Simula

20 2 0
                                        


Simula

I can feel it. I can imagine it. I can foresee air blowing me up into the air, dragging me into the sky. It's almost heavenly, cloud 9, like I am floating into an abyss of ecstasy. And all I could do is close my eyes and feel it.

Bawat hininga ay dahan-dahan. Bawat kalaskas ng mga dahon mula sa matatayog na puno ay malinaw sa pandinig. Bawat dampi ng sinag ng araw sa aking balat ay ramdam. At ang bawat memorya habang ang mga mata ay nakapikit, ay paulit-ulit na inaalala, tila ba ay ayaw kalimutan, ayaw bitawan.

Because I am afraid of what might happen if I let go every drop of my memories...

"Ano ba, Sam? Kausapin mo naman ako, oh?"

Patuloy ako sa paglalakad, hindi pinapansin ang lalaking sunod nang sunod sa akin.

"Sam, ano ba? Nung nakaraang araw ka lang, a? Para na akong multo rito oh, di mo pinapansin kasi parang di mo ako naririnig, ni nakikita man lang!" Patuloy ni Deus sa aking likuran.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Walang emosyon akong deretso ang tingin sa dinadaanan. Nasa gilid ng tulay kami naglalakad pauwi at marami na ring sasakyan ang napapadaan sa tulay. Kanina pa yung dismissal pero medyo na-gabihan ang uwi ko dahil sa mga school works na inaatupag ko na bigay ng guidance counselor sa akin.

Nanatiling nakasunod si Deus sakin at habang sumusunod siya ay pinipilit niya akong magsalita pero ayaw ko. Kaya nang nakalagpas na kami sa tulay ng Looc ay bigla niyang hinigit ang braso ko at hinila niya ako sa tabi.

"Ano ba?!" Nagpumiglas ako sa higpit pero marahang hawak niya sa braso ko pero hindi pa rin siya natinag.

"Bitawan mo ako, Deus! Mag-ga-gabi na, papagalitan na ako!" Sabi ko sa kay Deus na patuloy sa paghihigit sa akin papalapit sa dalampasigan.

Lumulubog na ang araw at maganda pa iyon tignan dahil makapal ang pagka-kahel ng araw na rumereplekta sa kalangitan, animo'y kinukulayan ang mapuputing ulap at hinahaluan ng kahel ang bughaw na langit. Pero hindi ko magawang ma-appreciate iyon dahil sa sitwasyon ko ngayon. Muntikan pa akong madapa nang makatapak ako ng maling bato kung hindi niya lang ako naalalayan nang maayos.

Naiiyak na ako nang tumigil na siya sa pagkakaladkad niya sa akin at pinaharap niya ako sa kanya. Siya na nakaharap sa papalubog na araw at ako na nakatalikod nito.

"Ngayon, sagutin mo ako. Ano ba ang problema mo? Ba't ba parang di mo na ako pinapansin? Dinaig mo pa ang Antarctica sa pagka-cold mo." Panimula niya na bahagyang nakakunot ang noo at salubong ang kilay.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nakipag-titigan talaga siya sa akin kaya ako na nag-iwas.

"Uuwi na ako." Ani ko sa malamig na tono.

"What?!"

Hahakbang na sana ako nang pinigilan niya ako sa kanyang pagharang. Tiningala ko siya dahil hanggang braso lang naman ako, at masama na ang tingin niya sa akin.

"Sabi nang uuwi na ako, eh! Hindi mo ba ako naririnig?!"

"You're not going home not until you tell me your problem!"

"Wala ka nang pakialam doon-"

"I have because I am your fucking boyfriend! At ako yung di mo pinapansin nang ilang araw at alam mo bang nababagabag na ako dahil doon? Tell me, have I done something wrong?" Sigaw niya nung una pero naging marahan ang kanyang tono sa bandang gitna at hulihan.

Mariin ang pagkakatitig niya sa akin na para bang naghahanap talaga siya ng sagot mula sa aking mga mata. Puno ng pagtataka ang mga ito na animo'y parang gustong maliwanagan.

Drops of my MemoriesWhere stories live. Discover now