Nang matapos na ang first quarter, malamang ay second quarter na. As usual, nagpapalitan ng upuan every quarter.
Nung first quarter, nasa harapan ko lang siya. Lagi ko siyang nagiging ka-group in terms of collumn. Maganda lagi ang performance kapag siya ang leader kaya sana ganun parin ang mangyari.
Maaga akong dumating sa classroom located at the second floor of our building. First time in history, wala pang araw ay nakapasok na ako ng maaga sa school. Sobrang dilim at mabibilang lang sa kamay ang mga tao dito. Good thing I have my flashlight with me inside my bag.
Pagka-akyat ko sa second floor, wala man lang maingay so kinabahan ako. Nakakatakot kaya binuksan ko agad yung light sa corridor na tapat ng classroom namin.
Pero nakita ko naman na bukas yung ilaw sa room kaya dumiretso ako dun para sumilip. Ayun pala, nandun na si Jeff. Nakayuko siya sa desk niya.
Awww... Ang cute cute niyang matulog. Ang aga naman niyang pumasok.
Nilapag ko ang gamit ko sa desk ko at kinuha ko ang mga gamit na gagamitin sa locker.
Sa sobrang aga that time ni wala pang ibang taga-ibang section ang pumapasok...
Sooo I decided to take the chance na lumapit sa kanya dahil sa lalim ng tulog niya.
Pano ko nalaman kung malalim nga ba tulog niya?
Ang himbing niya kasi matulog at kahit anong ingay ang gawin ko ehh... wala naman para sa kanya.
Hindi naman siya ganyan noong first quarter. Isang bagsak mo lang ng gamit mo, tititigan ka na ng masama. Isang mali mo lang, tititigan ka lang ng matagal hanggang sa malusaw ka.
Makalipas ang mahigit 1 oras ay dumating ang iba naming mga kaklase. Haaayy... Oo nga pala. Maagang pumapasok si Brenda Young sa school since elementary pa ata. Dati kasi noong 1st year pa ay nagkakasunod kami sa pagpasok.
Nang dumating si Brenda na may kasama, time for Jeff to wake up na siguro kaya nag-stretch siya ng mga kamay at legs at kinusot ang kanyang mga mata gamit ang kaniyang kanang kamay.
Wait, himala din noh... Maaga ata ngayon si Ellie Jade. Siya yung kasabay ni Brenda sa pagpasok sa school. Lagi kasi siyang 10 mins. before 7 am dumarating eh. Siguro may kailangan pa siyang gawain na tatapusin.
"Good Morning Papa Jeff!" Ngiting sabi ni Ellie habang nagaayos ng gamit.
Nagulat kayo kung bakit Papa Jeff noh?? Don't worry, halos lahat naman ng mga kaclose at FEELING close sa kanya ay ganun din ang tawag sa kanya. Ganun talaga kapag kilala ka halos lahat ng tao.
"Good Morning din..." Nakangiting abot tengang sinabi ni Jeff.
After the bell rang, lahat na ng mga kaklase namin ay nakapasok na sa classroom at sobrang excited sa magaganap. Teka, ano nga ba ang magaganap? Ayyy, makakalimutin talaga ako :/...
NEW SEATING ARRANGEMENT nga pala ang pinaka-aabangan ng mga ito.
Akoooo din nga pala... excited ako kung sino makakatabi ko at kinakabahan at the same time dahil malalayo ako kay Jeff! NOOOOO... Please No waaay...It's final dot. XD

BINABASA MO ANG
One Sided Love Nga Ba?
Teen FictionWhat if ako nalang kaya siya, papansinin mo ba ako? Ngingitian mo rin ba ako? O di kaya'y mamahalin mo din ako katulad ng ginagawa mo ngayon sa kanya? Halos lahat na siguro ng paraan ginawa ko na para mapansin mo ako. Nagaral na akong mabuti para...