KABANATA 14

1.4K 55 11
                                    

KABANATA 14

"Hindi tayo makakapag taping dahil nilalagnat si Ulysses at hindi makalakad," anonsyo ng director nila sa mga staff at ilang artistang kasama nila sa set.

"Kahapon lang ang ayos naman ng pakiramdam niya." Sabi naman ng isa sa mga staff, napatango naman ang iba.

"Tinubol nga siya, ang kulit. Malaking tubol ang inilabas niya kahapon! Kailangan ko pa nga siyang i-cheer para lumabas ang monster na tubol na 'yon." Singit ni Ichiro na kanina pa nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga staff.

"Pwede ba 'yon? Nilagnat dahil tinubol?" Kunot noong tanong ni Claire, isa sa mga rising actress sa pilipinas.

"I try mo daw? Tutubulin ka tapos malaking tubol ang lumabas tapos 11 inches pa kaya mo 'yon?" Napanganga na lang ang lahat sa sinagot ni Ichiro, napangiwi at hindi maimagine ang 11 inches na tubol.

"Malala nga." Komento ng isang staff.

"Nako! Nakakatakot! 11 inches?! Nako! Anong klaseng tubol 'yon? Ulta pro tubol max unlimited edition?" Sambit naman ng isa pa.

Nailing na lang si Ichiro at nagpipigil ng tawa dahil sa mga pinagsasabi ng mga kasamahan niya sa trabaho.

I wonder, ano kaya ang magiging reaksyon ni Ulysses kapag narinig niya ang mga pinagsasabi ng mga staff?

Kinagat ni Ichiro ang kanyang pang-ibabang labi at nailing ulit. Paniguradong sasabog si Ulysses sa galit at baka mapapatay pa talaga ni Ulysses si Ichiro.

"So, ma eextend ang pagstay natin dito sa Thailand, mag enjoy na muna kayo habang nagpapagaling si Ulysses. Kapag magaling na siya ay balik ulit tayo sa trabaho."

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ng director nila. Nagsitayuan sila para umalis na. Tumayo rin si Ichiro para bumalik na siya sa kwarto nila ni Ulysses.

"Kawawa si Ulysses 'no?" Narinig niya ang mga bulungan ng mga staff habang papalabas sa restaurant.

"Oo nga, hindi ko maimagine 'yon. Jusko! Natatakot na akong tumae!"

Napangisi si Ichiro sa mga narinig, napailing siya at pumasok na sa elevator, sakto namang pagbukas ng elevator ay naabutan niya ang dalawang lalaking naghahalikan.

Mabilis na nag-iwas ng tingin si Ichiro at napalunok. Nagdadalawang isip siya kung tutuloy pa ba siya papasok.

Pero kailanga niyang puntahan si Ulysses dahil hindi pa rin bumababa ang lagnat no'n kaya kailangan na agad niyang balikan si Ulysses. Wala nang nagawa si Ichiro kundi ang pumasok, hindi niya nilingon ang dalawa sa gilid niya na naglalampungan.

Sa Thailand, hindi na bago sa kanilang makakakita ng mga lalaking may relasyon, dito sa bansang Thailand ay hindi sila natatakot na ipakita sa mga tao na may relasyon ang parehong may kasarian, hindi naman sila nakakakuha ng mga panlalait mula sa ibang tao kaya hindi rin natatakot ang mga same sexc couple na ipakita na may relasyon sila.

Halos dumikit na si Ichiro sa dingding ng elevator dahil ayaw na ayaw niyang dumikit sa dalawang lalaking naghahalikan.

Naririnig pa niya ang mga tunog ng mga halik nila, napapalunok na lang si Ichiro at pinikit ng mariin ang mata.

Tangina! Bakit hindi ko hinalikan si Ulysses sa elevator? Naiinggit ako! Kailangan naming gawin din ito ni Ulysses kapag sasakay kami ng elevator!

Halos isigaw ni Ichiro ang katagang SALAMAT nang lumabas ang dalawa, nakahinga siya ng maluwag.

Napasandal na lang si Ichiro sa dingding at napabuntong hininga.

God! Thank you! Thank you! Pinababa niyo na sila! Inggit na inggit na ako dito!

Dangerous Steps Series #2: ICHIRO VALIENTEWhere stories live. Discover now