KABANATA 4

1.4K 58 4
                                    

KABANATA 4



"Anak?" Napabangon ang ina ni Ichiro ng maramdaman ang presensya niya.



Huminga ng malalim si Ichiro at niyakap ang ina. Hanggang ngayon hindi pa rin siya kumakalma, galit na galit pa rin siya sa ginawa ni Ulysses sa ina niya.



"May bago ka bang pelekulang pagbibidahan, anak?" Mahinang tanong ng ina niya at kinusot ang mata.



Wala ang ama ngayon ni Ulysses sa bahay nila dahil sinundan nito ang anak.



"Bakit hinahayaan niyo si Ulyssees ma na sigaw sigawan kayo?" May diing tanong ni Ichiro, natahimik ang ina niya at nag-iwas ng tingin.



"H-Hindi lang niya nagustuhan ang mga sinasabi ko sa media anak-"



Tumiim ang bagang ni Ichiro, "kahit na, Ma! Hindi ka niya dapat sigawan! Ano namang mali sa sinabi mo sa media?! Kung ayaw niyang ikasal kayo ng ama niya edi sana sinabi na lang niya ng masinsinan hindi 'yung sisigawan ka!"



Mabilis na kinalma ni Ichiro ang sarili niya, ang pinakaayaw niya sa lahat ay 'yung hindi rerespetohin ang ina niya, kumukulo ang dugo ni Ichiro sa tuwing may mga taong hindi marunong rumespeto sa kanyang ina. At 'yung ginawang pagsigaw ni Ulysses sa ina niya ay ang pinakagalit siya.



"Anak..."



"You don't need to please people to accept you, Ma! Kung ayaw nila sa'yo 'wag mong pilitin!"



Inis na napatayo si Ichiro at hinilamos ang palad sa mukha, nagpipigil siya sa galit niya.



"Hayaan mo na siya, anak... Normal na reaction lang 'yun kasi ayaw niyang ikasal ako sa ama niya dahil ayaw niyang mapalitan ko ang ina niya sa buhay ng kanyang ama."



Suminghap na lang si Ichiro at inis na lumabas sa kwarto ng kanyang ina, ang hindi niya rin gusto ay kabaitan ng ina niya. Masyado itong mabait, kahit mali ng iba ayus lang sa kanya. Tss. Mas gusto pa nga niyang masungit ang ina niya para malabanan ng ina niya si Ulysses.



Binagsak ni Ichiro ang pintuan ng kwarto niya at galit na sinipa ang upuan tsaka naupo sa dulo ng kama.



Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya ng husto, kung magagalit man siya hindi naman ganito. Nandidilim ang mata niya, mas lalong nadepena ang itim niyang mata at ang kanyang inaantok na mata.



Kinuha ni Ichiro ang laptop niya at mabilis na ginalaw ang mga kamay, ita-track niya kung nasaan si Ulysses, pupuntahan niya ito kung nasaan man si Ulysses ngayon. Ang kawalan niya ng respeto kanina sa hindi mapapatawad ni Ichiro.



Ilang segundo lang ay natrack na ni Ichiro si Ulysses, nasa malapit itong hotel nag stay.



Sinarado niya ang laptop niya at natulala sa kawalan. Ilang sandali pa ay tumayo siya at kinuha ang susi ng kotse niya.



May dala dala din siyang cellphone para malaman niya kung nasaan na si Ulysses.



Galit siyang nagdrive, sumulyap siya sa cellphone niya at nakita niyang gumagalaw ang pulang ilaw ibig sabihin ay umalis si Ulysses.



Tumuon ang atensyon ni Ichiro sa daan, hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon. Wala na siya sa tamang pag-iisip, basta ang alam niya ay galit na galit siya kay Ulysses.



Nanggigigil siya sa galit, gusto na niyang paliparin ang kamao niya sa pagmumukha ni Ulysses.



Sumulyap ulit siya sa cellphone niya, nakahinto na ang pulang ilaw kaya mas lalong binilisan ni Ichiro ang pagdadrive para agad na makarating sa kinarorounan ni Ulysses.

Dangerous Steps Series #2: ICHIRO VALIENTEWhere stories live. Discover now