Kabanata 4

13 2 0
                                    




Kabanata 4


Don't Like It


"Ang tatlong laws of motion ni Isaac Newton ay nagpapakita kung pano umiiba ang galaw ng isang bagay. It describes the relation between acceleration of an object and the forces acting on it."

Kanina pa satsat nang satsat ang katapat ko habang ako naman ay pinipilit ang sarili na ituon ang atensiyon sa... uh... kay Kuya Deus. Seryoso nga talaga si Sir Ocampo about sa TUTORING. Ni hindi niya nabanggit iyon sa akin dahil ang tanging sinabi niya lang ay SPEND THREE HOURS IN THE LIBRARY. Hindi niya sinabing I'LL LET SOMEONE TUTOR YOU IN YOUR SCIENCE PHYSICS. Wala siyang sinabing ganoon! At isa pa, alam kong matalino ang isa'ng 'to, pero marami naman sigurong matatalino dito sa CNHS na bukod sa kanya-sa kaharap ko, na pwedeng tumuro sakin? Katulad nalang ni Ryane.

Ilang oras na kami rito sa library at palihim naman akong napapatingin sa wall clock na nakasabit sa mataas na bahagi nitong library na siguradong makikita ng lahat.


Four... uh... fifty-three-4:53!


"Third law of motion states that in every action of an object, there's an equal and opposite reaction-nakikinig ka ba?"


Daglian kong ibinaling ang mga mata ko sa kanya nang mahuli akong napako ang tingin sa orasan.

Bahagyang nakataas ang isa niyang kilay at pailalim niya akong tinignan sa ilalim ng kanyang salamin. Para niya pa akong inuungkat dahil sa mga malalalim niyang mga mata.


Napalunok ako at ngumiti nang bahagya. "O-oo naman," sagot ko sabay tango.


Napahinga siya nang malalim at marahan. Gumalaw ang kanyang mga balikat sa ginawa niya. Bumaba ang tingin niya mula sakin at sinundan ko iyon at napagtanto na dumapo iyon sa Science book ko na nasa unang pahina pa rin samantalang yung kanya ay parang nangalahati na.


Napalunok ulit ako at nakaramdam ng kaba at hiya. Tangeks!


"Kung gusto mo nang umuwi, sabihin mo lang hahayaan kita. Pero hindi ko na problema iyon pag makakapiso ka na naman ni Sir Ocampo." Sabi niya sabay dapo ng tingin sakin at pabalik sa kanyang textbook.


Napakagat ako ng dila at nahiya sa kanyang sinabi. Alam ko na dapat wala akong ikahiya pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin maiwasan na mainis. Mainis na naman sa kanya. Ewan ko pero naiinis talaga ako. Naiinis ako dahil pinaparamdam niya ang kahihiyan sakin. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o talagang guilty lang ako dahil hindi ako nakikinig sa kanya the whole hours na nagTUTOR siya kamo. Pero du-ugh kahit na nahahati ang atensiyon ko sa pagtuturo niya at sa orasan, ay nakikinig pa rin ako sa kanya, ano!

Nanigas ang aking mga kamay sa panggigil pero hindi ko pinakita dahil baka mahalata ng isa'ng 'to.


Para ka'ring Sir Ocampo, huh? Ocampo the second, pakshet ka!


Kaya nagpatuloy siya sa pagtuturo sa mga nalalabing minutos hanggang sa naubos na ang tatlong oras. Alas singko na! Yes!

Drops of my MemoriesWhere stories live. Discover now