Kabanata 10
Gusto Kita
Pagkatapos lumabas ni Kuya Deus sa kusina at iwanan ako ng mga salitang siya lang ang nakakaintindi, ay lumabas na rin ako mga ilang segundo ang nakalipas. Hindi ko na pa inisip ang mga salitang binitawan niya dahil mag-o-overthink lang ako.
Nagkatinginan pa kami nung papalapit ako kay Ryane pero siya itong unang nag-iwas at hindi lang basta iwas dahil may kasama itong irap. Problema niya sakin? Kahapon lang ay parang good mood siya tas ngayon, parang may galit na naman sakin. Hindi ko talaga siya maiintindihan kahit kailan. But despite of it, ito pa rin ako at tinotolerate ang pagkakagusto ko sa kanya.
I looked at him again. This time, he was busy with the band along with her sister.
Pinagmasdan ko ang mukha niya, ang gwapo niyang mukha. Siguro nga dahil sa appearance niya lang kaya ako nagkakagusto sa kanya like who would not like him? He had the looks that just by a glance, any girl can be smitten. Ang lakas ng dating ng kanyang karisma kaya sinong hindi magkakagusto sa kanya. Not to mention... his built.
Pero pag ugali ang pag-uusapan, nakakalito. He's too complicated like a puzzle, like as if I am guessing some riddles. Hindi ko alam kung maiintindihan ko ba siya. I hate him at first dahil nga sa pinakita niyang ugali sakin pero simula nung binigyan pansin ko ang anyo niya ay bigla nalang nag-iba ang persepsyon ko sa kanya. So, I am now nearly convincing myself that I only like him just because of his handsomeness.
Lunch came at sa bahay nina Lume lang kaming lahat pinakain. Plano ko sanang umuwi pero I'm sure na wala pa sila ni Mama dahil nasabi niya rin na baka sa hapon pa sila makakauwi.
Naging maingay at alive ang tanghalian dahil sa mga kaibigan ni Ate Paypay. Mas maingay yung batid kong drummer ng banda. Seven, I think? Tapos partner niya iyung bokalista sa kaingayan na si Joe Mar. Ang iba ay tagatawa naman, may iba naman na nagpapatawa.
Nakangising aso ako nang mag-joke na naman yung mga lalaki nang mahuli kong palihim na dumadapo ang mga mata ng lalaki'ng pinagkakanulo kay Ryane nitong birthday ni Lume. Hindi ako sure pero batid ko ay Josh ang pangalan ng lalaki.
Sumulyap ako kay Ryane at hindi nakawala sa paningin ko ang sandaling simple niya ring pagsulyap at ngisi sa kay Josh. Normal ko lang na pinalipat-lipat ang mga titig ko sa kanilang dalawa at napangisi nalang nang may duda. Napabawi lang nang magkatitigan kami ni Kuya Deus na nasa pagitan nina Mara at Ate Paypay. Nag-iwas agad ako ng tingin at sumubo nalang ng pagkain sa plato.
"Punta tayo sa Pantalan mamayang hapon. Na-miss ko na doon like ilang taon nang hindi ako nakakapunta roon, eh." Si Ate Paypay nang magsimula kaming magligpit ng mga plato.
Lahat sumang-ayon sa kanya. Anila pagkatapos ng rehearsal at pagtatak ng dapit alas quatro, tutungo sa daungan o mas tinatawag na Pantalan dito sa Poblacion.
Kay Ryane lang ako palaging nakabuntot dahil kung kay Lume ako ay hindi pwede kasi palagi siya roon kila Josh na malapit lang ang upuan sa kay kila Kuya Deus. Ayaw kong maging malapit muna sa kay Kuya Deus dahil... basta.
Pinapunta kaming music room lahat nang balak na nilang ipagpatuloy ang pagrerehearse. Nasa loob na kami at nakapwesto na nang bigla akong nagtaka nang makitang pumwesto si Mara sa harap at inaayos ang stand ng microphone at ang mismong huli.
"Napalitan ba si Maurence bilang bokalista?" Mahina kong tanong kay Ryane na nasa gilid ko lang.
Lumingon siya sakin at umiling. "Hindi, ah."
"Bakit..." Saglit kong binaling ang mukha sa harap at binalik din sa kanya. "Siya ba ang female vocalist ngayon?"
"Oo. Temporary lang naman 'yan. Sabi ni Kuya Kurt, needed ni 'Te Mara ng activities na sasalihan niya ngayong Intrams... kaya pinagbigyan ni Kuya at ng banda kaya siya ang sisilbing female vocal ng One Call ngayong Intrams. Hindi mo alam?"
YOU ARE READING
Drops of my Memories
Roman d'amourKilala si Sam sa kanyang pinapasukang eskwelahan bilang isang matigas na estudyante kaya napapaguidance ito nang dis oras. Nakilala niya naman ang isang lalaki na mismong nagpabuhol-buhol sa kanyang isipan. Isang pangyayari naman ang naganap dahilan...