06

12 2 4
                                    

L A I N

First day of classes. The weather is beautiful. Just like the day I died. Mataas ang araw at may iilang ulap. Katamtamang lamig ng simoy ng hangin at dinig ang mga huni ng ibon mula sa mga berdeng puno.

"Liko na ako pre, sa college building na punta ko." Paalam ni Chan. "See you sa break time."

"Magkaiba tayo ng break."

"Tatlo break ko, parehas tayo ng oras sa isa tuwing monday. First break. Magkita tayo, 'wag ka nang makulit."

I sighed. He can really be a big brother sometimes. Dinaig pa Kuya ko.

I nodded my head and waved at him. Pumunta na ako sa classroom. Ingay ang sumalubong sa akin. Wala pang prof.

Inikot ko ang paningin sa room. This room knows how much I suffered while studying. Iyong aral ang ipinunta ko, pero puro sakit ang nakuha ko.

Nahagip ng mga mata ko si Robbie na kinuha ang breakfast ng isa naming kaklase.

My sight turns red. She didn't change a bit. Gusto kong isuksok sa bibig niya ang sangkatutak na burger hanggang sa mabulunan siya at 'di na makahinga.

Nilapitan ko siya at ang kaklase kong inagawam niya ng pagkain. As far as I can remember, his name is Alben. He's a nerd, a good nerd, malayong-malayo sa katulad ni Marga.

"Robbie," I called her, she's chewing the food. At mukhang sarap na sarap siya."Don't you think it's too early to eat burgers? And it's oily, not really good for your skin and health." I creased my forehead, looking concerned about her.

Robbie's mouth turn into 'O', binitawan niya agad ang pagkain. Pahagis na binalik kay Alben, kahit na halos buns at cover na lang ang natira.

She held my hands and beamed her brightest smile. "I forgot about that! You saved my life, Ely! Thank you!"

Ang arte mo. Huwag mo akong hawakan.

Ngumiti ako, I patted her shoulder. "It's nothing. Ang kinis ng mukha mo, sayang kung magkaka-pimple ka dahil lang sa isang burger." Iyang mukha mong masarap punitin kahit gaano pa kakinis.

"Gosh, you're so right! Puro oily foods pa naman binabaon niyang si nerdy. 'Di na ako sa kaniya manghihingi ulit."

Manghihingi? Oh, Robbie. You can't fool me. I know you too well. Kilalang-kilala kita higit pa sa pagkakakilala sa 'yo ng mga kaibigan mo.

"Omg nand'yan na si prof! Come on, Ely. Tabi ka sa 'kin!"

"Sige, mauna ka na may itatapon lang ako." Sabi ko rito.

Malapit sa trash bin ang mga upuan tabi ni Alben. I removed the drive and carefully throw away the phone. Natabunan iyon ng nagkukumpulan na papel. Pinuntahan ko si Alben at kinalabit.

"'Wag mo na kainin 'yan," Turo ko sa burger na nasa ibabaw ng mesa niya. "I'll treat you later." Pagsabi ko non ay umalis na ako at pumunta sa tabing upuan ni Robbie.

I'm in their circle right now. Inaasahan ko na magkakatabi silang magkakaibigan. Gerthy, Dann and Mike are in front of us. Tabi ko si Robbie na nasa kanan ko, at sa kanan naman niya ay si Marga.

LainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon