KABANATA 16

1.2K 50 2
                                    

KABANATA 16

"W-What did you say?" Gulat na tanong ni Ulysses, umawang ang bibig niya dahil sa gulat. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ni Ichiro.

Napabuntong hininga si Ichiro at bahagyang napayuko. Kinagat niya ang kanyang labi at lumayo kay Ulysses.

"Ibabalik na kita sa kama," maingat na binuhat ulit si Ulysses at dahan dahang binaba si Ulysses sa kama na titig na titig sa kanya at gulat pa rin sa sinabi niya.

Pagkatapos binaba ni Ichiro si Ulysses sa kama ay tinalikuran niya kaagad ito. Napapikit na lang si Ichiro pagkatalikod niya.

Fuck! Bakit ko ba 'yon nasabi?! Bakit bigla ko na lang 'yon nasabi?!

Ang tabil ng dila mo Ichiro!

"Where are you going, Ichiro?" Napalingon si Ichiro kay Ulysses ng bigla itong nagtanong, paglingon niya kay Ulysses ay naabutan niyang titig na titig si Ulysses sa kanya.

"Sa teresa, magpapahangin. Bakit? May kailangan ka ba?" Tanong ni Ichiro, pinakatitigan siya ni Ulysses pero ilang sandali ay umiling ito.

"Wala,"

Si Ichiro naman ngayon ang napatitig kay Ulysses pero agad ding nag-iwas ng tingin. Ewan niya ba pero nakaramdam siya ng hiya sa mga pinagsasabi niya kay Ulysses.

"Uh, okay..."

Kumurap kurap siya at dahan dahang tumalikod, naglakad na siya papunta sa teresa pero natigilan na lang siya dahil bigla na lang nagsalita si Ulysses.

"Pag-iisipan ko, Ichiro."

Napalingon na lang si Ichiro kay Ulysses pero paglingon niya ay sa kama ay nakahiga na si Ulysses at nakapikit na ang mata.

Unti unting umangat ang labi ni Ichiro, nakagat na lang ni Ichiro ang labi niya, umiling siya at tumalikod ulit para lumabas sa teresa.

Pagkarating niya sa teresa ay agad siyang humilig sa railings at napatingin na lang sa abalang mundo sa ibaba.

Napabuntong hininga si Ichiro pagkatapos ay tumingala, tumitig siya sa kalangitan, may mga ibong nagliliparan at malakas ang hangin kaya nililipad ang buhok niya ng hangin.

Hindi niya inaasahang masabi 'yon kay Ulysses kanina. Noong nasa pool pa lang sila ay iniisip na niya 'yon. Bigla siyang kinabahan doon sa sinabi ni Ulysses na malapit ng malaman kung sino ang sumagasa kay Ulysses.

Natatakot si Ichiro na baka kapag nalaman 'yon ni Ulysses ay baka lalayuan siya nito. Hindi siya natatakot na makulong, ang kinakatakotan niya ay ang magalit si Ulysses sa kanya.

Kanina habang sinasabi sa kanya ni Ulysses ang mga 'yon ay hindi siya makaimik. Subrang saya saya si Ulysses habang sinasabi sa kanya na malapit nang malaman ni Ulysses ang sumagasa sa kanya, hindi makaimik si Ichiro habang kinukwento 'yon lahat ni Ulysses sa kanya.

Baka kapag nalaman nito ang katotohanan ay layuan na lang siya ni Ulysses at magagalit ito sa kanya. Kaya niya nasabi kay Ulysses 'yon para sulitin ang mga natitirang oras na makakasama niya si Ulysses, dahil alam niyang dadating ang araw na malalaman ni Ulysses ang lahat at sa kulongan ang bagsak niya.

Nararamdaman niya at narinig pa niya kanina kay Ulysses na mabubulok sa kulongan ang taong sumagasa sa kanya which is siya, si Ichiro na kasama lang niya.

Selfish na ba siya o kaya hindi nakakaramdam ng guilty dahil ayaw niyang sabihin kay Ulysses na siya ang gumawa no'n kay Ulysses?

Sa totoo lang, walang planong sabihin ni Ichiro kay Ulysses na siya ang may gawa, sumaya siya kasama si Ulysses at gusto niyang makasama pa si Ulysses ng matagal pero pakiramdam niya nabibilang na lang ang araw na makakasama niya si Ulysses, dahil sa oras na babalik na ang may-ari ng bahay na 'yon na may cctv na posibleng nakuhanan ng cctv ang pagsaga ni Ichiro kay Ulysses.

Dangerous Steps Series #2: ICHIRO VALIENTEWhere stories live. Discover now