Pagpasok na pagpasok ko sa classroom, mga busy na mga estudyante ang tumambad sa aking mga mata. Mga 6 a.m. na ako nagising kaya hindi na ako ganun kaagang nakapasok. Halos lahat sila, takbo here and takbo there... Sobrang busy sa kakakopya ng assignments sa meron. Mga technic ng mga tamad na estudyante, oh! Ayos! Dumiretso na muna ako sa upuan ko para ilapag yung bag ko. Nakapabilog sa upuan ni Jeff ang mga kaibigan niyang lalaki so damay ang upuan ko dun kasi inuupuan ni Migs. Siya ang ultimate chickboy na may pagkamatalinong kaibigan ni Jeff. Naguusapan sila kasama pa ang iba nilang mga kaibigan.
"Migs, excuse muna." mahinang pagsabi ko. Napatayo naman siya.
"Ahh... ehh... eto umupo ka na Jennifer"
"Hindi, palagay nalang nitong bag ko sa harapan mo. Umupo ka muna diyan, okay lang :)" Tinalikuran ko na sila. Wala namang mapapala doon eh.
Kinuha ko ang mga kailangang mga libro sa locker at inilapag sa ilalim ng upuan ko. Dumiretso na ako sa mga friends ko na busy din sa paghanap ng mga sagot sa ere XD
"Ohh guys! Kamusta?" patawang tanong ko.
"UYYY! SA WAKAS!!!" sigaw ni Sonny
"Jennifer, PAKOPPYAAAAAAAA..." pilit ni Rona sa akin
Nakita ko si Lyzza na nakachill lang sa kinauupuan niya.
"Lyzza! Nakagawa ka ng homeworks?" tanong ko kay Lyzza na parang blooming. Tumango naman siya para sumagot ng 'oo'.
"BRO FIST!" pinabilog ko yung kanang kamay ko na parang susuntok na kamao. Nagbrofist kaming dalawa.
"Kayo nang may gawa! Kayo ng masaya! :(" naiinggit na sabi samin ni Jamie
"Tutulungan nalang namin kayo... Ano pa bang kulang ninyo?" tanong ko sa kanila. Kakaawa parin kasi eh...
"Isa nalang, tutal nakakopya na kami sa iba kanina..." sagot sakin ni Sonny
"Oo nga eh... Eto oh. Ano ba sagot dito?" dagdag ni Rona
" Eto notebook ko, oh. Ibahin ninyo nalang yung sentence ninyo para hindi halata" ibinigay ni Lyzza yung notebook niya sa kanilang tatlo. Tumabi ako kay Lyzza upang makipagchikahan muna.
"Kamusta yung date mo kagabi?" biglang tanong sakin ni Lyzza.
"Anong date?" pabulong na tanong ko sa kanya.
"Nakita kita kagabi kasama mo yung nakita natin sa Mcdonalds noong isang araw"
"Hindi iyon date, okay?!?" sagot ko sa kanya na parang in denial ako. Hindi naman talaga kasi date iyon , diba? Siya na nagsabi na friendly talk lang.
"Sus! Sinungaling ka Jen! Umamin ka na kasi eh. Bakit mo siya kasama sa Krispy Kreme? Ba't kayong dalawa lang? Ba-" sabi ni Lyzza na parang may gusto pang malamang impormasyon.
"Hep! Isa-isa lang ang tanong, please? Let me explain first, okay? Patapusin mo muna ako" Nagbuntong hininga ako bago ko simulan ang flashback na nangyari. Ikwinento ko sa kanya lahat, lahat. Pati sa nangyari sa mga text, inisa-isa ko para kay Lyzza.
"Ang taray mo Jen! Is he hitting on you?" Ano ba namang klaseng tanong yan? Sinabi ko na ngang 'Getting to know each other' palang ang stage... Yun agad? Pero, lagi ko din yan naitatanong sa sarili ko eh... Is he hitting on me? Yuck! Parang kadiri! Ang landi mo Jen! Landi mo!
"Noooo! I don't think so..." paiwas na sagot ko
"Bakit naman... Pero gwapo siya ahh" tumataas na kilay na sinabi ni Lyzza. Parang may balak to ah.
"Gwapo? Pakasalanan mo na kaya? Gusto mo pakilala na kita?" nakangiting alok ko kay Lyzza.
"Pakasalanan? Past muna ako diyan. May Chanyeol oppa na po ako eh! >-<"
![](https://img.wattpad.com/cover/13211354-288-k705432.jpg)
BINABASA MO ANG
One Sided Love Nga Ba?
Teen FictionWhat if ako nalang kaya siya, papansinin mo ba ako? Ngingitian mo rin ba ako? O di kaya'y mamahalin mo din ako katulad ng ginagawa mo ngayon sa kanya? Halos lahat na siguro ng paraan ginawa ko na para mapansin mo ako. Nagaral na akong mabuti para...