KABANATA 1

2.4K 88 4
                                    

KABANATA 1



"Bakit kailangan mo pang sabihin sa harapan nila 'yun, Ulysses?!" Parang kulog na sigaw ng ama ni Ulysses matapos umalis sina Azume at ang anak nitong si Ichiro.



"Bakit kailangan ko pang makipag plastican sa kanila, Pa?! Mabuti nang sabihin na hindi ko sila gusto kaysa magpabait baitan sa kanila!" Sigaw pabalik si Ulysses at inis na hinubad ang suot na damit, tanging pantalon na lang ang suot niya.



"Hindi mo sila kailangang bastosin, Ulysses!" Tudo pigil ang ama niyang suntokin siya dahil sa galit ng ama.



"Hindi ko kailangan ng bagong ina, Pa! Namatay lang si Mama lumandi ka na-"



"Shut up, Ulysses!" Isang malutong na sampal ang natanggap ni Ulysses mula sa kanyang ama na galit na galit na, lumalabas na ang ugat nito sa leeg.



"Respect your tita Azume! Wala siyang ginawa sa'yo! Tratohin mo ring kapatid si Ichiro!"



Sarkastikong tumawa si Ulysses at dismiyadong napailing. Apat na taon ng patay ang ina niya at ang tanging ginagawa ng ama niya ay mag waldas ng pera, mambabae kahit matanda na doon pa talaga pumapatol sa mas bata sa kanya.



Nagagalit si Ulysses sa ama niya at sa mga babae nitong dinadala sa kanilang bahay lalo na't sa tuwing binibilhan ng ama niya ng mga bagay na gusto ng babae nito. Minsan ring nagdala ng babaeng bayaran ang ama niya sa bahay at sa hating gabi ay pinasok siya ng babae at tinangkang halayin siya.



Galit na galit si Ulysses, gustong gusto niyang suntokin ang babae pero hindi niya magawa. Galit rin siya sa ama niya kaya sinabi niya sa ama niya ang ginawa ng babae at pinalayas ito sa bahay nila.



Simula noon ay ayaw na ni Ulysses na magdala ang ama niya ng babae sa bahay nila. Hindi sa natatakot siyang maulit 'yun, ayaw niya lang na may bagong babae ang ama niya dahil naaawa si Ulysses sa kanyang inang pumanaw na.



Kahit ilang babae pa ang iuuwi ng ama niya, hinding hindi mapapalitan ng mga babaeng 'yun ang ina niya sa buhay nila.



"Pe-perehan lang tayo no'n, Pa!" Sigaw ni Ulysses at kumuha ng damit sa closet at mabilis na nagbihis.



"Kung 'yan ang inaalala mo, anak sasabihin ko sa'yo na mayaman sila! Actor din si Ichiro sa japan! Katulad mo lang siya na isa ding actor!"



Tumaas ang kilay ni Ulysses dahil sa sinabi ng ama, inalala niya ang mukha ni Ichiro.



Ang mukhang walang emosyon at palaging inaantok ang mata, singkit, makapal ang kilay at hindi ngumingiti, puti at nakakainis!



"Then?" Walang gana niyang sinabi at tinapon na ang sarili sa kama.



"Hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa kanila, Pa. Ayaw ko sa kanila, at ayaw kong maging bahagi sila ng pamilya natin!" Mariin niyang sambit at pinikit na ang mga mata.



Naramdaman na lang niya ang pagbuntong hininga ng ama niya, gusto niyang imulat ang mata at tignan ang ama pero hindi niya ginawa.



"Anak... Bigyan mo sila ng isang pagkakataon... Nawalan din ng asawa si Tita Azume ko at kagaya niya nangangailangan siya ng panibagong pamilya para sumaya." Mahinang sambit ng ama niya, hindi nagsalita si Ulysses.



Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagbukas at pagsirado ng pintuan ng kwarto niya, doon pa lang niya minulat ang mata niya at napatitig na lang siya sa kesame.



"Cut!" Sigaw ng director, nagpalakpakan ang lahat at pinuri na naman ang galing ni Ulysses sa pag-ari.



Tinitaping na lang nila ngayon ang panghuling parte ng pelekulang ginagawa nila.

Dangerous Steps Series #2: ICHIRO VALIENTEWhere stories live. Discover now