Tapos na ang madugong quiz sa Geom class namin. Siguro naman makakapasa ako niyan sa matinding pagrereview ko kagabi. Despite sa kakulitan namin kahapon ng magkakaibigan. Nakaupo na lamang ako ngayon sa aking upuan at nakatulala sa katabi ko, si Jeff. Ang sakit, grabe. Hindi man nakikita ng iba, pero ako nakikita ko. Kitang-kita ko! Anong nakikita ko? Si Jeff nakangiting kausap ang crush niyang si Sasha. Ang alam talaga ng buong klase na crush niya ito eh, at FYI, crush din siya neto. Ang totoo, crush nga ba talaga? Nililihim pa nila sa isa't isa kahit alam na alam na. Nagka-holding hands na nga sila ng isang beses na kitang kita ng lahat. Actually, it was not that cheesy. Yung pagkaholding hands nila kasi pang-team building kasi namin yun last time... Okay. Nagseselos ako. Pero sabi ng marami, wala naman daw akong karapatan magselos eh... Ang sakit! Mabubulag na siguro ako sa mga nakikita ko. Hindi naman sila gaano nagpi-PDA ano? 'Personal Display of Abuse' sa akin DDDX Nanlilisik na yung mga mata ko sa kanila kaya nagdesisyon akong yumuko nalang sa desk ko.
"Pssst... Jen" si Dwayne, tinatawag ako mula sa likod. Hindi ko naman pinapansin
"PSSSST. Jen-Jen!" niyuyugyog na niya ako habang tinatawag. Di na ako makatiis pagkatapos ng ilang segundo. Humarap na ako kay Dwayne.
"What's your prob ba?" Inis na tanong ko.
"Ba't ka ba nagmumukmok?" sagot niya na patanong din.
Pano niya nalamang nagmumukmok ako? Gaaaaa...
"Anong nagmukmok? Can't you see that i'm sleeping?" tangging sagot ko.
"Sleeping? Eh, tignan mo nga yang mga mata mo sa salamin... Magang-maga."
Kinuha ko yung maliit na salamin ko sa aking bag. "Gaaah... oo nga :((("
"Siguro dahil dun ano?" tinuro niya sila Jeff... Naghahabulan na ngayon?
Napabuntong hininga nalang ako sa nakita ko. Nakakainggit kasi eh. Gusto ko silang pag-umpunggin sa pader.
""Nakakainis ka naman ehh!" sigaw ko kay Dwayne habang pinagpapalo ko yung braso niya.
"Hahahahahahaha..." pinagtawanan lang niya ako. Kaasar!
"Tinatawanan mo lang ako ngayon? ganon?"
"Eh kasi naman eh..."
"Anong eh kasi naman eh?"
"Ang cute cute mo kasing tignan... grrr..." sinabi niya yun habang pinipisil niya ang aking mga pisngi using his both hands. Pinanggigigilan niya ang aking mga pisngi kaya namula ang mga ito. At the same time siguro, kinilig ako? Ang gwapo din naman kasi niya eh. Ayy, ewan. Basta ang sakit ng pisil niya sa mga pisngi ko. Maraming nakakita sa ginawa netong si Dwayne pero baliwala lang sa kanya.
Dismissal time na at papalabas palang ako ng classroom ng biglang may magtanong sa akin.
"Hey Jen? Wait up!" patakbong hinabol ako ni... Sasha? What the?
"Huh? Ummm... bakit?"
"Wala lang. Gusto ko lang uli magkaroon ng updates mula sa iyo. Namiss kitang maging close friend :)))"
"Ahhh, okie" sabi ko nalang sa kanya.
Di ko papala nasasabi ang tungkol dun. Naging close friend ko si Sasha nung first year high school. Lagi kaming naguusap tungkol sa problems namin at nagshi-share ng stories sa isa't isa. One thing na alam na alam kong sobrang pangit niya ay yung lumalapit lang siya sa akin tuwing may kailangan. Siguro nga eh... May kailangan lang to sa akin.
Habang naglalakad sa mahabang corridor ng school...
"So Jen, anything new about you?" pangiting tanong ni Sasha.
BINABASA MO ANG
One Sided Love Nga Ba?
Teen FictionWhat if ako nalang kaya siya, papansinin mo ba ako? Ngingitian mo rin ba ako? O di kaya'y mamahalin mo din ako katulad ng ginagawa mo ngayon sa kanya? Halos lahat na siguro ng paraan ginawa ko na para mapansin mo ako. Nagaral na akong mabuti para...