Tapos ko ng kainin yung corned tuna na hinanda ko para sa aming dalawa...Hindi man lang siya kumain. Buti nalang dalawa yung baso ng gatas na dinala ko sa kwarto niya.
"Sorry na... Oh..." inabot ko yung baso ng gatas kay pabebeng Drew XD
Ang awkward mang banggitin pero yun yung ginagawa niya eh.
"What's that?" tanong niya habang nanonood ng basketball.
Wow naman. Magtatanong pa ng 'What's that?'
Kung tumingin ka kaya sa akin, lalake ka!
Calm yourself Jen. Huwag kang paobvious na nabi-bwisit ka na deep inside.
"Gatas po. Huwag kang mag-alala... Wala yang lason." paninigurado ko sa kaniya with my sincere smile.
Hirap naman nitong trabahong ito...
Sa wakas! Tinanggap niya ang inaalok kong gatas at nilagok sa isang inuman. Pagkaubos niya dito ay nilagay niya sa side table ng kama niya at bumalik na sa panonood.
*Take note... Pokerfaced nanaman itsura niya... Grrrr... pero on second thought... nabawasan naman yung itim na aura niya. Hindi na siya ganun kagalit*
Hindi ko na alam kung anong susunod kong gagawin. Yung pagbigay nalang ng gatas yung huli kong plano haha...
Hindi ako sanay ng ako ang sweet sa amin... Hindi parin ako sanay... T^T
Ganito nalang ako..
Nakatayo sa gilid ng kaniyang kama...
Nakatulala sa kaniya...
Naghihintay ng kaniyang tugon.
Paluha na...
"Why are you still there?" tanong niya at ngayon ay nakatingin na sakin.
"Eto na nga. Paalis na..." handa na akong lumabas ng bigla nalang niyang itapik yung space sa gilid niya atsaka sinabi...
"Come here... What movie do you want to watch?" aba biglang nagiba yung mood ni Drew. Napangiti naman ako. ahoho...
"Ahh.. ehh.. Ayoko na manood ng movie eh. inaantok na ako" sabay kusot sa aking mga mata.
Promise. Inantok na ako sa sobrang busog ng kinain ko kanina na gusto ko nalang matulog.
"Pwedeng dito ka muna? Stay with me.." pakiusap niya.
"Paano si John? Iiyak yun kapag nagising ng walang kasama..." tanong ko sa kaniya.
"Well, how about maybe just for a while?" tanong niya pa... huhu paano ba ako makakatanggi sa lalaking ito?? Bahala na si Batman!
"Yeah. Sure. Just for a while.." Ayan, nakapayag na ako...
Tinabihan ko na siya sa kama at nagkumot narin. Siyempre, hindi pwedeng hindi ako yayakapin nitong lalaking ito...
Lagi niya kasing ginagawa yun eh... Pero kahit ganun, wala pang nangyayari sa amin.
Malinaw sa aming dalawa na hanggang dun lang muna talaga.
Lumamig bigla yung kwarto. Baka nilakasan pa niya yung temperature ng aircon.
Ang lamig lamig na nga dito sa lugar na ito tapos naka-aircon pa.
Sa sobrang lamig ay bigla ko nalang siniksik yung sarili ko sa dibdib niya since mainit naman ang kaniyang katawan.
Sa isip isip ko bakit naman ganun nalang kainit yung katawan niya tapos ako hindi...
Ano ka ba Jen? Tinuringan kang Doktora tapos hindi mo alam kung bakit?
Ayyy! G*ga ka talaga... Bakit ba nawawala sa isipan kong lalaki pala itong katabi ko. Teka, ano bang malisya? Boyfriend ko 'to diba?
Magkayakap kaming dalawa. Actually, siya lang talaga nakayakap sakin... Ako kasi, nakasiksik sa loob ng yakap niya.
#RelationshipGoals♡
Haha XD nakakatawa naman isipin. Parang dati lang iniisip lang naming magkakaibigan yung tungkol dito, noh? Tapos ngayon ginagawa ko na...
Ayan tuloy namiss ko yung mga Close friends ko... Asan na kaya sila? Kamusta na kaya sila? Haaay... Tinatanong ko nalang sa hangin.
Naramdaman ko namang may humalik sa ulo ko. Multo... De, Joke lang ... Siyempre si Drew, sino pa ba? Napapangiti na naman ako hanggang sa lumalim na ang tulog ko...
Andrew's POV
Nagtampo sa akin si Jefer... Si Jennifer... Oo tawag ko parin sa kaniya yun hanggang ngayon...
Kanina sa di ko pagsabi sa kanya about dun sa dapat na surprise ko para sa kanya.
What could I do? Its still a surprise... Pero naspoil ni Mama. Masyado siyang madaldal pero I shouldn't blame it on her. Excited lang siguro talaga siyang makita kaming tatlo...
Kaya nung naginarte si Jefer at nagtalukbong... umalis nalang ako. I know I should've done more sweet talks pero sinubukan ko na hindi.
Paano kaya magsuyo ang isang Jennifer George Akalain?
Lumabas ako sa kwarto ni Jefer at binuksan ang kwarto ko... Iniwan kong nakabukas ang pinto mapansin niya.
Maya-maya lang ng mga oras na iyon ay may narinig akong pagbukas ng pinto sa tapat ng kwarto ko... pero sa mga sumunod na segundo eh hindi naman siya pumasok sa kwarto ko.
I got curious so lumabas ako sa pintuan only to find out na nandun lang naman pala siya sa kusina... Gutom ba siya? Grabe.. Kakaiba talaga tong babaeng ito.. Nang makita kong biglang pinatay ang ilaw sa kusina ay mabilis na tinakbo ko ang loob ng aking kwarto.
Malay mo mahuli pa ako sa ginagawa ko, diba? Alam niyang galit ako pero ang totoo hindi naman talaga.. lol
Nakahiga ako sa kama at hinahabol ang hininga. Grabe naman kasi yung tinakbo ko, idagdag pa ang tense at kabadong loob ko na baka makita niya akong sumisilip kanina... Narinig ko nalang siyang kumatok at pumasok na may dala-dalang pagkain.
Kumulo bigla ang tiyan ko pero hindi ako nagpatinag... Di ako kumain hanggang sa maubos niya ang pagkaing nasa bowl...
Pagkatapos niyang kumain ay bigla siyang dumighay ng tahimik... Nang-iinggit talaga itong babaeng ito eh. Niyaya niya ako ng isang basong gatas.
Di na ako tumanggi dahil ayoko ng patagalin pa ito. Gutom na din talaga ako at alam kong kanina pa ito naiinis sa akin... Haha... Sabi na nga ba.
Ngayon na nasa tabi ko na si Jefer, pwede na akong makatulog... Eto lang naman talaga ang gusto kong gawin eh. Ang makatabi siya...
Kahit walang nangyayaring something sa amin. Ayos lang... Hindi sa nagiging ano ako ah. I have so much respect for this woman and I can do anything for her. Hindi pa kami kasal kaya ganito muna.
Kung bakit hindi ko pa siya niyayang magpakasal? I think hindi pa talaga siya handa sa mga ganun. Special para sa kanya ang marriage... At sa tingin ko may iba paring naghahari sa puso niya at hindi ako yun... Alam ko yun sa sarili ko. I know her. He still has a spot in her heart and mind. Hindi na ata mawawala yun... Kung sino ang binabanggit ko... Walang iba kundi si Jeff Anthony dela Cruz
Hindi naman ako nagmamadali eh...Hindi naman kami nagmamadali eh.
Habang natutulog na siya ng mahimbing sa loob ng yakap ko, iniisip ko ang mga bagay na yun. Hinalikan ko na lamang ang kaniyang ulo para mabawasan ang aking pagalala. Sa kaniya kasi ako humuhugot ng lakas...
...
A/N:
Hi guys! Thank you so much for reading this story. Please continue to read, vote and comment! Oh diba may POV ni Andrew. Taray XD hahaha More updates soon! Kapag ginanahan hahaha... Magcomment kasi kayo ehh XD

BINABASA MO ANG
One Sided Love Nga Ba?
Teen FictionWhat if ako nalang kaya siya, papansinin mo ba ako? Ngingitian mo rin ba ako? O di kaya'y mamahalin mo din ako katulad ng ginagawa mo ngayon sa kanya? Halos lahat na siguro ng paraan ginawa ko na para mapansin mo ako. Nagaral na akong mabuti para...