KABANATA 13

1.5K 55 11
                                    

KABANATA 13

Nagising si Ulysses na parang may mabigat na nakadagan sa kanya, nagising siya na masama ang pakiramdam.

Dahan dahan niyang binuka ang mata niya at diretsong tumama ang mata niya kay Ichiro na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi.

"Fuck..." Daing ni Ulysses dahil sumakit bigla ang katawan niya ng kumilos lang siya.

What the fuck is happening to me?!

Gumalaw ulit si Ulysses pero kumikirot lang ang pwet niya sa tuwing pinipilit niyang gumalaw, parang may napupunit sa pwetan niya sa tuwing gagalaw siya. Ang masama pa ay pagod na pagod siya, parang ang init ng pakiramdam niya at nanginginig ang kanyang katawan.

Gumalaw ulit siya pero napatigil na lang ulit dahil sa subrang sakit na nararamdaman, hindi niya kayang gumalaw pa ulit dahil nanghihina lang siya.

Napapikit siya ng mariin at huminga ng malalim. Pakiramdam niya ay mapupunit ang katawan niya kapag gagalaw pa siya ulit kaya mas mabuting manigas na lang siya sa kinahihigaan niya kaysa gumalaw ng gumalaw dahil baka mapupunit lang siya at masama ang pakiramdam niya, mabigat at nanginginig siya sa lamig pero mainit ang katawan. Hindi nagtagal ay nakatulog ulit si Ulysses.

DAHAN DAHANG tumagilid si Ichiro para yakapin si Ulysses pero nagulat na lang siya ng maramdamang subrang init nito.

Diretsong napatayo si Ichiro at mabilis na sinapo ang noo ni Ulysses.

"What the?" Naawang ang labi ni Ichiro ng maramdamang subrang init ni Ulysses at nanginginig pa ito.

Mabilis na bumaba si Ichiro sa kama at kinuha ang remote ng aircon at pinatay ang aircon. Bumalik siyang muli kay Ulysses at sinapo ulit ang noo.

Nailing na lang si Ichiro at inayos ang comforter kay Ulysses, binalot niya si Ulysses ng comforter. Pinakatitigan niya si Ulysses, nagtataka siya kung bakit nilalagnat si Ulysses eh hindi naman ito naambunan kahapon kasi nanatili lang sila sa buong araw sa kwarto nila-

Napakurap kurap na lang si Ichiro ng may mapagtanto. Wala sa sariling tinignan niya ang pagkalalaki niya.

"Gan'yan ka ba kalaki para lagnatin si Ulysses?" Parang tangang tanong ni Ichiro sa kanyang sarili.

Nailing na lang siya at binalik ang tingin kay Ulysses na nanginginig pa rin sa lamig.

Hinilamos ni Ichiro ang kanyang mukha gamit ang kanyang dalawang palad. Tumayo ulit siya sa kama at pumunta sa banyo para kumuha ng bimpo at binasa ito ng tubig at piniga.

Bumalik siya kay Ulysses at pinatong niya ang basang bimpo sa noo ni Ulysses, gan'yan kasi minsan ang ginagawa ng kanyang ina kapag nilalagnat siya.

Napatingin si Ichiro sa pintuan ng marinig niya ang sunod sunod na katok. Tinitigan niya ito sandali bago tumayo para pagbuksan ang pintuan. Si Angelica at Tanya ang bumungad sa kanya.

"Ichiro! Gosh! Bakit hindi na kayo bumalik ni Ulysses kahapon sa restaurant?" Nakangusong sambit ni Tanya at mahinang tinampal ang kanyang braso.

Isa isang tinignan ni Ichiro ang dalawang babae sa harapan niya, "uh... What are you doing here? Do you need something?" Nakakunot noong tanong ni Ichiro, gustong gusto na niyang isarado ang pinto para balikan na si Ulysses.

"Nakalimutan mo na? Ngayon ang simula ng taping natin," si Tanya, umawang ang labi ni Ichiro.

Fuck...

"Where's Ulysses? Natutulog pa ba siya? Anong ginagawa niya?" Sunod sunod na tanong ni Angelica kay Ichiro.

Napakamot na lang sa kanyang ulo si Ichiro at malapad na binuksan ang pintuan.

Dangerous Steps Series #2: ICHIRO VALIENTEWhere stories live. Discover now