KABANATA 15

1.4K 55 2
                                    

KABANATA 15

Busangot ang mukha ni Ulysses, tulak tulak ni Ichiro ang wheelchair palabas sa hotel room nila.

Pinagtitinginan sila ng mga taong nakakasalubong nila, halos patayin ni Ulysses ang mga taong tumitingin sa kanya.

Naalala pa niya na nag-aaway pa sila ni Ichiro kanina habang pinapaupo siya sa wheelchair.

Kailangan pa siyang buhatin ni Ichiro para maiupo siya sa wheelchair. Ang dami na lang nilang pinag-awayan kanina bago siya naisakay sa wheelchair.

"Where do you wan't to go?" Tanong ni Ichiro kay Ulysses.

"Kahit saan, nakakabagot sa loob ng kwarto." Walang ganang sagot ni Ulysses habang nakapangalumbaba.

Pumasok sila sa elevator, hindi sila nag-imikan. Habang hinihintay na bumukas ang pintuan ay bigla na lang tumunog ang cellphone ni Ichiro.

"Hello, Ma..."

Umayos ng pagkaupo si Ichiro, medyo umayos na ang pakiramdam niya. Hindi na mataas ang lagnat kaya unti unti na ring bumabalik ang kanyang lakas pero hindi pa rin niya kayang tumayo dahil sumasakit pa rin ang pwet niya.

"Yes, nandito siya. Bakit?"

Napalingon si Ulysses kay Ichiro sa likod niya, bumaba ang tingin ni Ichiro sa kanya at binigay ang cellphone.

"Gusto kang makausap ng Papa mo," marahang sambit ni Ichiro, tinanggap naman ni Ulysses ang cellphone at tinapat sa tenga niya.

"Pa?"

"Anak, kumusta ka d'yan sa Thailand?" Bungad ng Papa niya.

Napabuntong hininga naman si Ulysses, "I'm fine, Pa." Marahang sagot ni Ulysses.

Bumukas ang pintuan kaya tinulak ulit ni Ichiro ang wheelchair. Nasa groundfloor na sila at parang sa pool pa siya dadalhin ni Ichiro.

"May sasabihin ako sa'yo anak," sumeryoso kaagad ang boses ng kanyang ama.

"Ano 'yon pa?" Narinig niya sa kabilang linya ang pagbuntong hininga ng ama niya.

Gustong gusto na niyang malaman kung ano ang sasabihin ng ama niya sa kanya dahil pakiramdam niya ay napakaimportante ng sasabihin ng ama niya kaya ito tumawag ngayon.

"Malapit na natin malaman kung sino ang sumagasa sa'yo."

Kumunot na lang ang noo ni Ulysses, tumiim ang bagang niya. Ilang buwan ang nakaraan hindi pa rin nahuhuli ang taong sumagasa sa kanya na naging dahilan kaya niya nakalimutan ang ilang ala ala sa kanya.

Kung nasaan man nagtatago ang taong 'yon. Sa isip ni Ulysses ay hinding hindi niya hahayaang makatakas ulit ang taong sumagasa sa kanya, ipapakulong niya ito at sisiguradohin niyang mabubulok ito sa kulongan.

"Sa pinangyarihan ng aksidente, may isang bahay doon na may cctv at noong tinignan ng mga pulis ang bahay nalaman nilang ang cctv ay nakaharap sa convenience store at posibleng nakuha sa cctv ang nangyari sa'yo nang gabing 'yon. Kapag makita natin ang kuha ng cctv ng gabing 'yon ay pwede nating malaman kung sino ang sumagasa sa'yo."

Tumaas ang sulok ng labi ni Ulysses, hindi na siya makapaghintay na mahuli ang sumagasa sa kanya, siya mismo ang haharap sa taong 'yon. Hinding hindi niya kaawaan ang taong gumawa no'n sa kanya, hinding hindi niya papalagpasin ang ginawa ng taong 'yon sa kanya.

Ang daming nagbago sa kanya pagkatapos ng aksidenteng 'yon. Maraming nagbago sa katawan niya, isa na roon ang kakaiba niyang nararamdaman kay Ichiro.

Hindi man niya naalala kung paano niya nakilala si Ichiro dahil ang mga ala alang 'yon ay ang nabura sa kanyang utak kaya hindi niya alam kung paano, saan at kailan sila nagkakilala ni Ichiro.

Dangerous Steps Series #2: ICHIRO VALIENTEWhere stories live. Discover now