Anong enjoy?!?
Gago?!
Napaawang naman yung labi ko nang marealize ko kung ba't sinabi ni ate sa amin 'yun. Mukha ba kaming magjowa para gawin... 'yon?!?! Yuck! Shinake ko na lang yung thoughts ko at bumalik sa kama namin.
Actually, maliligo din ako kaya nagmadali akong pumunta banyo para maligo na rin.
Pagkalabas ko ng banyo, nakita kong nakahiga na sa isang side ng kama si Riki habang may katawag... si Winter siguro.
"Oo na, oo na jeez! I'll buy you souvenirs tomorrow..." Nagtama ang mga mata namin. "Sige na, matutulog na 'ko, bye."
May tinext muna sya bago nya ibaba yung cellphone. Tropa nya siguro yung kinausap nya.
Speaking of pasalubong, bibilhan ko pa pala bukas sina Jungwon at Jake kasi baka magtampo sila pag umuwi akong walang pasalubog. Tamporurot pa naman yung isa jan.
Umusog na ng konti si Riki at papatayin na sana yung ilaw–
"Is it okay if I..."
Sobrang gentle ng boses nya.
"Iwan mo na lang nakabukas yung lamp..."
Ba't parang nagtunog na inuutusan ko sya? Hala baka nagmukha akong mataray. Sige, tangahan mo pa Sunoo! Nakakailan ka na today.
Iniwan nyang nakabukas yung lamp at humiga na ako sa tabi nya. May parang pader ng mga unan sa gitna namin kaya 'di kami totally magkatabi. Gulo noh? Basta gets nyo na 'yon.
Hanggang dito amoy ko pa sya. Naghalo-halong sabon, shampoo at perfume, in short, sobrang bango. Ano ba 'yung pabango nya ha!?!
Parang 'di ata ako makakatulog neto.
Sa mga movies, nagigising yung mga characters na magkayakap na sila. Kaya no, hindi ako matutulog.
Time check: 9am
Hindi nga 'ko natulog.
Sobrang lalim na ng mga mata ko pero pinigilan ko pa din yung antok ko.
Nag-alarm na yung cellphone namin kaya nag-asta akong bagong gising at uminat-inat sa kama. Namaster ko na yung mga ganitong pag-acting kasi lagi ako nahuhuling gising.
Ngayon lang ako haharap sa side nya, buong gabi kasi ako nakatalikod sa kanya.
Tinignan ko yung features nya. Mukha naman syang mabait pag tulog, sana tulog na lang sya forever. Joke lang gagi sorry Lord! Kumatok ako ng tatlong beses sa bedframe dahilan para magising si Riki.
Mahina naman pagkakakatok ko ah?!
Hindi pa naman nakamulat yung mga mata nya pero umiinat-inat na sya kaya bumalikwas ako sa kama at tumakbo sa banyo para 'di nya ako mahuling gising sa tabi nya.
Ilang mins muna ako umupo doon para mag... reflect at syempre, para magmirror selfie. In fairness, ang ganda ng salamin dito.
Lalabas na sana ako ng banyo pero biglang nagkasalubong kami ni Riki sa pintuan. Halatang kakagising lang nya kasi papikit-pikit pa yung mata nya.
"Oh sorry... akala ko 'di occupied..."
God.
His morning voice.
BINABASA MO ANG
simula bata pa - a sunki tagalog fic
Fanfictionsimula high school pa lang ay magkaibigan na yung mga magulang nina sunoo at riki. however, kahit magkakilala at madalas magkasama yung dalawa since birth, parang strangers lang din yung turingan nila sa isa't-isa. little did they know na may pinapl...