Kabanata 9
Hindi Madaling Madale
Akala ko hindi pa ako makakagalaw sa kinatatayuan dahil sa pagkatuliro but I was wrong. Because after a moment of realizing that he said to wait for him, I didn't wait.
My mind wants to stay though but suddenly, my body didn't cooperate. Gumalaw nalang bigla ang dalawa kong mga paa at takbo-lakad ang ginawad ko palabas sa main gate ng CNHS.
Gusto kong hintayin siya na hindi. Napakakomplikado pero sa huli, iniwan ko pa rin siya. Napaka-nonsense pakinggan ang mga salitang iniwan ko siya kahit na dapat hindi ko na iyon iisipin pa.
Wait for him? Anong gusto niyang mangyari? Ihahatid niya ako tapos sabay kaming maglalakad pauwi? Nasa tamang pag-iisip pa ba siya? And just think of the possible awkward atmosphere would occur between us? Kakagaling ko lang sa pag-iyak at may nasabi pa akong hindi ko na dapat sinabi pa sa kanya, at inaasahan niya akong hintayin siya at hayaan siyang ihatid ako pauwi? NO WAY!
Mabilis ang bawat hakbang ng lakad ko. Kakalagpas ko pa lang sa tulay ng Looc nang may motor na pumasada sa gilid ko. Tumigil ito ilang purgada lang sakin.
"Ba't ka umalis?"
Salubong kong tiningnan ang estrangherong pumarada mga ilang purgada sakin. Kaya naman bumagal ang mga hakbang ko at nagtatakang tinignan ang driver ng Sniper 150 sa harap ko.
Lumingon ako sa aking likuran pero wala naman akong nakitang iba pang tao sa likod ko kundi ako lang talaga. Binalik ko ang paningin sa lalaki at sinuri ang kabuuan nito at dahil doon, naging pamilyar siya sa aking paningin. Pati na ang klase ng motor na minamaneho nito.
Sinusuri ko pa nang parang narinig ko ang palatak ng lalaki bago nito inangat ang tinted shield ng full-face helmet nito and to my shock, si Kuya Deus pala iyon. Sa mata palang, sa uri ng tingin palang, ay alam ko na na siya iyon.
"Sumakay ka na nga lang." Hindi ko alam kung bakit siya nagsusungit na naman sakin kung gayo'y wala naman akong ginawang masama.
Or siguro nabadtrip siya dahil hindi ko siya hinintay? As if! Pwede ngang lagpasan niya na lang ako kaysa sa magsusungit lang naman pala siya sakin.
Nagulat ako pero sa tono ng boses niya ay bigla ko na namang naalala ang kanina. Ilang oras akong nakatulog at hindi niya man lang ako ginising? Pumunta ako ng library para sundin ang pinahintulot niya sa Summer na iyon. Alam kong naagahan ang pagpunta ko sa library at umidlip habang nakarating na siya pero hindi niya ako ginising dahil sa kaisipang mahimbing ang tulog ko? At anong oras ba siya nakarating sa library at ano ang ginawa niya habang mahimbing ang tulog ko? Nakatunganga lang?
Sa ilang oras ko bang natulog nang hindi umiiba ang posisyon ay sumakit ang leeg ko. Nagpaliwanag siya, oo, pero pakshet, bakit kailangan niya pang magpaliwanag? Because I, myself know the moment he explained earlier, all my bitterness were gone away. His explanation made it drove away from my overthinking mind.
Pero naiinis pa rin ako sa kanya. Lalo na ngayon na parang ako pa ang may kasalanan. It's no one's fault, okay?
I shook my head. "Hindi na." Yun lang at mabilis siyang nilagpasan pero ang alagad ni Ocampo ay talagang sinundan ako.
Mabagal ang pagpatakbo niya kaya tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya nang may pagkainis.
Nagkatinginan kami at hindi siya nagpatalo sa titigan naming dalawa at gayundin ako. Nang siguro ay wala akong planong mag-iwas ng tingin ay siya na mismo ang nag-iwas. Ako naman ay nagcelebrate dahil nakayanan kong makipagtitigan sa kanya despite sa nararamdaman ko sa kanya. Ang tapang mo naman self. TvT
![](https://img.wattpad.com/cover/311284625-288-k440007.jpg)
YOU ARE READING
Drops of my Memories
RomanceKilala si Sam sa kanyang pinapasukang eskwelahan bilang isang matigas na estudyante kaya napapaguidance ito nang dis oras. Nakilala niya naman ang isang lalaki na mismong nagpabuhol-buhol sa kanyang isipan. Isang pangyayari naman ang naganap dahilan...