KABANATA 11

1.5K 50 6
                                    

KABANATA 11

Ilang oras ang byahe papuntang Thailand, pagod na pagod sila pagdating sa Thailand.

Sa Aiport ng Thailand ay may sumundo sa kanilang anim na van dahil sa dami nila at kahit sa airport ng Thailand ay may mga fans na naghihintay sa kanila habang sinisigaw ang pangalan nila pero pagod ang lahat sa byahe kaya hindi napansin ang mga fans.

Pumunta na sila sa hotel na tutuluyan nila, may mga pulis at mga body guard na pumipigil sa mga fans sa hotel.

Pagod na bumaba si Ichiro at Ulysses sa Van, pagod na pagod sila sa byahe dahil ilang oras silang nakaupo lang sa eroplano.

"Kaming dalawa ni Ulysses ang magsama sa kwarto—"

"No!" Dahil sa sinabi ni Angelica ay nawala ang antok ni Ichiro, kumunot ang noo ng mga kasama nilang staff dahil sa biglaan niyang pagsigaw kahit nga si Ulysses ay nawala na rin ang antok.

"Ichiro? Anong nangyari sa'yo?" Nagtataka na tanong ng director nila, napalingon ang lahat ay Ichiro na nanlaki ang singkit na mata.

"I mean... Love team nga kayo pero kailangan bang magsama kayo sa iisang kwarto?" Paliwanag kaagad ni Ichiro.

Nagkatinginan ang mga staff, kumunot naman ang noo ni Ulysses at napailing na lang.

"Walang kayo kaya bakit kailangan niyong magsama sa iisang kwarto? Bakit, Angelica? May balak ka bang gagawin?" Kumunot ang noo ni Ichiro habang nakatitig kay Angelica na pinamulahan kaagad ng pisnge.

"H-Ha? B-Bakit mo naman 'yan nasabi, Ichiro? W-Wala akong b-balak 'no..." Awkward na tumawa si Angelica at hindi alam kung saan titingin.

"Tss. Hindi pwedeng magtatabi ang babae at lalaki kapag hindi pa ito kasal. Hindi ba kayo sinabihan ng magulang niyo 'yan? Tss." Inis na pinasok ulit ni Ichiro ang kamay niya sa bulsa ng suot niyang jacket pagkatapos ay kinuha sa kanyang manager ang susi ng hotel room nila.

"Let's go, Ulysses. Dalhin mo na bagahe ko," utos niya kay Ulysses.

Kumunot ang noo ni Ulysses at nalaglag ang panga habang sinusundan ng tingin si Ichiro na nauunang maglakad.

"What the fuck? Ginawa pa akong utusan." Inis na sambit ni Ulysses at padabog na kinuha ang bagahe niya at ang bagahe ni Ichiro.

Pumasok siya sa elevator, pagkasarado nito ay hinarap niya kaagad si Ichiro at binatukan ito.

"'Wag mo nga akong gawing utusan mo! Dalhin mo 'tong bagahe mo!" Inis namang binigay ni Ulysses kay Ichiro anh bagahe nitong subrang bigat.

"'Wag ka ngang mambatok ang sabihin mo galit ka sa akin dahil hindi mo makasama si Angelica sa iisang kwarto."

Kinuha ni Ichiro ang bagahe niya at nang tumunog ang elevator ay lumabas kaagad siya. Hindi na hinintay si Ulysses.

"Hey! Wait up!" Sigaw ni Ulysses at agad na humabol.

Natulog kaagad ang dalawa pagdating nila sa kwarto nila, hindi na sila halos makatayo sa subrang pagod hirap na ngang idilat ang mga mata dahil sa pagod.

Nagising kaumagahan si Ichiro dahil sa sunod sunod na tunog ng kanyang cellphone, dumaing si Ichiro at pikit matang bumangon at kinapa ang mesa na nasa gilid ng kama at nang makapa ito ay bumalik ulit siya sa pagkahiga at pikit matang sinagot ang tawag.

"W-Who's this?" Namamaos niyang tanong.

"Anak, mama mo 'to..." Boses ng ina niya ang narinig niya, dahan dahanh dinilat ni Ichiro ang mata niya at sumingkit ang mata habang binabasa ang pangalang naka register sa cellphone niya.

Dangerous Steps Series #2: ICHIRO VALIENTEWhere stories live. Discover now