2

50 8 12
                                    

Pagkatawid ko ng kalsada, nakita ko na agad yung sundo ko. Driver namin yung susundo sa'kin syempre pero gusto ko rin maranasan yung susunduin ako ng boyfriend ko tapos magddate muna kami bago umuwi ganon... pero hanggang imagination lang muna 'yon.



Ilang minuto lang yung lumipas pero nandito na agad kami sa bahay. Sobrang lapit lang ng UST sa tinitirhan ko, kaya 'di naman ganun ka-hassle pag late ako or pag rush hour.



Pagkababa ko ng kotse, agad na sinalubong ako ni Ate Lia. "Sunoooo! Congrats bb! You're finally done with this school year. How was your last day?" Sa aming magkakapatid, sya lang talaga 'tong englishera. Si Jake din englishero yun eh, mga Lasallians nga naman.



"Nakakapagod syempre, daming energetic today eh," halata siguro sa pagsagot ko na exhausted ako. I was never the cheerful type of person. I'm actually an introvert but when it comes to bonding with my friends, mas extrovert pa 'ko sa extrovert.



'Di na 'ko ininterview pa ni Ate at pumasok na lang kami ng bahay. Hindi ganun kalaki bahay namin though may bigating artista sa pamilya namin. Sakto lang sya for the 5 of us, ayaw namin ng too big or too small of a house.



"Anak, andito ka na pala!" Gulat na bati sa'kin ni Papa, kadalasan kasi, 6pm ako nakakauwi ng bahay at dahil wala namang masyadong events today, 3pm palang andito na ako so kagulat-gulat talaga 'yon.



"Grabe naman 'tong si Papa ayaw mo pa ba ako makita," nilagay ko kamay ko sa dibdib ko, nag-aaktong nasaktan.



"Dito ka na nga lang bub, ginugulo mo pa anak natin eh."



"Hi Ma!" Niyakap ko si Mama. Malapit talaga ako sa pamilya ko lalo na kina Mama at Papa.



Sakto, kakain na pala sila ng meryenda, kaya naman sumabay na ako sa kanila bago pa umakyat sa kwarto ko. Nag-unpack na ako ng bag ko at nilinis ko na rin ang kwarto para makahiga na ako. Matutulog muna ako kasi nadrain talaga ng bonggang-bongga yung social battery ko kanina jusko!




Time check: 7pm



Pagkatunog na pagkatunog ng alarm ko, tumayo agad ako ng kama at bumaba sa dining room para kumain. Ganitong oras kami laging kumakain and dapat lahat kami present sa dining table, parang attendance kumbaga. Nakasanayan na kasi sa pamilya namin ang pag-kain ng sabay-sabay. Kung sa ibang pamilya ay pwedeng 'di sila sabay kumain sa hapag-kainan, pwes sa'min hindi yan pwede.



Habang kumakain kami, biglang nagsalita si Mama.



"Oo nga pala," panimula nya. "Diba next week tapos ng klase nyo, Lia?"



"Uhmmm, as far as I know, yes po next week tapos..."



"Great! We can celebrate your vacations next week then," yung ngiti nya ngayon abot langit.



Napakunot noo ko sa sinabi ni Mama. 'Saan naman kami pupunta?' and as if narinig ni Kuya Inyeop yung thoughts ko, bigla nyang tinanong- "Saan naman po tayo pupunta? Like, naplano nyo na po ba ni Papa?"



Natawa naman si Papa sa sinabi ni Kuya. "Hahaha! Syempre naman. 3 days yung plinano naming vacation and since next week pa tapos ng DLSU and ADMU... next week na din tayo aalis."



Huh?



Alam kong sa DLSU nag-aaral si ate pero ano namang connect ng ADMU sa usapan namin?



"Po? Ano po meron sa ADMU?" 'di ko na napigilan sarili ko at agad ko nang itinanong sa kanila.



"Ay hahaha 'di ko pa pala nasasabi," ibinaba muna ni Papa yung kutsara't tinidor nya at saka tumingin sa 'ming magkakapatid. "Kasama natin pamilya nina Tita Romina mo."



simula bata pa - a sunki tagalog ficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon