Fast forward sa present...
Ako si Jennifer George Akalain na nakapagtapos na ng kolehiyo ng medisina at ngayo'y nagmamay-ari na ng mga prehistiryosong hospital sa Pilipinas at pati narin sa Europa at Amerika. Maayos na akong namumuhay magisa sa nabili kong bahay at lupa sa Knoxville. Simpleng pamumuhay lang naman ang gusto kong magkaroon at ito, ginagawa ko na. Meron din akong pinatayong hospital malapit kung saan ako nakatira dito sa Knoxville.
"Mom, can you please help me with this? I can't even understand the meaning of this" tanong ni John sa akin.
"Okay dear. What is it about?" tugon ko sa kaniya ng biglang dumating si Andrew galing sa kanyang trabaho.
"It's good to be back!" sigaw niya pagkapasok ng bahay.
"Wow Mom! Youre doing a great job teaching John his homework... You can now be a great mom to our kids in the future ;)" he said and then winked at me.Hindi na nawala si Andrew sa buhay ko ever since sa una naming pagkabunggo sa Mcdonalds nung araw na yun. Nung mga oras na lugmok na lugmok ako sa kaiiyak sa nangyaring pagamin ni Jeff kay Sasha during his Valedictorian speech, laging nang nasa tabi ko si Andrew. Nung nasa college kami, iisang University ang pinasukan namin. Nagkakilala ang mga magulang namin and biglaang naging magbusiness partners... nagulat nga kaming dalawa ni Drew eh. Lagi akong pinapatawa ni Andrew... Madalas din ang pangaasar niya sa akin. Lagi kaming nakatambay sa kwarto ko, minsan din sa kwarto niya. Oyyy kung ano mang iniisip niyo diyang kung ano-ano... Wala pong malisya sa ginagawa namin. Nanonood lang naman kami ng movies, naglalaro ng video games or some board games. Nagsa-soccer din kami sa loob ng kwarto niya. Malaki kasi eh at maraming panglibang. Meron din namang field sa labas ng bahay nila kaso mas prefer namin sa loob XD Cozy and malamig dahil sa aircon. Basta we became Bestfriends. On my 18th birthday, tinanong niya sakin kung pwede niya na akong ligawan. Hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko kasi alam ko sa sarili ko na nagkakagusto narin ako sa hinayupak na yun pero hindi parin nawawala sa aking isipan si Jeff Anthony dela Cruz. And besides, hindi ko rin alam kung pwede na ba ako magpaligaw at magkaboyfriend kaya eto yung nangyari...
"Ehh Drew... I do like you alot... I really do. But there's one problem" saad ko sa kanya pagkatapos niya sakin tanungin kung pwede na ba daw niya akong ligawan.
"Really? You do? Well, what is the problem then?" tanong niya.
"I dont know if my parents would let you do this... like become my suitor?? C'mon they like you for being my bestfriend..." sabi ko habang nakatitig sa sahig na namamagitan sa amin."Well sorry Jefer..." sabi niya na kasunod ang isang tahimik na segundo
"I already told them about this... And they approved of it. Your mon kinda liked the idea. I just got some long advices from your father... hahaha so yeah, im doing it the legal way" pagbibiro niya. Ang cute talaga ng tawa niya. Nakaka-adik.
"What if I rejected you?" Curious na tanong ko. Bakit ba? Trip ko eh..."Well, you wouldn't 'cause you already said that you like me. So walang bawian! Peksman, mamamatay!" Ang childish parin talaga... in a good way. Haaaayst. Sige na nga.
"Okay. Pero promise mo sa akin na hindi ka magsasawa sa pagligaw mo. Baka magsawa ka agad ni hindi mo pa nga ako nakukuha" sagot ko.
"So is it a yes? Pumapayag ka na? Hinding hindi ako magsasawa sa panget na mukhang nasa harap ko, noh?" sabay kurot sa pisngi ko.
"Araaaaaay... masakit ahhh. Sige ka, babawiin ko nalang yung sagot ko..." di ko pa man natatapos ang pagsasalita ay naramdaman ko nalang ang malambot ngunit mabilis na pagdampi ng labi niya sa aking labi. Aba, ninakawan ba naman ako ng halik?"Bawiin mo man, nahalikan na kita sa lips! haha Panget!"
Asar niya sa akin sabay takbo dahil hinahabol ko na siya. Pagbabayaran niya yung ginawa niya! Kahit hindi iyon ang first kiss ko... Pangalawa parin iyon! Hmmmpp. Mahirap maghabol ng nakaballgown at nakaheels kaya kumakaripas na ako sa paghabol ng aking hininga. Medyo magulo gulo narin ang buhok ko. Tapos na ang party sa mga oras na ito kaya kakaunti nalang ang mga tao. Umupo muna ako sa bench sa tabi ko kung saan ako huminto sa pagtakbo. Nakita naman ito ni Andrew kaya tumigil at bumalik siya sa pinanggagalingan ko ngayon.
"Oh ba't ka bumalik?" tanong ko sa kanya."Pagod na kasi si Panget kaya tutulungan ko na pong makauwi" asar niya sabay ang pagbuhat sa akin sa dalawang makikisig niyang braso.
Sa pag-graduate namin ng college, nagpatuloy ang maganda naming pamumuhay hanggang sa naging kami na ni Drew. 5 years niya akong niligawan. Biro mo, natiis niya sa tinagal-tagal niyang panunuyo at pangungulit. Buti nalang gwapo siya kaya pwede narin. Hindi man kasing-talino nung genius na si Jeff, mas matalino parin si Drew sa akin. Well, at some points nakakalamang naman ako sa kanya.
Sa mga panahong nakakaangat na kami sa sarili naming mga paa, nakakabili na kami ng aming pangangailangan sa sarili naming sikap. Sinabi ko nga na may iilan akong mga hospital na ipinatayo sa iba't ibang lugar sa Pilipinas, Europa at Amerika. May mga charity hospitals din ako sa Pilipinas. Life is still fair pa naman...
..............................................
AN: Thank you kung sino man ang nagbabasa pa nito. Sorry po talaga kung late ang update. This is the Fast forward kung saan ang present ni Jennifer George Akalain ang makikita. Malalaman palang sa mga susunod na kabanata kung ano talaga nangyari. Hope you got intrigued...
BINABASA MO ANG
One Sided Love Nga Ba?
Teen FictionWhat if ako nalang kaya siya, papansinin mo ba ako? Ngingitian mo rin ba ako? O di kaya'y mamahalin mo din ako katulad ng ginagawa mo ngayon sa kanya? Halos lahat na siguro ng paraan ginawa ko na para mapansin mo ako. Nagaral na akong mabuti para...