A/N
Short update for you guys. Enjoy!
****************************
Dwayne's POV
Papunta ako sa bahay ni Sweet ngayon para ibigay ang inassign niyang task sa akin. Nakalimutan ko kasing ibigay nung nasa ice cream stall kami eh. Sinong sweet ang sinasabi ko? Sino pa ba? Edi si Jen. Wala ng iba. Bakit ba Sweet? Wala. Trip ko lang. Joke lang. Alam naman natin na may rason ang lahat ng bagay.
Hindi kami, okay? Sweet lang talaga siya sakin. Well, halos sa lahat ng tao naman. Alam niyo yung word na BESTFRIENDS? Kami yun eh. Well, sabi nga ng isa sa mga kaibigan kong lalake, Doon nagsisimula iyon. Sa pagiging "Bestfriends" nagsisimula ang pagiging "More than friends" ng isang relationship. Tama nga naman. Ano pa nga ba ang kasunod ng friends? Hindi ba Bestfriends muna. Okay, nililiko-liko ko na kayo sa pangyayari.
Ayan. Nakikita ko na yung naiibang itsura ng bahay sa village na ito. Pero teka, sino naman itong paalis galing sa bahay nila Jen. Aba, nagpaparty ba siya ng hindi man lang ako iniinvite? Humanda ka sakin Jen!
Nakaalis na yung kotse na nakita ko kanina nang makarating ako sa harapan ng gate nila Jen. Mukhang tahimik naman ang loob. No signs of celebration inside.
"Oh! Ano to?" curious na kinuha ko yung paper bag na may nakasulat na:
To: George From: -_-
Enjoy! Share it if you want
Wow! Sino namang magpapangalan ng isang poker face? Haaaay. Maibigay na nga nalang din ito sa kanya. Wait. Baka may lason ito ah. Macheck nga...
Natawa ako nung makita ko ang isang note sa ilalim ng card.
Don't worry. This will not be the cause of your death. So, no worries again °~°
Habang natatawa-tawa ako sa nabasa ko, hindi ko napansin na may nakatayo na pala sa harapan ko at nakabukas ang gate.
"Anong kailangan nila?" sabi ng isang medyo tanders na babae. Kung hindi niyo alam kung ano ang 'tanders', ibig sabihin nun ay 'matanda'.
"Hello po! Pwede po bang malaman kung nandiyan ho ba si Jen? May ibibigay lang po sana" sabi ko ng nakangiti.
"Umalis siya kasama nung kaibigan niya eh. Kaano-ano mo si Jen, ha?" seryosong tanong niya.
ummm... boyfriend?
"Kaklase ko po siya. Sige po, kung pwede pakibigay nalang po nito? Salamat ho! Mauna na ho ako sa inyo." sabi ko habang papalayo na sa gate. Hindi naman siguro ako ganung kagalang eh, noh? Grabe. Anong nakain ko?
Jennifer Akalain's POV
Nagtatawanan, nagsesenyasan, at nagkekuwentuhan. Yan ang mga nakikita ko sa harap ko ngayon habang palapit palang sa kinauupuan nila Lyzza. So komportable na talaga sila sa isa't isa. Buti pa sila.
"Uy Jen! Nandiyan ka na pala. Ang tagal mo namang nawala. Sayang, hindi mo naabutan mga pinagkekuwento nila kanina." sabi ni Lyzza na hindi parin natatanggal ang mga ngiti niya.
"Tumawag kasi si Manang eh kaya ayun :( Sayang nga hindi ako nakasali sa kuwentuhan." nakapout naman na sabi ko. Haaay. Maybe next time, sa right time. Nagutom tuloy ako bigla! Anubeeeyeeen??
Mukhang nabother naman si Drew sa pagka-sad ko kasi nagiba yung facial expression niya. From happy face to curious na medyo sad face.
"Oy Drew. Ba't ka din naka-sad face? Ano ka, gaya-gaya?" bigla kong sinabi out of nowhere. Galit ba ako? Yung tono kasi parang galit eh. Magkakaroon kaya ako kaya ganito ako? Haaaaaay naku puuu! GUTOM lang to Jen! Tiis tiis din ahh.
Natawa naman silang tatlo sa sinabi ko. "Sorry Jen. I was just wondering why you're wearing a sad face with that pretty face." sagot niya sakin habang nakatulala sa face ko. Hello? May dumi ba itong mukha ko o sobrang pangit lang talaga ng aking itsura?
"Alam kong pangit ako kaya huwag mo ng tignan masyado ang fezz ko, okay?" sabi ko naman habang kinakawayan ang harapan ng mga mata ni Drew.
"Sus Jen! Pahumble pa siya, kinikilig ka naman sa sinabi ni Drew" asar ni Lyzza sakin which is half true naman. XD
Kinikilig talaga ako actually kaso ayoko magpadala sa kilig na iyon dahil baka walang sumalo sakin pag nahulog na ako sa waterfalls. Mas okay ng bitter sa ngayon dahil nago-observe parin ako
"So Jen, Can you also make me one of those bracelets with Jen <3 John beads in it?" singit ni Channie sa silent atmosphere.
Teka! Jen <3 John? Parang pamilyar yun ah...
"Hoy babaita ka! Anong pinagsasasabi mo sa kanila nung wala ako, ha?" iritableng sabi ko sa kanya habang siya naman tumatakbo palayo sa akin ng nakatawa.
"Jen, spare me! Kailangan pa ako ng asawa ko sa Korea... Huwag kang magalala, safe naman daw yung secret na iyon sa kanila.
Umupo na ulit ako sa upuan ko sa sobrang pagod. Magpahabol ba naman itong babaeng ito, sobrang wagas. "Sabihin mong yun lang yung shinare mo sa kanila" yung tingin ko kay Lyzza sobrang talas.
"Oo. Yun lang talaga. Yung buong story ng first puppy love mo. Cross my heart, hope no one dies" sabi niya habang kino-cross niya ang kaliwang dibdib niya gamit ang kanang kamay.
"And also the..." dagdag ni Channie.
"The what Channie?" seryosong tanong ko.
"Channie, huwag kang sinungaling diyan. Yun lang yung kwinento ko sa inyo ah" defensive na sabi ni Lyzza.
"I know. I know. I was just kidding." patawang sabi ni Channie.
"By the way guys, pwede na ba tayong umuwi? Habang may araw pa, oh." tanong ko.
Nag-agree naman silang tatlo.

BINABASA MO ANG
One Sided Love Nga Ba?
Genç KurguWhat if ako nalang kaya siya, papansinin mo ba ako? Ngingitian mo rin ba ako? O di kaya'y mamahalin mo din ako katulad ng ginagawa mo ngayon sa kanya? Halos lahat na siguro ng paraan ginawa ko na para mapansin mo ako. Nagaral na akong mabuti para...