KABANATA 19

1.3K 46 2
                                    


⚠️warning: spg r🔞
⚠️read at your own risk

KABANATA 19

Maagang nagising si Ichiro, tahimik ang bahay ng bumaba siya sa hagdan pero nakakaamoy siya napakasarap na amoy mula sa kusina.

Hinaplos ni Ichiro ang t'yan niya at naglakad papunta sa kusina, nagulat pa siya ng maabutan si Ulysses na naglulutoL.

"Wow! You can cook?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ichiro at lumapit kay Ulysses tsaka niyakap ito ng mahigpit mula sa likod na ikinagulat ni Ulysses.

"What are you doing, Ichiro?" Gulat na tanong ni Ulysses at pilit na kalasin ang kamay ni Ichiro na nakayakap sa kanya.

"No." Umiling si Ichiro at binaon ang mukha sa leeg ni Ulysses.

Naawang na lang ang labi ni Ulysses at nailing, kahit ano pa ang gagawin niya ay hindi talaga siya bibitawan ni Ichiro. Matigas ang ulo eh.

"Where's my Mama, Ulysses?" Tanong ni Ichiro makaraan ang ilang segundong katahimikan.

"I don't know. Paggising ko ay wala na sila ni Papa dito sa bahay," sagot naman ni Ulysses at pinagpatuloy ang pagluluto.

Napabuntong hininga na lang si Ichiro at pinahinga ang baba sa balikat ni Ulysses at pinapanood ang ginagawa ni Ulysses.

"Paano kung hindi sila maghihiwalay? Paano kung hindi tatalab ang pagpapanggap natin?" Marahang tanong ni Ichiro.

Tumigil sandali si Ulysses, natulala rin ito sandali pero agad din naman nitong pinilig ang ulo at kumuha ng bowl para ilipat doon ang nilutong ulam.

Kahit gumagalaw si Ulysses ay hindi pa rin bumibitaw si Ichiro sa pagkayakap.

"Are we still pretending?"

Napanguso si Ichiro sa biglaang tanong ni Ulysses, hindi niya mapigilang mapangiti. Kinagat ni Ichiro ang labi niya pagkatapos ay binasa ang labi at binalik ulit ang mukha sa pagkasubsub sa leeg ni Ulysses.

"Yeah, right..." Si Ichiro sa namamaos na boses.

Nailing na lang si Ulysses at nilapag ang bowl sa lamesa.

"Kumain na tayo," marahang sambit ni Ulysses.

Mabilis namang kinalas ni Ichiro ang mga kamay niya at agad na umupo sa tapat ni Ulysses.

"I don't know that you can cook, wow!" Namanghang tinignan ni Ichiro ang pagkaing nasa hapag.

"By the way, about sa sinabi mo bukas na may ideya na si Tanya sa relasyon natin."

Natigilan si Ichiro dahil sa tanong ni Ulysses, sumeryoso bigla si Ichiro at napasandal sa kanyang upuan at humalukipkip. Tumingin siya kay Ulysses na nakatitig sa kanya.

"Sisiraan niya tayo sa mga tao kapag nalaman niya ang totoong namamagitan sa ating dalawa," malamig na usal ni Ichiro at napatitig na lang sa kawalan.

Preskong presko pa rin sa kanyang utak ang mga sinabi ni Tanya sa kanya. He's disappointed, akala niya ay mabait si Tanya at kaibigan pero dahil lang sa sinabi niya ang toto na hindi siya nito ang tinutukoy niya doon sa sinabi niya ay lumabas na lang ang totoong anyo nito. Isang anghel na nagbabalat kayo.

"Kung kaya niyang siraan tayo-"

"Kaya niyang gawin 'yon. Kahapon ay gumagawa siya ng kwentong niligawan ko siya kahit hindi naman at paniwalang-paniwala ang mga tao sa kanya kahapon paano kaya, kaya niya ring gumawa ng kwento tungkol sa ating dalawa." Pagputol ni Ichiro sa sasabihin ni Ulysses.

Napatitig na lang si Ulysses kay Ichiro, seryosong seryoso si Ichiro at mukhang malalim ang iniisip.

"Natatakot ka?" Marahang tanong ni Ulysses.

Dangerous Steps Series #2: ICHIRO VALIENTEWhere stories live. Discover now