KABANATA 9

1.4K 56 1
                                    

KABANATA 9

"Saan ba kayo nagpunta? Kanina pa kayo hinahanap," sinalubong kaagad sila ni Angelica na kumapit kaagad sa braso ni Ulysses.

"Sa dressing room." Sagot ni Ulysses sabay sulyap kay Ichiro.

"Anong ginagawa niyo doon?" Kuryosong tanong ni Angelica at bumaling din kay Ichiro.

Tumalikod lang si Ichiro at tumaas ang sulok ng labi niya. Umiling na lang si Ichiro at bumalik ulit si set.

Hindi na niya narinig ang pinag-uusapan ni Ulysses at Angelica dahil malayo siya sa kanila, tumaas lang ang kilay ni Ichiro at humarap sa kanyang makeup artist na agad na pinamulahan ng mukha.

Pagkatapos nilang maayosan ay balik sila sa taping, ang kinuha nilang scene ngayon ay nag-aagawan si Ulysses at Ichiro kay Angelica na siyang leading lady at si Ulysses ang pinili ni Angelica na siya namang leading man sa movie habang si Ichiro ay naiwang nasasaktan habang nakatingin sa kanilang dalawa na papalayo at biglang bumuhos ang ulan.

"Cut!" Sigaw ng director ng movie.

Nagpalakpakan ang mga staff dahil sa galing ng pinapaikita nilang tatlo.

"Perfect! Hindi na kailangang ulitin!" Masayang sigaw nh director at pinanood ang nakuha kaninag scene.

Inabutan naman ng isa sa mga staff ng towalya si Ichiro dahil siya lang ang nabasa ng tubig.

"Magaling! Magaling!" Papuri ng director.

Ngumiti lang si Ichiro at pinunasan ang kanyang katawan, hinubad mismo ni Ichiro ang damit na suot niya sa harap ng mga staff.

Nag-iwasan ang lahat maliban kay Ulysses titig na titig kay Ichiro sa malayo. Binasa ni Ulysses ang kanyang labi at tinignan si Ichiro mula ulo hanggang paa.

"Magbihis ka na doon sa dressing room!" Ang manager ni Ichiro at tinuto ang dressing room.

Nagulat ang manager ka Ichiro dahil bigla itong ngumiti mag-isa na parang baliw. Nailing na lang si Ichiro at hindi mawala ang ngisi sa labi dahil may naaalala ang siya sa dressing room.

Sinabit ni Ichiro ang towalya niya sa balikat niya at dumiretso na sa dressing room para magbihis, pero habang nagbibihis siya ay hindi niya maiwasang tumawa na lang mag-isa. Naaalala lang kasi niya ang nangyari kanina.

Bago siya lumabas sa dressing room ay napasulyap siya sa pwesto kong saan sila gumagawa ng kababalaghan ni Ulysses kanina at natawa na naman siya mag-isa, napatalon na lang ang isang sfaff ng dumaan ito sa harap ni Ichiro dahil sa pabigla bigla nitong pagtawa mag-isa.

Umiling na lang si Ichiro at nilagpasan ang staff at nailing sa sarili.

Pagkatapos ng ilang minutong break ay bumalik ulit sila sa pagte-taping.

Pagkatapos ng taping nila ay nauna siyang umuwi dahil narinig niya kay Angelica kanina na inimbitahan si Ulysses ng mga magulang ni Angelica na doon kumain sa bahay nila Angelica.

Kaya ang resulta, nakasimangot na umuwi si Ichiro sa bahay nila, nakasalubong niya ang ina niya at ang ama ni Ulysses at nagtaka dahil nakasimangot ito.

"May nangyari ba anak?" Tanong ng ina niya sa kanya ng huminto si Ichiro sandali sa kanyang ina para humalik.

"Wala po." Sagot niya at akmang lalagpasan na ang kanyang ina ng biglang nagtanong ang ama ni Ulysses.

"Where's Ulysses, Ichiro?"

Tumaas ang kilay ni Ichiro at nilingon ang ama ni Ulysses. "Edi nandoon sa kanyang ka love team." Sagot niya at nilagpasan na ang dalawang matanda at dumiretso na sa kanyang kwarto.

Dangerous Steps Series #2: ICHIRO VALIENTEWhere stories live. Discover now