Chapter 6 part 2

23 2 0
                                    

Jennifer Akalain's P.O.V.

Nagkakamabutihan na sila Lyzza at Andrew. Oo nga pala. Pagkatapos kong ipakilala ang dalawa sa isa't isa, isinakay kami ni Drew sa kanyang Hummer at idinala sa isang fancy resto.

At ngayon, nagmumukha akong third wheel kahit hindi naman talaga :(((... Mabuti kung si Jeff ito eh. Ayy, hindi naman mangyayari at kahit kailan hindi ako magiging third wheel. Mabuti kung inumin ko nalang itong Pineapple juice ko.

Sabay inom ng mabilis hanggang sa naubos na ang laman ng baso.

*Dighay ng malakas*

"Excuse me po." nakayukong sabi ko.

"Wow, Jen. Lakas nun ah! XD" Nakatawang tingin sakin ni Lyzza.

"This is the first time I heard you burp like that, Jefer" dagdag ni Drew na amaze parin sa ginawa ko.

Buti nalang talaga nasa loob kami ng isang VIP room ng resto at walang nakarinig o nakakita sa akin maliban sa dalawa.

Pero... pero... nakakahiya kay Drew!!! >~< 

Well, moving on sa kaartehan ko...

Tumayo si Drew sa kinauupuan niya at tila parang papunta siya dun sa isang lalaking padiretsong lakad papunta sa table namin. Lalaki... Isang gwapong lalaki... BAKIT BA SA LAHAT HALOS NG MAKIKILALA KO PURO LALAKE?! Hindi naman sa nagrereklamo... Pero kasi baka mawalan na ako ng malay sa sobrang gwapo ng mga nakikita ko eh. Pinagpapala mo ba ako ng blessings, lord?

Ayan na papalapit na...

"Sino yang papunta dito sa table natin?" tanong ni Lyzza

"Hindi ko rin alam eh..." sagot kong curious na curious parin. Pero kung makikita mo ang suot suot niya, malalaman mong taga-Maustine Academy din siya. 

Para kaming ewan ni Lyzza kung makikita niyo itsura naming naka-curious face. Nakita ko kasi yung reflection ko sa salamin na nasa tapat ko. Ang EPIC! XD

"Girls, I would like you to meet my friend, Cha..." pabiglang sabi ni Drew. Di na kasi namin namalayan na nandito na sila sa harapan namin eh.

"CHANNIE! Just call me 'Channie' ;D" pahabol naman na sabi ng gwapong kasama ni Drew... with the kindat and killer smile! Why do they have to make those "Da moves"?

Napapa-move tuloy kami... lalo na 'tong babaitang kasama ko. Nakupo... Huwag po sanang himatayin ang kaibigan ko.

Nilahad ni "Channie" ang kanyang kamay sa harapan namin para makipag-shakehands. Nauna nang makipagshakehands itong si Lyzza dun sa lalaking iyon.

"Hi Channie! :D I'm Lyzza" masayang bati ni Lyzza. Makikita mo talaga ang malapad na ngiti sa kanyang mukha at kumikinang na mga mata.

"What a gorgeous name... Lyzza :D You also have those beautiful eyes that I can't resist" Holy macaroni... She's trapped. Yan ang weakness ni Lyzza. Ang isang gwapong lalaking pupuri sa pangalan  niya at papansin sa kanyang mga mata. Minsan lang daw sa tanang buhay niya ang lalaking makakagawa sa kanya nun.

Biglang napaharap sa akin si Channie. Mag-iintroduce na ba ako?

"Hi. I'm J-" Nagsisimula na akong magpakilala kaso naputol ako nang magsalita siya eh.

"You must be Jefer!" sabi niya ng nakangiti. Jefer? Pano niya alam?

"Hey! Don't call her that... I should only be the one who's calling her 'Jefer'." Nagulat naman ako ngbiglang sumingit sa introduction itong si Drew.

"Sorry dude. Chill, okay? So Jef... I mean Jen, right?"

"Yeah, I'm Jen-nifer XD" binuo ko na para hindi pa magkamali itong lalaking ito.

"So... my friend here's been telling me alot of things about you Miss Jen."

"Are you serious?" gulat na tanong ko. Laki pa ng mata ko, na para bang owl sa gabi.

"I'm dead serious" nakangiting pangasar ni Channie kay Drew. Sinisiko-siko nalang siya ni Drew sa di ko alam na dahilan. Naiinis ba ito o nahihiya?

If you're dead serious, then why are you..." naputol ang maka-nose bleed kong pag-i-english. Kinakaya ko naman eh.

*You are my Destiny... Keudae...* 

Malakas na tumunog ang ringtone ko. Aish. Sa ganitong lugar pa ito tumunog. Sinilip ko kung sino tumatawag. Si Manang Leni pala.

"Sorry about that. Please excuse me. I have to answer this important call" magalang kong sinabi.

"Sure" sagot nung dalawang lalaki except kay Lyzza.

"Nababaliw ka na ba? Iiiwan mo ko sa mga nakakanosebleed na mga lalaking ito. Huwag mo naman akong parusahan Jenjen, oh."

"Sandali lang ito. Kilalanin mo muna nang maigi yung Channie na yun. This is your chance Yzza! Fighting!" Lumabas ako sa restaurant para makakuha ng magandang reception. Maganda naman yung reception nung tawag pero marami lang talagang events and meetings na nagaganap sa restaurant na ito. Idagdag pa ang mga nagsisigawan na staffs sa kusina ng restaurant. Abot hanggang Buffet hall ang ingay. Ah, BASTA. Lahat maingay.

"Manang Leni, bakit po kayo napatawag?" tanong ko sa kanya.

[May dumaan ditong lalaki. Sinabi niya na kaklase ka daw niya. May pinaiwan dito sa akin na isang brown envelope at isang bag.]

Envelope? Bag? Ano meron dun sa envelope? "Manang, sinabi ba kung anong pangalan niya?"

[Hindi hija. Basta kaklase ka lang niya. Hindi niya sinabi pangalan. ]

"Ahh, ganun po ba? Sige po. Salamat sa pagsabi"

[Nga pala hija, hindi sa nangingialam pero sinilip ko yung laman ng bag...]

"Ha? Eh ano pong laman? Baka naman po dapat secret yun ahh..."

[Pagkain ang laman, huwag ka magalala. Nilagay ko na agad sa ref para masarap pagkakainin mo. Japanese foods ang ibinigay. Nasan ka nga ba ngayon?]

Gara naman! Sana mga sushi, kani salad, unni and many more!

"Uuwi narin po ako maya-maya lang. Niyaya po kasi kami ni Lyzza ng kaibigan kong kumain sa restaurant eh. Salamat Manang! Bye" binaba ko na. Tumagal ako ng ilang minutes sa call na yun. Kailangan ko ng bumalik sa loob at baka dumudugo na ang ilong ng bestfriend ko. Hindi naman siguro ganun.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lyzza Cariaga's P.O.V.

Nang iwanan ako ni Jenjen para sagutin yung tumawag sa kanya, kinabahan ako. Baka naman kasi kung anong mangyari sa akin dito. You know, ako lang ang babae dito at may kasama akong dalawang lalaki. Baka 'lam niyo na... PAG NAGNOSE BLEED AKO... NAKAKAHIYA!

Waaaaaaaaaaaahhhhhh!!! Lord, please no. Huwag niyo po akong hayaang masira ang reputasyon ko. Shame nalang kung mangyayari iyun.

Pero nagkamali ako. Hindi ako na-nosebleed. 

~For the first time in forever...~ (kanta sa frozen)

naka-english din ako. Ginawa naman kasi nila akong maging komportable sa kanila eh. Pwede naman din silang mag-filipino kung gusto nila at ako din. XD Ayoko lang talaga sigurong mag-english, that's why. Nakipagkwentuhan at nakipagtawanan narin sila sakin. Ang daldal ko kasi eh. Mashare nga ang secret ni Jenjen sa kanila. Tungkol sa *secret*...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

One Sided Love Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon