G E R T H Y
I'm so pissed right now. Dann needed to cancel again our date for today because of this stupid report. At ang mas nakakainis pa, kasama niya ang mga kagrupo niya ngayon, including that Ely!Kinalabit ko ang leader namin, "P'wede na bang umalis?" Mahina kong tanong sa kaniya.
"Hindi pa," Sagot niya sabay kagat sa chocolate cookie. Inabutan niya ako. "Break muna, practice ulit after nito tapos puwede na umuwi."
Kagat-labi kong tinanggap ang cookies. Nandito kami sa bahay ng isa naming ka-grupo. We're getting ready for our group report tomorrow. Dapat aapila ako sa meet up namin ngayon, because obviously it's sunday. But majority wins and all of them are free today. So I had no choice but to agree also.
Tinignan ko si Mike na panay laro sa selpon habang kumakain. Sumimangot ako. I took my phone out and send Dann a message.
_____
Dann <3 online 30 mins ago..
Anong oras kayo matatapos? Magkita tayo after niyan. Love you.
_____
Kating-kati na ang kamay kong tawagan siya sa mismong phone mumber niya, but he reminded me not to call him to not disturb them doing their report. Gusto kong mainis, ako, istorbo? I'm his girlfriend! I always comes first before anything else!
Pero 'di ko magawang mainis sa kaniya ng matagal, he's Dann.. and I love him so much that I'd understand whatever he asks or say. Kapag tinawagan ko siya, magagalit siya, at ayokong nagagalit siya sa 'kin! Makakapaghintay pa naman ako para marinig boses niya.
"Continue na guys," Anunsyo ni lead, tinapunan niya ng tingin si Mike. "Quit mo na 'yan, Adnina."
"Wait lang! Wala pa ngang late game, 'e."
"Kapag hindi ka tumigil d'yan, ilulublob ko ulo mo sa kubeta nina Orapa."
"Gawin mo nga, lead! Barado pa naman 'yun ngayon." Nagtawanan sila.
Biglang pinatay ni Mike ang selpon niya at inis na ibinato sa lamesa. "'Yan na! Pasalamat kayo masarap cookies n'yo Orapa." Magkasalubong na kilay siyang kumuha ulit ng cookies.
"S'yempre masarap 'yong gumawa."
"Lul, baka ulo mo lublob ko sa inodoro ninyo."
Napairap ako, "Nasa harapan kayo ng pagkain, ang bababoy n'yo." Suway ko.
Ano ba naman kasi 'yang pinag-uusapan nila? Kadiri. Tsaka, naalala ko si Lain sa inodoro na 'yan, 'e. I used to bully her last school year.
I pushed Lain inside our school's comfort room. Hinala ko pa siya papasok sa isang cubicle at muling itinulak. Ilang beses siyang napa-aray habang hawak ang magkabilang braso niya.
"Ano bang ginawa ko sa 'yo, Ty?" Lumuluhang sambit nito na nakatukod na ang kamay sa gilid ng toilet sink.
Mas lalong uminit ang ulo ko. Ano raw? Ty? Are we close enough for her to call me in my nickname?!
I grabbed her hair, she screamed in pain. Sinampal ko siya nang matigil siya sa kasisigaw. Mamaya may makarinig pa sa amin dito.
BINABASA MO ANG
Lain
General FictionA senior high school student, committed suicide by drinking tons of pills inside the infirmary. Her name is Lain, whom killed herself but still alive, in someone else's body.