Chapter 3

95 1 0
                                        

Excited... Kinakabahan... Natatakot... Yan ang mga nararamdaman ng mga classmate ko. Wait, ako rin ata. Kinakabahan at natatakot ang mga iba kasi ayaw nilang mahiwalay sa mga katabing friends nila o di kaya baka makatabi nila ang mga ayaw nilang makatabi.

"Okay, class. Today's the start of our 2nd Quarter... We will have a new seating arrangement for this quarter so please go back to your proper seats"

Nagsibalikan kami sa mga upuan except kay Jeff kasi never naman siyang lumipat. Alam mo na... Role model student.

"Haaaaay.. Yan na nga ba ang sinasabi ko ehh... Wala kayo sa proper places ninyo..." sabi ng adviser namin. Well, totoo naman talaga yun kaya nanahimik kami after kaming palipatin sa upuan ni Miss Paraluman. 

Inisa-isa yung mga row at pinagpalit-palit yung mga pwesto. May mga natira sa mga upuan nila dati pero halos lahat ay nagiba ang puwesto. Until makarating sa row nila Jeff. 

" Mr. de la Cruz, stand up. Please transfer to the seat of Ms. Orgada. Dito ka muna sa harapan Ms. Orgada, okay..." Tapos bla...bla... bla... hanggang sa Natawag na yung name ko.

DUN DUN... DUN DUN... DUN DUN... TUNOG NG PANGKABA. AYAAAAAAAAAAAAAANNN NAAAA!!!

"Ms. Akalain"

"Miss?" sabay tayo sa kinauupuan na handang handa na ang gamit.

"Please transfer to the seat infront of Dwayne."

"Yes Miss"

Hew! Relieved... Nasa likod ko lang naman kasi ang kaibigan kong lalaki. Nang elementary, frenemies kami pero ngayong maghigh school, nagmature ata utak kaya nakipag ayos sa akin. Whole homeroom time ata sa likod lang ako nakatingin kasi siya lang kaibigan ko sa pwestong iyon. Kaso nagbago iyon ng...

May nagpabigay sakin ng letter... Convo paper. Galing kela Lyzza and one of my gals. Nakalagay doon ay:

Lyzza: OH MY GOSH... HAWAAN MO NAMAN AKO NG KASUWERTEHAN MO PLEASE!!
Rona: Me too... Nung una, nakasama ka sa top 5 tapos ngayon nakatabi mo pa yung ultimate crush mo?!? How the hell did that happen?

WHAAAAT??? All this time katabi ko lang pala siya??? Wait, anong 'lang'? Anong charm ba ang meron ako at ayoko na itong alisin...

So napalingon ako sa left ko and I saw him staring at me. Haaaaaaaaaay... Nakakalusaw please. Napangiti tuloy ako at nag-drool pa ata. Eeeeewww... Jen talaga! Why did you do that? Nakakahiya grabe.

"May problema ba Akalain?" tanong niyang parang natatawa.

Grabe. He called me talaga by my Last name. That means na hindi pa kami friends. Well, parang friends pero not that close. 

"Ahh... wala naman de la Cruz. Ang ganda lang ng view sa labas, yung nasa likod mo."

Napalingon siya ng sandali sa likod niya at napaharap uli sa akin

"Tila maganda nga naman ang tanawin sa labas... Teka, de la Cruz talaga? Haha! Kung yan ang gusto mo"

"Oo, de la Cruz talaga. Akalain kasi ang tawag mo sa akin ehh kaya ganun."

"Ge lang"

"Ikaw talaga nakaupo diyan? AS IN? DI NGA?"

"Hindi... hindi talaga ako nakaupo dito eh... Nakiupo lang naman"

"Ahhh... malay ko ba kung diyan ka talaga."

"Namimilosopo lang ako! Hindi ka kasi makapaniwala eh. Bakit nga ba?"

"Ha? Anong Bakit?"

"Bakit di ka makapaniwala?"

"Ahh.. Ehh... Wala lang." sabay lingon sa kabilang banda

One Sided Love Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon