Kabanata 5

12 1 0
                                        





Kabanata 5


Nominate


Apat na araw analng ay Intramurals na at hindi ko man lang iyon namalayan dahil sa nagiging ganap ng buhay ko sa loob ng campus. Sa pagkakaalam ko pa ay nung nakaraang Lunes pa nang ma-guidance ako ng dalawang beses at na-realized ko nalang na isang panibagong Lunes na naman pala. Kung hindi lang nangolekta ng 150 pesos ang Class President namin sa 9-section C2 na si Vincent, ay baka nakalimutan ko na talaga na may Intramurals pa pala.


Ang 150 pesos na iyon ay para sa T-shirt namin sa Intramurals.


"Vincent! Bukas na ako magbabayad! Nakalimutan ko kasi, eh!" Pasigaw iyon na sinaad ni Klaire habang nakataas pa ang kamay.


"Ba't sumisigaw? Malayo ka, 'te?" Pabalang namang ana ni Aaron.


"Hoy, ikaw Aaron, sinasabihan mong epal si Joice, eh, pati naman ikaw, epal din," pandepensa ni Klaire.


Kakatapos pa lang ng 2nd period at recess time na. Tumayo na ako at sumabay kila Aaron na bumaba para magsnack. Pagkababa ko ay nakita ko naman si Ryane sa labas ng classroom naghihintay sakin. Agad akong lumihis ng daan kila Aaron at lumapit kay Ryane na papalapit narin sakin.

Pumunta kaming canteen at nakita pa namin ang dami ng mga estudyante sa loob kaya sa yell nalang kami pumunta. Ang cafeteria kasi ay nakabukas lamang pagkatanghali hanggang hapon lalo na at under construction pa ang nasa bandang likod nito pero malapit naman nang matapos.


"Nagbayad ka na ba ng T-shirt mo sa intramurals?" Tanong ni Ryane habang tinatahak namin ang covered pathway na papuntang yell.


"Hindi pa. Nakalimutan kong ipaalam kay Mama," sagot ko at pinagmasdan ang iilan sa mga estudyante na nakakasalubong namin.


Nag-angat ako ng tingin sa bukid at nakitang tinatabunan ito ng makapal na maputing ulap animo'y parang kinukumotan ang bukid.


"Magbayad ka na para pareho tayong may T-shirt sa Intrams. Maganda pa naman ang kulay ng T-shirts natin ngayon." Nakangiting pahayag niya. Parang na-e-excite.

Napaismid ako. "Yeah, peach."


Gutso ko sana navy blue or basta something dark na blue katulad noong Grade 7 pa kami kaso hindi ko hawak ang nag-organize ng colors eh kaya wala akong magawa.


"Guess what kung ano ang pinili kong number..." Pahula niya at dumikit pa talaga sakin.


Napatingin ako sa sin nitong covered pathway. "9?" Hula ko sabay tingin sa kanya pero umiling siya nang nakatikom ang bibig habang nakangisi.


Kumunot ang noo ko, na-intriga.


"Ano?"


Drops of my MemoriesWhere stories live. Discover now