Kabanata 7

14 1 0
                                        





Kabanata 7


Mga Tanong



Naging lutang ako buong oras sa klase dahil sa kakaibang senaryo kanina na hindi ko maatim kung bakit bigla nalang iyon nangyari. Bigla-bigla nalang kasi. Pati yung kakaibang damdamin na umusbong sa aking sistema ay hindi ko maipaliwanag. Pati ang kakaibang atmosphere na nakapaligid sa aming dalawa ni Kuya Deus ay parang bigla nalang nag-iba.

Naiinis ako sa kanya, yes, dahil napapahiya niya ako at dahil din sa walang preno niyang bibig at dahil din sa ugali niyang napaka-strikto, though, alam kong minsan hindi, at may pagka-KJ din. Pero kapag naiisip ko ang hitsura niyang hindi naka-kompletong uniporme ay parang nawawala ang mga deskripsiyon kong iyon sa kanya. Minsan naiisip ko kung style or fashion niya lang ba ang pagsusuot ng salamin o ano.

At isa pa, ang laging tumatatak sa utak ko ay yung ngisi niya sakin. Masungit siya nung una naming pagkita, iyung parang may nagawa akong mali sa kanya. Mahigpit din siya sakin nung nasa library kami at naiinis pa siya sakin noon, ha. Pero parang nag-iba ang turi niya sakin ngayon. Kung iisipin ko ay naging maamo ang mukha niya these days. Hindi stress or something at parang walang galit sakin pero still, nandoon parin ang blank stares na nakaka-intimidate sakin.

It's too sudden if I would just think about it. Kabigla-bigla talaga. Hindi ko na alam kung natural lang ba iyon talaga sa kanya dahil maiisip ko na talagang bipolar siya. I know it's bad to say that pero kusa iyon sumasagi sa isipan ko.

Napalubog ako sa aking upuan habang ang mga mata ay nakatanga pa rin.

"Midline, o minsan na tinatawag na mid-segment, is the segment joining the midpoints of two sides of the triangle. If we are talking about midpoints of a triangle, where can we possibly find this points? Anyone?... Meveric."

Hindi ko na dapat iniisip ang mga ito kasi nga diba wala akong paki? Pero yung kakaibang damdamin kasi na umusbong sa aking sistema, hindi ko basta-basta nakakalimutan kasi kahit ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano ako kinabahan at nailang sa kay Kuya Deus kanina. I cannot even decipher...

"Sampaguita Meveric, are you even listening??"

Nabalik ako sa aking huwisyo dahil sa may kalakasan na tawag sakin ng Math subject teacher ko.

"Sir?" Usal ko sabay ayos ng upo.

Nakatingin na sakin si Sir Opeñano nang dumapo ang paningin ko sa kanya. Hindi man siya nagpakita ng kahit anong galit na ekspresiyon pero kita ko ang pagtataka but at the same time, striktong tingin niya sakin.

"Hmm?" Anito at hindi naman ako nakasagot.

Hindi naproseso ng utak ko kung ano ang pinapahiwatig niya o tinanong man lang. Absent-minded ka kasi! Nasa kalawakan kasi ang utak mo habang sila rito ng mga kasama mo ay presentado sa planet Earth!

"Stand up, Meveric." Utos niya at tinugon ko naman.

Nahihiya akong tumayo lang sa pwesto habang ang mga kaklase ko naman ay walang pake sa pangyayari dahil ni isa sa kanila ay hindi man lang tumingin sakin.

"Saan ba natin posibleng makikita ang sinasabing midpoints ng isang triyanggulo?" Tanong nito.

Napasulyap naman ako sa blackboard kung saan may nakaguhit doon na isang triangle.

Drops of my MemoriesWhere stories live. Discover now