5

44 5 35
                                    

"We're here na! Gising na uy!"



Tinapik ako ni Jeongin kaya nagising na ako. Ang lakas ba naman ng pagkatapik sinong 'di magigising doon? Buti naman 'di ako nakatulog sa balikat ni Riki. Baka mamatay pa 'ko sa hiya pag ginawa ko 'yun noh.




Time check: 8pm



Nakarating na kami sa Southwinds. Public resort sya sa Calamba, Laguna. First time naming pumunta dito kaya inadmire ko muna yung lugar. Hindi kami pumunta sa private resorts kasi alam naming lahat na mas masaya talaga kapag maraming tao. At hindi nga ako nagkakamali, sobrang daming tao dito!



Pagkatapos nila magbayad ng mga fees, pumasok na kami sa loob habang dala-dala ang mga sandamakmak naming bagahe.



Tsaka na din kami naghanap ng malaking table na pagsstay-an buong gabi. Buti naman yung nahanap naming table is malapit na sa karaoke kaya habang kumakain kami, nagpapasiklaban ang mga boses naming pang 'The Voice' daw ang dating sabi ng mga magulang namin.



Oras na daw para magswimming kami kaya nagchange muna kami into our swimming attires. Yung mga babae, nakabikini at yung mga lalake naman ay nakatopless lang. Ako lang yung nakat-shirt kasi 'di ako comfy pag naghuhubad ng pantaas. Nakakahiya kaya, andami pang tao.



Nauna si Kuya Inyeop magdive sa pool kahit may malaking sign doon na "No Diving" daw. Ayon, napagalitan at sinermonan sya ng lifeguard. Kala mo 'di artista eh, nakakahiya sobra! Hindi ko 'yan kapatid.



Tumalon na kaming lahat sa pool at lumangoy-langoy na. Hindi dive kasi ayaw naming matulad sa isa jan.



Lahat pala kami tumalon maliban lang kay Riki. Nakita ko syang may katawag sa phone nya habang nakaupo sa tabi ng pool.



Si Winter siguro 'yon.. edi wow.



Nung tinignan ko uli sya, nakatingin din pala sya sa 'kin kaya iniwas ko agad yung tingin ko.



Puta ano yon??



Medyo namula ako at kinagat ko yung labi ko para pigilang ngumiti. Simpleng eye contact lang iyon pero pagdating kay Riki ewan, pati titig nya ang lakas ng dating!



Sa sobrang tanga at distracted ko ay nadulas ako sa pool. Kala ko malulunod na ako pero may lalakeng lumigtas sa akin.



"Ay gagi muntikan ka na pre," sambit nya habang nakahawak yung isang kamay nya sa bewang ko at yung isa naman nyang kamay sa ulo ko.



Wow, ano 'to? K-drama? Tapos anong next? Kukunin nya number ko tapos magddate kami tapos liligawan nya ako tapos mahuhuli kong namb-babae sya tapos sisirain nya puso ko?!



Narinig ko yung kantyawan ng mga lalake na malapit sa 'min. Mga kaibigan nya siguro iyon. Pansin kong medyo matagal na kaming nasa ganung posisyon kaya inalis ko na yung kamay nya at nagpasalamat sa pagliligtas sa akin. Muntik pa 'kong mabagok ha.



Medyo nahihiya din ako kasi hanggang ngayon nang-aasar pa din yung mga lalake kaya namumula na siguro yung mukha ko sa hiya. Wala na, para na akong kamatis dito.



Naramdaman kong parang may nakatitig sa 'kin kaya nilingon ko ang direksyon nya.



Putangina si Riki.



'Di ko alam kung guni-guni ko lang pero para bang malungkot yung mukha nya. Ilang segundo ata kaming nagtitigan kaya umiwas na sya ng tingin at tipid na ngumiti. Ang weird din nya minsan...



simula bata pa - a sunki tagalog ficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon