Kanina pa may kumakatok sa pintuan. Sino ba 'to, ang aga aga nambubulabog.
"Hey Sunoo! bangon na. Tulog mantika tayo ah"
Ay si Kuya Inyeop pala.
Minulat ko yung mga mata ko at kinuha agad yung cellphone ko para tignan yung oras.
PUTA ALAS DOS NA NG HAPON??!
Napatayo agad ako sa kama ko at nagmadaling pumunta sa banyo para mag-ayos, nadapa pa nga ako eh. Usapan kasi namin 2:30pm kami aalis at pupunta sa Manila Ocean Park.
Sobrang gulo pa ng damit at buhok ko pero wala na akong pake kasi we all have our bad days naman. Wala na din akong oras para mag-ayos ng bonggang bongga. Mabilis kong inayos yung mga gamit ko at bumaba na para imeet-up silang lahat.
Time check: 2:38pm
"Hhhh sorry natagalan uhm ano may inayos lang sa kwarto," natataranta kong sabi. Late na kasi ako at nararamdaman kong galit na yung mga magulang ko sa'kin. If looks could kill nga naman.
"It's okay Sunoo, it's still pretty early pa naman. Oh! Since we're complete na pala edi taralets?"
Buti na lang at good mood si Tita Romina ngayon kaya 'di na ako napagalitan ni Mama hehe.
Time skip: 6pm
Gabi na at kakarating lang namin sa Manila Ocean Park. Matagal yung byahe kasi galing pa kaming Calamba, Laguna. Nakakaawa si Papa ilang oras nagddrive, 'di man lang sya nakapagpahinga.
Bumaba na silang lahat sa sasakyan at nakita kong nagstretching agad sila. Tagal ba naman naming nakaupo kasi wala man lang kaming stopover sa field trip na 'to!
"Ughhh kapagod!" Rinig kong sabi ni Tita Romina.
Pagkababa ko ay pumunta agad ako sa unahan ng sasakyan.
"Pa, tulog ka kaya muna dito sa van. Samahan kita." Kita ko palang kasi sa mata nyang pagod na pagod na sya.
Nginitian nya ako. "Sunoo wag na. Magenjoy ka kasama mga kaibigan mo."
"Pero please promise me na magpapahinga ka dito," medyo utos ko sa kanya habang nakasimangot.
"Yes, I will. Matutulog naman talaga ako habang pumapasyal kayo hahaha ikaw talaga 'nak wag ka masyado mag-alala sa'kin."
Ginulo nya buhok ko at namaalam na ako. Hinahanap ko kung nasaan yung mga kasama ko pero andoon na pala sila sa entrance. Nakakatampo ha, 'di man lang ako hinintay!
Tumakbo na rin ako papunta sa kanila.
Laking gulat ko nung kinausap ako ni Riki nung narinig nya akong naghahabol ng hininga sa likod nya.
"Saan ka galing?"
"Ah ano... uhm... kinausap ko lang si Papa"
Tumango lang sya at ibinalik na yung tingin nya sa harapan.
ANG AWKWARD NAMAN NON.
"Since 'di naman tayo pareho ng pupuntahan, magby-pair by-pair na lang tayo," sabi ni Mama habang ngumingisi. Parang may masamang balak naman 'tong nanay ko. Ano meron sa kanya?
"I'll go with Inyeop na lang since may pag-uusapan pa kami"
Inyeop and Hoyeon.
BINABASA MO ANG
simula bata pa - a sunki tagalog fic
Фанфикsimula high school pa lang ay magkaibigan na yung mga magulang nina sunoo at riki. however, kahit magkakilala at madalas magkasama yung dalawa since birth, parang strangers lang din yung turingan nila sa isa't-isa. little did they know na may pinapl...