito nang dis oras. Nakilala niya naman ang isang lalaki na mismong nagpabuhol-buhol sa kanyang isipan. Isang pangyayari naman ang naganap dahilan...